Freelance Blend: Workshop for Hopeful Freelancers


To know kung anong buhay naghihintay sa akin dahil sa aking current work status, I decided to attend  Freelance Blend Workshop: Freelancing for Beginners 1.0 noon.  Sa pamamagitan ng event na ito I gained knowledge and na-uplift ang spirit ko because I mingled  with passionate people, hopeful, and freelance experts such as  Marv De Leon, Ginger Arboleda, Fitz Villafuerte, Nica Mandigma, and Dandy Victa.

 

Freelancers, getting out of the shell or cave

Nagsimula ang seminar na isa-isa kaming nag-introduce ng aming mga sarili. Usually tense ako sa mga ganitong eksena, but sa workshop  Ay Day! na-rattle ako hindi dahil sa kabado ako kundi sa dami ng gustong lumabas sa bibig ko ( parang may stampede sa great mind ko hohoho).  May iba sa amin music teacher/ composer, gumagawa ng subtitles sa mga telenobela,  runner and preschool teacher, moms na gustong bumalik sa work field, at yung gusto mag-Adios sa pagiging corporate slave, regular work at abang taga-sahod. Mayroong din naman na fresh grads ( 2 ata sila sa pagkakaalala ko) na gusto na kaagad ang Freelancing ‘di ba Alex?

Freedom BizMedyo kabado ako noong una (siempre kunwari) kasi  wala akong dalang laptop or tablet. Nakampante naman ako dahil hindi naman big deal at  mahusay yung blend ng mga ka-table con group mates ko dahil ( may 2 nagdala ng laptop) group effort ang naganap at  kami ang nanalo sa contest tungkol sa paggawa ng Digital Portfolio. (Congrats Ate Chris Aguila, Alex Leal, Janila deOcampo, and Cheryl Golangcoit’s not about the Price – it’s the CLIMB!)

I think what’s nice din sa socialization part ng event ay yung awareness ng pinanggagalingan ng bawat isa. In fact, Mr. De Leon said maraming tawag ngayon sa mga freelancers  gaya ng Digital Nomad, Work at Home Mom, Cubicle Expat, Free Agent, Independent Contractor at iba pa.  At hindi lang  content writing, web designing and data entry ang magagawa ng mga freelancers dahil puwede rin nilang karerin ito bilang  Freedom Business.

 

Freelancing, answer to Unemployment and working abroad?

 

Wake up call din ang part ng sabihin ni kuya Marv na ang freelancing swak din sa mga unemployed at nag-o-OFW. Siguro nga mas enthusiastic bilang freelancers ang mga tech savvy pero oo nga naman may 11 million na unemployed ( according to SWS survey as of March 2014) at mayroon din namang 30 million Facebook users sa Pinas. Ibig sabihin whether renta or personal gadget nila ang kanilang pinangpi-Facebook, afford pa rin nila and they have time to go online- hello that’s 11 vs. 30!

Sabi nga niya it’s good na i-multiply yung natural talent and investment ( like time in developing your skills and enriching your knowledge) para magkaroon ng  tinatawag na strength.  Ako, it’s my dream  to see na uunti na ang bilang ng Overseas Filipino Workers  dahil they’re satisfied to work and live in the Philippines na. Saka,it’s heartbreaking to read news items about maltreatment, physical abuse, death sentence and other charges against Filipinos, na hindi sana nila nararanasan kung narito sila with their families.

strengthsfinder by tom rath

 Additional info on Freelancing

Elevator Pitch. Alam mo yung  ginagawa mo pero hindi mo alam ang term?  Puwede ring yung kailangan mo pero mo di mo ma-identify kung what or how to solve that?  After ng workshop, I know na kapag may nagtanong sa akin kung ano ginagawa ko i-elevator pitch ko na sila.  Usually kasi sagot ko lang “home-based ako ngayon”- walang dating at parang ‘di ako confident. Sa susunod na may magtanong sa akin, iko-consume ko ang 60 seconds to tell what I’m proud to offer whether it’s my work or business. Taray!

Patalastas

Co-working Space. Isa pa sa nakuha kong idea ay pag-rent ng presentable space para doon sa gusto pa rin ng office set up kahit nagpi-freelance or need sa kanilang business.  Ito yung mga tinatawag na co-working space/ virtual office na mayroon naman palang makukuhang Php 600 – Php 1500 per month like sa voffice post ni Ginger. May makikita rin sa sharedesk.net

Panel discussion on Freelancing in The Philippines

Panel discussion on Freelancing in The Philippines

Digital portfolio. Sa ngayon talaga uso na ang sariling pagma-market ng sarili hindi lang offline kundi online. I-digital na ang kapal ng mukha lalo na’t need mo ng client at be proud sa iyong work experiences/ skills. Isa pang tip, agahan na ang pagkuha ng domain name na  trip mo  para mas personal and professional ang dotcom mo. Sabi pa nga ni Kuya Fitz Villafuerte dapat may contact information at klaro kung ano ang io-offer mong services.

Pricing and negotiation. Tama si Kuya Marv na kahit pa nga empleyado ka  mahirap na mag-ask ng salary or increase what more pa kaya kung freelancer ka. So better nga na pag-aralan din ang iyong monthly expenses,  expected salary and monthly break even rate.

Mabuhay sa  Pinoy Freelancers out there!

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Freelance Blend: Workshop for Hopeful Freelancers