Learn How to Become Millionaire through Direct Selling Like Chinkee Tan


Chinkee Tan How I Made My first Million Nabasa ko  na ang libro ng radio host and motivational coach na si Chinkee Tan na How I Made My First Million.  Ayon sa book, it’s the ‘complete guide to make millions through your direct selling business.’  Base  ito  sa kanyang mga  natutuhan sa ibang tao at personal na mga karanasan na mag-iiwan ng ideya na may kumikita o yumayaman nga sa pagdi-direct  selling, networking or multi-level marketing.

Kahit nung nasa kalahati pa lang ako sa pagbabasa nito ay marami  na akong natutuhan at namo-motivate ako talaga.  ganito kasi yan…

Allow me to share my own experiences sa direct selling and networking. Noong 2009 at 2013 ay naging bahagi na ako ng mga  maituturing na direct selling companies (check my Hoshi’s Market  Page for details)  na gumagamit ng multi-level marketing. Subalit, aminado ako na though dealer ako ay mas nagko-concentrate ako sa pag-aalok ng product o halos sa pagiging retailer. Hindi naman sa ayaw at walang balak na ipagpatuloy, iniisa-isa ko lang yung priority at strategy ko (daming kuda), ang isa kasing frustration ko ay yung mga taong…

“…Eager to earn, but neglecting to learn.  We need to learn before we can earn.”

“You have to know what you are doing in order for you to know what you are building.”

Chinkee Tan

Chinkee Tan the law of perceptionMay ayaw um-attend ng seminar pero ang daling magpalagay na scam o wala naman mangyayari.  Buti na lang kamo ay que trabahuin ko o hindi, maganda ang products and services kaya okay na ang kita sa retailing o direktang pag-o-offer sa clients.

Sa ibang banda, medyo natamaan ako sa mga  nabanggit ni Mr. Chink Positive when  it comes to ‘upline’ .  kailangan mapili mo yung magaling kasi  s’ya ang magpu-push at magme-mentor sa iyo. Yung upline ko kasi sa first multi-level marketing business ko ay never kong nakita (suwerte n’ya sa akin kung sino man s’ya hehehe), pero ok-ok ako sa next upline ko sa second biz ko.

Sa experience ko naman sa pagiging upline ay sa lahat ng na-encourage ko na magnegosyo ay  bilang mo lang iyong nagpursigeng pag-aaralan  nang husto ang kanyang manual / kit.  May isa akong nae-encounter na  halos ako  na ang umaasikaso ng kanyang mga transactions. Mayroon din na gustong mag-stage ng seminar pero siya mismo tamad pag-aralan yung platform.  Actually it’s easy to speak about the business, ang mahirap ay kung paano niya iha-handle at i-lead ang kanyang downline.   Bakit nga ba s’ya nagnegosyo?   At paano mo palalaguin kung hindi mo alam kung ano ito?  Ang basic nga na payo ni  Chinkee ay…

Patalastas

“Never invest in something you do not know, no matter how profitable maybe.”

Despite of these problems, I still believe that entrepreneurial Filipinos can have extra or better income with direct selling. They just need to be informed and should have right mindset tungkol sa bagay na ito.    Alam  ko na marami ang may phobia  at allergic sa term na “networking” and “multi-level marketing.” Pero kahit magbasa pa tayo ng advertising, marketing, and business books walang masama dito lalo na ‘pag pinaghihirapan. at sa totoo lang maraming negosyo na gumagamit din ng ganitong istratehiya – leveraging.

Ang nakakakaba talaga ay ang nangangako nang malaking kita nang wala kang ginagawa maliban sa pagbibigay ng malaking pera.  Hindi (pa) ako  magaling na upline at expert sa direct selling kaya gusto kong  matuto kaya swak itong How I Made My First Million at baka sa mga susunod na blog post ko ay ang article ko na ay tungkol sa How I Made My First Billion Through Direct Selling.

“It’s hard to look for something if you do not know what you are looking for.  Even if the opportunity could be staring at you in the face, you might not even recognize it.”

Chinkee Tan

 Sa book din na ito ay pinagkumpara ni Chinkee ang kagandahan sa direct selling sa franchising, entrepreneurship, at employment.  Samantala, ang How I Made My First Million ay isa  lamang sa mga libro na  nabasa ko mula sa  Money Kit ni Chinkee.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Learn How to Become Millionaire through Direct Selling Like Chinkee Tan

  • janelyn onteling

    Thank you so much for sharing your story. I am a distributor of world class quality beauty and wellness product of a big networking company. I also bought already chinkee money kit. I want to learn more para makamit ko ang first million. Home base lang ako kasi full time mom. Aaminin kong nahihirapan akong kumita online.

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Janelyn and welcome sa hoshilandia!

      welcome at thankful ako nakakuha ka ng something sa pagbabasa mo rito. I think because of the phobia and stiff competition na rin kaya mas lalong mahirap. Pero wala naman hindi nakukuha sa tyaga at determinasyon. Yung direct selling for me kailangan ng combination of strategies hindi lang traditional, online, at guerilla marketing, kundi higit sa lahat relation-based marketing. malaking tulong yung word of mouth 😉

      Mabuhay sa iyo at sana’y soon makamit natin pareho ang ating goal. kita-kits na lang sa pictorial Entrepreneur or Forbes Magazine 😉