Rurouni Kenshin: The Legend Ends completes Kenshin Himura’s battle with notorious Shishio Makoto. True to its title, the film is thrilling in the way it presents the two former Battousai (assassins) fight for their lives and principles till their last breath. And apart from well-choreographed fighting scenes, captivating plot, and awesome portrayal of Takeru Satoh; sensei Hiko Seijuro mesmerized me (kilig!).
Rurouni Kenshin- Changes settings, same ambiance
Halos lahat ng setting ay binago pero mas kapansin –pansin yung venue ng last duel nila Kenshin (Satoh) at Shishio ( Tatsuya Fujiwara) . Ang alam ko dun yun sa baluarte ni Makoto-san na tugma sa unang meeting nila ni Saito Hajime ( Yosuke Eguchi) sa Rurouni Kenshin; Kyoto Inferno. Pero kahit binago yun sa film at iba pa, hindi naman nakaapekto, sa halip ay nabigyan ng ibang twist para ma-highlight ang pagka- traitor at helpless ng Meiji government, kung wala ang kanilang “scapegoat.”
Congrats kay Director Keishi Ohtomo at nabigyan n’ya ng magandang interpretation ang masterpiece ni Rurouni Kenshin creator Nobuhiro Watsuki, I like the cinematography, musical score at setting especially yung sa last training ni Kenshin at koibito (“,) Hiko Seijuro ( Masaharu Fukuyuma)- wow na wow ako. Saka graceful yung stunts, kahit alam mong may harness mawawala sa loob mo yun sa bilis, tindi at bangis ng mga fighting scenes. Dagdag pa rito yung pagkakadikit-dikit ng mga pangyayari – mula flashbacks hanggang sa present. Tama rin yung pagkakapili nila sa actor na gumanap kay Hiko-sensei, Pogeh (spelling ng may kilig) at mahusay sa swordsmanship! Lintek lang yung pag-itsa-itsa niya sa legendary Kenshin.
Must-see scenes in the Legend Ends
Marami akong maire- recommend and favorite, basta gusto ko talaga yung Hiten Mitsurugi-ryū training ni Kenshin with Hiko-sama and yung pinaka-highlight of all highlights – yung ultimate battle between Kenshin and Shishio. Actually in that scene, mas bibilib ka kay Shishio (Fujiwara) dahil sa nag-aalab niyang swords at lupit niya sa pakikipagkagatan pakikikapaglaban kahit sinusugod siya ng apat na katao with different fighting techniques.
Pero hindi lang naman puro espedahan, upakan, tawanan at bandage ni Shishio ang makikita sa film. Gusto ko rin yung labanan ng principle at kadramahan na may patutunguhan gaya nang:
- Find the Will to Live – agree ako sa turo na ito ni Sensei. And it really heartbreaking yung magdamag na journey ni Kenshin para lang ma-realize ang malupit na kaisipan na ‘yan. Ikaw ‘pag marami ka ng nagawang kasalanan at gusto mo itama (atonement), para bang handa mo ng isakripisyo ang iyong buhay?
- Being strong is not the important thing in life– May koneksyon ito sa principle ni Shishio na “strong will live, the weak will die.” Maiitindihan mo na ito ang panghahawakan na gaya ni Soujiro Seta ( Ryunosuke Kamiki , Shishio’s right hand) na mula sa
alabokdark past ay kinatatakutan dahil pinalakas ni Shishio. Kabaliw-baliw lang talaga ang ma-realize mo na mali ang pinaniniwalaan mong tama. Para ka lang may “tama.”
Isa rin sa magandang laban sa Rurouni Kenshin: Kyoto Inferno ay ang makakabag bagbag-damdaming pagputol ng espada ni Soujiro sa sword ni Kenshin. So yung continuation nandito na. Sarap lang tingnan yung ginawa ni Kenshin para matigil na yang kabaliwan ng paa ni Seta-san.
- If you’re dead, you are dead – Unintentionally may koneksyon naman itong linya ni Megumi Takani (Yu Aoi ) sa payo ni Hiko-san. Simple pero oo nga naman, “I don’t care if you crawl, stay alive I will heal you. If you’re dead you’re dead.” Ang interpretasyon ko d’yan ay ‘pag pinili mong mag-give up, there’s no hope for you. gapaaang!
- Minister Ito Hirobumi (Yukiyoshi Ozawa) reunion with Shishio – para sa akin ang cool lang ng meeting nilang dalawa. Not because of the fancy set up or men in black versus Shishio’s freaks kundi yung makitang ang taong pinagmalupitan mo ay nabuhay at pinaiikot ka sa kanyang mga kamay.
- Duel of Aioshi Shinomori (Yusuke Iseya ) and Kenshin – Well madrama lang ang sinabi ni Okina o Kashiwazaki Nenji (Min Tanaka) , Kenshin palayain mo siya buhay niya ( in short todasin mo na). Totoo na may nabubuhay sa paghihiganti o sama ng loob,sakit lang sa bangs siguro na sa bandang huli balewala lang yang 10-year preparation mo. Be happy na lang ‘Pre the past is in the Past le… let it be.
Nakakatawa rin naman yung mga comedy antics ni Sanosuke Sagara (Munetaka Aoki ) pero ganun pa rin tingin ko sa kanya medyo OA. Sa lahat ng eksena n’ya gusto ko yung bwiset ni Anji Yukyuzan (Tomomi Maruyama ) at Shishio sa kulit niya.
Gusto ko rin yung angas ni Saito Hajime (Yosuke Eguchi ) at yung di na pinahaba pa ang laban nila ni The Blind Swordsman Usui Uonuma (Mitsu Murata ). Sa totoo lang sa lahat ng porma bago yung laban – pinakagusto ko yung kay Saito. Yung kay Aioshi kasi mahirap nanggagaling sa likod – ang ninja at yong kay Kenshin pameke. hohohoh!
Sa lahat ng fighting scenes ni Kenshin gustong-gusto ko yung naka- ultimate bend patihaya na lumalaban si Takeru Satoh habang sinusugod ni Aoishi. Medyo nawala ang thrill ko sa Hiten Mitsurugi-ryū hindi kagaya kasi sa anime may analysis pa tapos naka-split pa yung screen sa naglalaban at sa opinionated bystanders. hohoho!
parang ganito:
Pingback: Movie Review: Fifty Shades of Grey