Sinusulat ko ang essay na ito na may mabigat akong na pinagdadaanan. Ganun pa man, mahalaga ang pananampalataya at nakakatulong ito para ma-handle ko ang problema. Ito ang aking sandigan sa panahon na gipit ako, nalulungkot, at kung parang walang malinaw na pag-asa.

Hindi ko sinasabi na all out ang aking pagiging faithful. Kung usapang relihiyon ay hindi ako ganoon. Subalit, sa rami ng pagsubok na sinuong ko, ang laking bagay ng may pananampalataya at sense of spirituality.
Naniniwala ka bang may Diyos?
Isa sa hindi ko makakalimutang job interview ay tanungin ako ng mga interviewer kung naniniwala ba ako sa Dios. Pinapili pa nila ako ng 3 sa 10 Utos ng Dios kong alin dun ang tingin kong importante. Sunod ay tinanong nila ako kung alin doon sa 3 ang pinakamahalaga. Ang lala ng interview na ‘yon!
Sinabi nung isang interviewer na baka haka-haka lang talaga ang Dios at base lang ito sa Science. Kung tutuusin, ang awkward talaga ng mga tanong. Sabi ng isang collegue-friend ko ay pwede ko naman i-refuse ang ganun. Bakit nga di ko ginawa, nagtanong naman yung interviewer kung okay sa akin. Pero pumapayag ako na magpatanong o magpatuloy.
Sa una siguro, gusto ko lang pumasa sa job interview para magkatrabaho. Later on, naisip ko na hindi na rin mahalaga kung matanggap ako sa work na ito. Para tanungin nila ako ng ganito, anong meron? Ang gusto ko na lang ding patunayan at tuklasin kung paano ko masasagot mula sa kaibuturan ng aking kaluluwa (charr) at aabutin ng aking English. Siguro nasu-surprise din kasi ako sa sarili ko kapag natatanong biglaan at mabigat.

In French (charrot), ang sagot na lumabas sa bibig ko at hanggang ngayon ay pinanindigan ko ay…
Kwestyunin mo na ang pagiging relihiyosa ko, at siguro hindi ako nakakasunod sa tamang paraan. Pero nananiwala pa rin akong may Dios. Kung hindi ka kasi naniniwala sa Dios, ‘wag ka na lang maniwala na may pag-asa.
May magkakaibang paniniwala o relihiyon tayo pero may common denominator, naniniwala tayong may Dios. Ang pananampalataya natin sa Kanya ay nagdadala sa atin ng pag-asa, pag-ibig, positibong pananaw—buhay. Sa huli, sa anumang anyo o pagkakataon, makapagpapatotoo tayo na may himala sa ating buhay. Hindi rin lahat man-made or bunga ng hard work lang.
Ang hirap isipin na may taong walang pananampalataya. Kung hihiling ka, kanino ka ba humihiling? Kahit ba simpleng “sana may ice cream na pasalubong mamaya,” “please naman magka-dyowa na ako now na” o mabigat na “sana gumaling ang magulang kong may sakit” ay isa itong hiling na may pinatutungkulan. Someone unseen at beyond you. Kahit ‘di mo pa nakikita, nahahawakan o lubos na nakilala iyon alam mong may nakikinig sa iyo. Sa puntong iyon, hinahayaan mong magkaroon na positibong bagay sa iyong puso at pagkatao.
Anu-ano ang epekto ng pagkakaroon ng pananampalataya ?
1. Mas palaban at matatag ka. Kahit ang bigat ng problema ay alam mong kakayanin mo. Alam mo basta may tumutulong sa iyo at tutulong sa iyo para malagpasan ito. Ito man ay tao, sitwasyon at pagkakataon.
2. Natural na magkakaroon ng positive mindset. Ka[ag may faith ka, nakakakita ka palagi ng mabuting bagay sa isang mahirap na sitwasyon. Palagi mong maiisip na kahit habang may buhay ay may problema, meron ding pag-asa at masasayang karanasan. Kung nakaranasan ka ng pagkabigo o kalungkutan, basta alam mong makakayan mo rin ito. May guide at aalalay sa iyo. Hindi ka Nya pababayaan.

3. May direksyon ang buhay. May iba na mukhang successful at happy sa buhay kahit walang pinaniniwalaang Dios. Pero, subukan mong isipin na wala kang pananampalataya. Ano kaya ang sitwasyon mo ngayon at pakiramdam?
Maaaring may taong nakukuha ang lahat pero feeling empty o hindi makontento. May tao rin na walanng ganang bumangon sa umaga, mag-isip at makadama kung gaano ka pinagpala sa buhay. Kung gaanong pinasasaya ka ng iyong pamilya, kasintahan at kahit na alagang puno at hayop. Kung paanong may masaya pang mangyayari at posibilidad na kaya mong maranasan pa. May kinalaman doon ang iyong spiritualidad at pananampalataya.
4. Maniniwala ka sa pag-ibig. Maraming anggulo at proseso kung paanong natutong magmahal ang tao. Subalit, kung wala kang pananampalataya, mahihirapan kang ring maniwala na may pag-ibig. Iyong nakalaan sa iyo o klase ng pagmamahal sa paligid mo. Ganun din ang himala, kabaitan at pagkakaibigan
Mabuhay at manampalataya! Kung may pagkakaiba man sa paniniwala, may tinatawag din na respeto at pakikipag-kapwa tao.
Pingback: Paano kung may nakikipagdebate sa tungkol sa relihiyon ko? – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: 3 Personality Traits I am proud of: 6 of 31 Days Blog Challenge – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI