How to find a good company, better job?


pinta ni Michael P Blanco

pinta ni Michael P Blanco

Isang araw naisipan ko na lang mag-blog hop para ma-check  ang iba pang  Filipino personal bloggers. Karamihan sa nabisita ko ay may problemang trabaho o career. Dalawa iyong may pinakapumukaw sa akin, yung isa may sinasabi sa  dalawang  big companies in quezon city, habang iyong isa naman ay affected sa  kasamahan n’yang nakaalis na sa kanilang company.

Gaya ng komento ko isa (di ko na babanggitin yung name baka ayaw), ayoko magpaka-preachy, gusto kong magbigay ng kuro baka makatulong ang mga karanasan, natutuhan at nabuong ideyako pagdating sa career.

  1. Stop comparing your self to others! Just prove and improve yourself  –  Ang labo naman na sa buong buhay mo ay hindi ka nainggit sa iyong kapwa. Pero kailangan natin tanggapin na talagang may bukod na pinagpala. Kahit ilang inggit pa ang maramdaman mo ay balewala sa iba so bakit mo ibi-baby ang inggit sa puso mo?! Ang pinakamabisa lang siguro dito ay i-convert  ang inggit bilang admiration para maging motivation mo sa buhay.  Hindi mo puwedeng sabihin na “ganun-ganun lang”  kung may nakamit na tagumpay ang isang tao.  Hindi mo alam kung ano ang pinaghuhugutan n’ya ng lakas ng  loob,  napagdaanang karanasan, at  handang isakripisyo para sa kanyang pangarap.  Bukod pa d’yan ay may tinatawag na pana-panahon lang din ‘yan. Focus on being competent, not being competitive.

 

  1. Identify the inner you- your assets, ultimate dreams and goals in life – Naniniwala ako na  ilan sa  rason bakit mailap ang tagumpay ay
    • Pagbanta ng Panahon (Nat'l Art Gallery)

      Pagbanta ng Panahon (Nat’l Art Gallery)

      Having no self-identity – Ang hirap para sa isang tao na magtagumpay kung hindi niya mahanap ang  kanyang sarili at ibinabase ang  kanyang mga desisyon sa ibang tao. Ikaw ano ba ang talaga ang gusto mo at ano ba ang gustong patunguhan?  Pero ang malala sa lahat ng bad “work attitudes” ay pagiging sarado (narrow-minded / stubborn) ng puso’t isipan sa mga oportunidad at posibilidad.

    • Not knowing what is success for you?  Kailan ko  lang napagtanto na ang kahulugan ng tagumpay ay “subjective”. Ako,  lumaki ako sa konsepto na “mag-aral ka nang mabuti para makahanap ka ng magandang trabaho.” Tapos uso sa environment ko ang pangingibang-bansa para gumanda ang buhay. Ako mismo ay may mga OFWs na kapatid na kung tatatrabahuin ay baka madali para sa akin ang makapagtrabaho rin sa ibang bansa. Tapos dagdag ko na rin na uso pa yung maikukumpara ka sa mga mga batch mates mo na de-kotse na,  nakabili ng bahay at nagtatrabaho sa magagandang company. Pero gaya ng sinabi ko sa post kong No More Birthday Blues -hindi e. At the end of the day, ang magma-matter ay saan ka maligaya at saan ka nakokontento. Pangarap kong magka-kotse, sariling bahay at makapag-travel pero hindi ibig sabihin nun ay yun na ang kaligayan ko. Tama talaga yung nagsasabi na “Happiness is success, not success is happiness.”

 

Samantala, makakatulong sa paghahanap mo ng success at happiness kung ikaw mismo ay alam mo ang armas mo sa giyera ng buhay – ang sarili mong strengths, assets, at positive attitude.

  1. Career plan and your Work attitude are the important factor, not company
    Idiot box  by Elizalde Navarro

    Idiot box  by Elizalde Navarro

    Mula sa mga personal finance seminars at books hanggang sa mga karanasan ko mula sa pagiging full time employee hangang sa freelancer – isa lang ang angat na idea “there’s no such thing as job security.”  Ang hirap idebate ‘yan lalo na sa mga nagtatagal sa serbisyo sa isang company pero aminin natin it takes sacrifices and strong stamina to stay long in a company kahit pa they have good management and compensation package. Ano pa kaya sa mga company na mabalasik ang  HR, palimos ang pasweldo, at panalo sa pagkakontrabida ang mga amo? Aminin natin ang hirap mag-hanap ng perfect na company at ang hirap ding magpaka-perfect employee.  So ang say ko rito ay magtatagal ka sa isang company kung may kinalaman ang trabaho mo sa karera na gusto mo at unang-una ay  okay ang work attitude mo.

Huwag kang manisi kaagad ng company kung ikaw nga feeling mo ay wala kang value. Kung wala kang value ba’t ka nila iha-hire? Kung mababa naman pala ang value mo, ba’t hindi mo i-develop ang iyong mga skills?

Sa paghahanap ng company ang pananaw ko d’yan ay huwag ka lang bumase sa may magandang pangalan at sweldo.  Dapat akma rin ang kanilang culture sa iyong values (culture fit). Kasi Iiwan at iiwan mo ang company na feeling mo out of place o nakakakahon ka. Mas magtatagal ka sa company na gusto mo ang ginagawa mo, kesa dahil sikat sila.

Note: Ang mga larawan sa itaas ay may kinalaman sa pakiki-celebrate ko sa National Arts Month



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.