Angel Locsin: A Filipina Action Star 11


Two times ko nang na-encounter si Angel Locsin. Iyong una sa canteen ng GMA at pangalawa nung naisama ako sa press con ng  first produced  trilogy film niyang Angels.  Sa 2 encounter na iyon, isa lang napatunayan ko, itong babaeng ito mabait at malalim.

Back issues

Sa isang pambihirang pagkakataon ay kumain kami ng friend ko na si Raquel sa canteen ng Kapuso network ( nanalo sa pa-raffle o after manood ng show?). Since daldal kami nang daldal at tama naman siguro na labas n’ya noon mula sa studio ng defunct morning  show na SIS, akala nya fans kami ni Raquel. alam mo ginawa nya? kinawayan kami at sinabing hi! eh kami ang nagulat at na-gets niya na hindi kaya, si Alywina ng Mulawin na naka-costume pa ay lumipad somewhere. Kung alam lang n’ya ilang segundo pa hinahabol na namin siya para makapagpa-autograph. hehehe!

Lingid sa kanyang kaalaman ( bilang producer ng film ng Angels), owner namin ang inupahan nila para sa part ng film na ang bida ay si Marvin Agustin. Gusto namin siyempre yun kahit man lang maka-extra na magtulak ng owner kaso yon bongga pa yung sasakyan kaysa sa amin.  Dahil ang matsikang Hoshi, chika na rin sa kanya with matching pa-picture ( hello ‘wag na lang ako magpunta doon kung hindi rin lang).

Ms. Angel Meets slasher Star

At that time na magkaroon ako ng chance na makausap siya ay may rumor na aalis na siya sa GMA pero may existing series pa siya. Kung hindi ako nagkakamali ay  Asian Treasures with Robin Padilla. Maganda siya in person, no doubt, pero  mahahalata mo yung papalim na niyang prinsipyo. Malayo na sa Angel na napapanood noon sa Click as younger sister ni Richard Gutierrez.

Sa ilang napag-usapan namin ang tumatak sa isipan ko ay yung kaya siya nagpo-produce ng film para sa passion niya at nakakaramdam na siya ng burn out . Actually sa start hindi ko ma-gets, brown out lang ata kokote ko pero after a while (mga 2 seconds) ay nakuha ko na. Sa aking interpretasyon ay sunod-sunod na yung mga work niya na wala siyang pahinga tas halos  ganoon-ganoon ang tema though  top rating lahat.

Parang  (sa interpretasyon ko ulit) gusto naman niya nang mas malalim na pagganap, yung mabibigyan ng ningning ang kanyang pagiging actress at magawa ang iba pang bagay.  Balita ko pa noon ay magtatayo siya ng fashion boutique, ewan ko kung ano nangyari pero ang alam ko may resto siya sa Don Antonio, Quezon City.  Hindi man nag-prosper ang mga yon (halimbawa, wala naman akong balita), I commend yung mga ganyang artista na trying to do business hindi lang puro paganda.

What I like more about Angel?

Female action  Star . Sa point na ito, wala akong maisip na young actress o kahit sinong actress na puwede sa action, magpa-sexy ng slight at magdrama ng tulad ng ginagawa niya.  Mayroon naman nagta-try pero iba yung pormang Angel  bago mag-take off sa harness este sa ere. Parang tingin at posture pa lang, galit na ang ate. Puwede sa kanya yung mga tipong Salt  ni Angelina Jolie or Alias ni Jennifer Garner. Though I recommend na think Orig for her.

Enabler – Maraming bumatikos sa kanya  when she decided to move to Kapamilya Network. Hindi mo naman masisisi  lalo na’t hindi siya si sikat na Angel kung hindi sa mga top rating shows niya sa GMA. Big risk ang ginawa niya, pero she did it pa rin and till now, I guess pino-prove niya yung bawat bullet points na deciding factors niya. By just taking that big risk, yong isugal ang popularity and stable project mo because of your goals- I think that’s really something. Her acting awards ay isa na sigurong proof na ibubuga sya sa acting.

Activist – Siguro may iba naman dyan na mas active pa sa word na activist o philanthropist pero at least ‘di  ba you still doing something.  Isa sa nagustuhan kong project niya with Anne Curtis ata ay yung hihingi sila ng donation from artists then ibebenta nila at ipangtutulong sa mga nangangailangan. Creative di ba?

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

11 thoughts on “Angel Locsin: A Filipina Action Star