Emilio Aguinaldo Shrine in Kawit Cavite


The first president of Republic of the Philippines and the one who first did wagaway our national flag is General Emilio Aguinaldo. But if there are two things worthy to mention pa about his colorful background  ay he’s a son of Cavite and he had wonderful ancestral house a.k.a. Aguinaldo Shrine, where Philippine Independence Day was declared  on June 12, 1898.

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Cavite + Emilio Aguinaldo =  Aguinaldo Shrine 

 

Aguinaldo ShrineMay ilang taon pa lang nang gawan ng pelikula ang  buhay ni Gen. Aguinaldo na  may lahing Chinese din. Ginampanan ito ni George Estregan “ER ” Ejercito at ang titulo ng movie ay El Presidente. Hindi naman nakakapagtaka na sa mga makasaysayng tao sa ‘Pinas ay  si Aguinaldo ang isa sa pinagbuhusan ng budget at gawan ng movie dahil sa sadyang makulay, kung ‘di man ay kontrobersyal, ang kanyang istorya. Gusto mo malaman bakit? Makakabuting magbasa ka na ng libro o panoorin na lang ang El Presidente. 😛

Pero wait, ang isang bagay na kadikit ng kanyang ng kasaysayan ay ang kanyang pinamanang ancestral house sa Kawit Cavite na tinatawag ngayon na ng Aguinaldo Shrine.  At good thing na  napuntahan ko ito sa unang pagkakataon,  hatid ng Lancaster . Pagpasok lang sa nasabing mansyon ay  namang punong-puno ng karakter, isa sa mga natatanging tahanan na napuntahan ko gaya ng  Malakanyang (Mendiola) at Malacanang of the North (Ilocos).

 

Why you should visit  Aguinaldo Shrine

For me, part na pagkakilanlan ng Cavite ang Aguinaldo Shrine na matatagpuan sa bayan ng Kawit.  Para bang kung ang Maynila ay may Luneta Park at ang Quezon City ay may Circle,  sa Cavite ito na ‘yun.  Sa labas pa lang ng Shrine ay mae-excite ka ng pasukin dahil makikita mo na kaagad ang pamosong bintana. Iyong tipong dapat ikaw rin makadungaw man lang dun.

Himlayan

Himlayan

Open mula 8am to 4pm Sunday to Tuesday, ang shrine ay magpapakilala sa iyo kinalakhan ni Emilio at mahusay niyang paggamit ng kanyang tahanan bilang bahagi ng kanyang laban sa buhay.

Buhay pa s’ya  nang i-donate niya sa  National Historical Commission ang kanyang bahay na may 7000 square meters na lote. Ang tangi na lang niyang request ay dito siya ilibing na tinupad naman dahil ang kanyang himlayan ay nasa garden lamang ng tahanan. Pero hindi lang bahay ang kanyang legacy kundi maging ang kanyang personal car – 1924 Packard 7- passenger Limousine .

 

 

Bukod sa mga nabanggit ay may makikita ring kanyon at dambuhalang washing machine nila noon. Akalain mong hindi lang dry clean ang trip nila noon kundi hot clean.

Patalastas

Aguinaldo Shrine - Washing Machine

Aguinaldo’s Classic Huge Laundry Tub

Kung sa  labas ay interesting na ang mansyon, lalo ka  pang mamangha sa dami ng iyong makikita at malalaman sa loob nito. Of course, hindi mawawala rito ang mga memorabilia gaya ng kasuotan, picture, libro, sapatos, bote ng gamot at miski mga antigong appliances.

Siguro ang isa nagbibigay wow sa lumang bahay na ito ay mga tunnel o lihim na lagusan na ipinuwesto rito ni Aguinaldo na lulusot sa iba’t ibang lugar sa Cavite. Isa na rito ang tinawag na Bomb Shelter, sa pagpasok rito ay aakalain mo lang daw itong isang maliit na well pero ito pala ay underground tunnel patungo sa church.  Ngayon ay sementado na ang balon na iyon dahil  yung may ibang nakakaalam na tila ginagawang  temple run o Takeshi’s Castle  ata ang pagpasok sa Shrine.

Aguinaldo Shrine - Bomb Shelter Tunnel

Dahil sa Ancestral house na ito unang iwinagayway ang  Philippine National Flag , dapat may info rin tungkol dito di ba? Sample, hindi noong Hunyo 12, 1898  o declaration of Independence day sa mga Kastila  una itong ibinandera kundi noong May 28, 1898 pagkatapos ng success fight sa Alapan. Si Marcella Agoncillo ang mananahi nito at si Aguinaldo ang nagdisenyo noong sila ay pare-parehong pansamantalang naninirahan sa Hong Kong. Narito rin ang kopya ng Himno Nacional Filipino ( Lupang Hinirang) na komposisyon ni Julian Felipe

Tatlo ang bahagi ng bahay  at nasa gitna nito ang patungo sa tower na hindi na pinaakyatan sa tawag ng kalumaan. Sa pinakatuktok nito daw ang silid ni Gen. Aguinaldo at kahit matanda na siya ay hindi niya ipinagpalit, exercise-exercise din daw ‘pag may time paakyat at pababa.

Pinagtripan naman niyang tawagin na Balcony of Sinners ang kanilang veranda dahil madalas daw dito nalilikha ang kanilang taktika sa rebolusyon at mga ligawan na nauuwi sa kasalan.  Dahil sa binigyan n’ya ako ng idea, makapagpagawa nga ng balkonahe 3 pa. hohohoho!

Aguinaldo Shrine - Balcony of Sinners

Dapat pasukin ng mga architect and interior designer ang Aguinaldo Shrine, bakit?  Sa pinakasala ng tahanan ay sari-saring muebles ( furniture) ang makikita na may nakaukit at doble ang gamit. May upunan dito na puwedeng lalagyan ng baril o gamit, gayon din ng akala mo wall decoration lang yun pala ay puwedeng lalagyan ng baso o magsilbing ash tray ( kung tama ako)- panis yung mga nasa bus at airplane.

Mahilg din sa musika ang pamilya ng Heneral at isa sa kanyang mga anak na babae ang madalas na tumugtog sa kanilag gumagana pang piano. Mayroon din silang indoor swimming pool na malalim, kaya puwedeng ipalagay na baka mahilig din silang lumangoy.

Go na sa Aguinaldo Shrine!

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Emilio Aguinaldo Shrine in Kawit Cavite

  • sasaliwngawit

    hellowie, hoshi…. ay, napanood ko recently ang kalahati siguro ng El Presidente. maganda ang pagkakagawa ng film. true, medyo grand and fastidious na mama itong si Pres. Aguinaldo. saka, they dressed according to the fashion of the times (West), hoho. tapos, marangya bahay nya at mga gamit, pati lifestyle….parang ano rin, sina Dr. Sun Yat Sen of China, ganoon din wari. mga elite sila baga… ^^

    ahihi, natuwa ako sa “where they made wagayway.” aliw mga hirit… happy weekend, kapatid. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      Happy Weekday Ate Sa Saliw ng Awit! oh pag ganito karangya sa buhay at dapat mas lalong ma-give back sa community. sa kaso ni Gen. Aguinaldo sa buong Philippines s’ya naging concern.

      Though magkaiba kami ng taste sa interior design gusto ko yung trip niya na may mga lihim na lagusan at multi-purpose yung ilang bahagi ng bahay. magandang tip ang mga yun sa maliit lang space sa bahay.

      mabuhay!