I can confirm that Kathryn Bernardo and Daniel Padilla‘s tandem has huge and solid following especially with what I experienced while watching She’s Dating The Gangster. Noticeable giggles, shouting, praises and even cries of our fellow moviegoers were few of the best parts of watching this romantic comedy film adapted from an online novel (eBook).
(Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more movie reviews and showbiz stories. Salamat and Mabuhay 🙂
To be honest, Kathniel is not my generation, puwede pa sina Kim Chiu at Xian Lim so hindi ko rin maintindihan bat inaya ako ng Ate ko na ka-generation pa ng mga taga That’s Entertainment, Universal Motion Dancer at Eraserheads. Sa bagay sahog din pala ang mga ito sa pelikula so carry na at ako naman ay nagpaaya rin.
Not your Ordinary Feel Good Movie
This movie is not similar to totally predictable ones and somehow you are hoping that may happy ending, may mabuhay o magkatuluyan. Pero ako, nagandahan ako sa transition ng story, yung characters na hindi na sobrang paawa or yung normal na role sa mga teleserye (na sasabihin na lang na mahal yung isang tao patatagalin pa ng ilang taon). Well, hindi naman liberated sina Kenj De Los Reyes at Athena Dizon pero gaya sila ng audience na kasama namin, makatotohanan. hehehe!
Approve! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo
When they want to cry, to laugh, to dance, to pretend or what have you- they go for it. I can’t compare pa nang bongga sina Daniel at Kathryn sa iba because this is the first time na napanood ko ng buo ang kanilang pag-arte. Pero sa tingin ko, mayroon silang ibubuga. In fact, every time I see Daniel parang pakiramdam ko he’s just copying his uncle Robin Padilla pero dito sa movie under Star Cinema, walang bahid ng imahe ng impression ko ang nakita ko sa kanya. Ni hindi ko nga ma-feel na nagpapa-cute lang siya o si Kathryn, kundi talagang ginagampanan nila ang kanilang mga roles. Sorry to say to other teen stars, these two are not just popular they can deliver.
Kahit brief lang din yung moment nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ( na nagpahagulgol sa katabi at sa likuran namin), talaga namang touching. Hindi mo puwedeng itapon at bagkus nagbigay pa ng saysay o lalim sa journey ng “love story na may bad timing.”
Smooth Editing and Cinematography
Napaka-powerful ng effect sa isang movie ang back story at flashback pero marami akong nakitang movie na kahit gawa pa ng award-winning director ay di nagawang smooth. Hindi ganito sa film na ito na directed by Cathy Garcia-Molina dahil hindi lang inulit-ulit at tinawid kundi nabuo ang istorya sa ganitong paraan in a very smooth way.
Paumanhin ha, pero pagdating sa pagbuhat sa upuan at tanawin ang kalayuan before matigok si sakiting love ay hindi na gaanong mabenta sa akin. Last ko pa namang napanood yung Maybe It’s time nina Sarah Geronimo and Coco Martin. Pero again, hindi ko babawiin na hindi ko itatapon ang buong part ng pag-iibigan nina Richard at Dawn.
At gusto ko yung tinatanaw nila (Richard at Dawn) sa teresa- parang ganun ang gusto kong makita sa bintana ko. Sa pelikulang ito ko rin huhugutin ang aking pag-asam na makarating din sa Bicol lalo na sa paanan ng Mayon Volcano, wag lang akong bubugahan.
Pero ang hindi ko lang masakyan talaga ay kung 90’s ba talaga ang setting ng pelikula. Pero iniisip ko na lang na baka late 80’s or early 90s ito dahil sa napakamakulay na pananamit ng mga characters. So para matapos na lang ang gulo at tanong sa kokote ko, baka with touch of Jolina Magdangal’s fashion era ito.
Congrats sa cast and crew ng She’s Dating A Gangster at sa lahat ng nakasama ko sa sinehan. The best kayo, isa na ito sa pinaka- lively movie time ko.
Pingback: 16 Actresses Who don't need Ka-Love Team
kathniel forever!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
hellowie, hoshi… una, babatiin ko bago mong theme, ang linaw. like “) pangalawa, naaliw ako, nakabasa na naman me ng review dito. di ako fan ng dalawang young stars, pero parang fair ang mga pananaw na ihinayag ng reviewer, hoho. warm regards… 🙂
hay ate sun na-miss kita! Salamat-salamat sa iyong pagbati!