Cost-effective Alternative Publishing


Nang malaman ko from my Noona Jube na may free seminar about publishing sa Ortigas Foundation Library ay interesado na ako.  Kaya naman  nagpunta kami ng aking blog mentor sa Ortigas Building (Meralco Ave., Ortigas, Pasig) para um-attend ng Alt + Pub (Alternative Publishing) – crash course and mini forum.

Ortigas Foundation

reception area of Ortigas Library

Medyo late na kami kaya hindi namin nasimulan ang ilang sinabi ni Mr. Joey Blanco na el representante at nagbigay ng point of view ng mga Printer.  Si Mr. Blanco ay general manager ng Ultraprint.

Noong unang part ay aaminin ko parang iniisip ko na tama ba itong pinasok namin. Ano naman ang say ko sa mga machine, papers and binding? Kapag ako naman ang nagpa-print ay kung hindi ko gusto ang quality, service at price, hindi ko na papatulan. Pero, may mga sinabi siya na dagdag knowledge sa akin at tips para makaiwas sa pagkakamali o gastos.

Ayon sa kanya maraming printing establishments sa Anonas (Quezon City?), maraming nasasayang na space kapang ang book ay hugis square, mas gusto ng mga taga-US ang off-white na papel (kumpara sa Pilipino na gusto na white at makintab) at ang karamihan ng pagba-binding ng bible ay tinatahi talaga ng manu-mano. Of course ang mga things to consider ay

  • ang quality, papers,
  • kulay,
  • pages (pasok na ba sa usapan ang cover?? Divisible ba sa four?), at
  • layout (sarili o sa kanila).

According to him, ang printing is a dying industry dahil na rin sa patuloy na pamamayagpag ng ibang media like TV and radio. Dagdag pa d’yan ang pag-usbong ng mga digital printing.

Mr. Gilbert Monsanto of Bayan Knights: Scouting for Supplies

Ang pangalawang nagsalita ay si Mr. Gilbert Monsanto na publisher ng Bayan Knights at may-ari ng Sacred Mountain. Siya naman ang nag-discuss about scouting for supplies and finding distributors. Ilan din sa natalakay niya ay ang kawalan ng ngipin para sa pagkuha ng royalty.

Para naman sa mga gustong mag-publish ng book, aniya’y maiging hanapin ang market mo at sa kanila mo ibenta ang iyong produkto; pag-isipan mong maiigi ang presyo ng iyong ilalathalang babasahin at ang mabenta ngayon ay ang mga graphic novels.

Patalastas

Siempre ang aasahang sakit ng ulo ay ang pagbabayad at pagpaparehistro sa BIR at City hall; pagkakamali sa maire-release na libro at ang paglalagakan nito like ng National Bookstore.

Alternative Publishing: Mr. Adam David

Samantala, ang pangatlong nagsalita ay si Adam David na winner ng 9th Madrigal Gonzales Best First Book Award for the El Bimbo Variations. Sa kanya naman ang Electronic Publishing, book design at layout.

Una ayaw niyang patawag na alternative publishing ang kanyang likha o ginagawa kundi  independent. Well for me, may punto siya roon at in fairness ganoon din naman yun.  hehehe. Hindi magastos at conventional. Sa ilang ipinakita niya na klase ng libro, parang nai-inspire ako na mag-try na i-publish ang aking likha sa paraang ganoon. hehehe

Sched and announcement of Ortigas Foundation Library

Marami akong nakuha punto sa mini forum at nabuksan ang aking isipan. kung tutuusin ay ang print ang pinapatay ng online media. Pero ano’t-ano man, tingin ko malayo pang mamatay ang mga print industry na mas okay sa mata.

Thank you sa Ortigas Foundation Library at sa mga taong bumubuo ng forum na ito.  Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Cost-effective Alternative Publishing

  • Nortehanon

    “Tingin ko malayo pang mamatay ang mga print industry na mas okay sa mata.”>>> napangiti naman ako dito hehehe. Ayos ‘yo 🙂

    Dun sa number of pages, kung divisible by four, depende kasi yan sa machine na nagpi-print. Sometimes, ang requirement ng machine ay divisible by 8 ang pages. Yung bigger machines naman, minsan divisible by 16, minsan 32 naman. A set of 4, 8, 16, or 32 pages is called a signature.

    Hmn, bakit ka pala nag-attend ng publishing orientation? Plan mo ba mag-publish ng book? Kung gusto mo ng tip tungkol sa paggawa ng aklat, baka may maitulong akesh hehe. just shoot an email hahaha

    • Hitokirihoshi Post author

      wahh dun ako napangiti ako nang bongga sa “Kung gusto mo ng tip tungkol sa paggawa ng aklat, baka may maitulong akesh hehe. just shoot an email. ”

      yung totoo? naiisip ko na mag-publish ng book at isa sa malayo kong dream ang maging book author. Hindi ko pa lang alam kung ano bang eksakto ang gusto ko at paano gagawin with dedication. Alam mo yun, kailangan isabay sa ibang priority.

      Pero overeall mahilig ako um-attend ng halos anong interesanteng seminars. hehe.

  • Hoshi Post author

    @ raft3r- hindi naman kayo nagpapaligsahan ni len ano? hehehe.

    talaga laman ka nyan?! naks nakaka-elib naman. ako kasi first time lang dyan. 😉

  • len

    You really are expanding your horizons. I’m looking forward to read your published book one day. Malay mo ako amg publisher mo? nyahaha

  • hitokirihoshi Post author

    okay lang yan, pero siempre i reccommend na mag-a-attend ka sa ganyan kasi daming perks apart sa mga freebies (free lessons,experience and new aquintances or for networking). dito wala kaming nakuha pero may free chicha naman.

    usually kasi yung mga private/ commercial/business companies ang may mga ibinibigay na gifts or freebies na madalas ay products nila.

  • hitokirihoshi Post author

    @precious- ah nye! naki-join lang ako sa dot.com bandwagon ni salbehe (do you know here?) puwede ka patulong sa kanya ng mga kabagayan.

    pasyal kala lagi ha!

    mabuhay!

  • hitokirihoshi Post author

    @ate kengkay -yeah yeah ate kengkay! sayang din ang mga pagkakataon na yan. dagdag knowledge, experience at puwedeng kakilala.

    mabuhay and thank for visiting my hoshilandia Jr.

  • eloiski

    kahit kelan di pa ako nakakaattend ng mga seminar. at kung bibigyan ako ng pagkakataon, syempre sa photography seminar na lang sana. hahaha!
    may libre dati sa la union kaso hindi ako nakapunta!!
    lintik na yan!

    ano may freebies di bang binigay? hahahah!

  • kengkay

    ay ganyan din ako, basta may oras, attend ng attend ng free seminars – magmula sa pagbead works hanggang sa fish pond 😀

  • hitokirihoshi Post author

    hahahahaha! aray ko. iba naman kami, parang pinagasama-sama lang si marlene, melai, love añover, at vina morales. wahahaha

    pero hindi may naiisip talaga kong i-publish na nakuha ko ang idea mula doon. independent publishing ito

  • hitokirihoshi Post author

    hehehe, biglaan din lang ito at muntik na kaming di makapunta. kaya nga kami late dahil sa akin. wahehehe

    sige next time sabihan kita.interesado ka pala sa ganito. tingin ka na rin sa website nila, may mga naka-sched pa silang activities.