Before Valentine’s Day, muli kong binisita ang Adarna Food and Culture Restaurant kasama ang aking mga kaibigan. And in celebration for the day of love –nagpasinaya ng Tertulia. Nagkaroonn ng pagbabasa ng mga lumang sulat ng pag-ibig, pagkatha ng tula at pagtatagisan sa panananit ng Filipino costume.
the stage for tertulia
At bilang pasaway na mangangain, hindi kami nakasunod sa tema ng pananamit pero willing naman kaming sumali. Ang isang bagong kakilala na si Zoey (kaibigan ni Avi) ay binasa ang lumang liham ng kanyang ama sa kanyang ina. Sa programang ito napaghahalata na talaga na hindi na nga uso ang mensahe sa papel kundi sa cellphone na lamang. Karamihan kasi sa nagbahagi o kalahok ay gumamit ng cellphone bilang kanilang makabagong kodigo.
Sa muling pagpunta sa lugar ay hindi naman ako nagsasawa. Kundi muling naengganyo na kumuha ulit ng pictures at kumain ng kanilang mga panghimagas(dessert). Nakadalawang order ako ng feliz tsokalate cake at masasarap din ang inorder ng aking mga kasama. (Sorry hindi ko nakopya ang name ng mga ‘yon).
feliz tsokolate
Bukod sa masasarap na Filipino food sa lugar na pinaghusayan ng kanilang resident chef ay pambato rin ang ambiance, disenyo at mga displays dito. Saan ka ba nakakita ng mga lumang bote ng coke, pepsi, cheers at mga serbesa? Gusto mo bang makita ang mga old picture and posters ng ating mga veteran actors? Well, puwede kayong makakita rito kahit sa pagpasok n’yo hanggang comfort room.
cases of old soda bottles
Ang Adarna Food and Culture ay matatagpuan sa 119 Kalayaan Ave., Quezon City.
oo paborito nya dyan at siya ang kasama ko. hehehe
nasan siya? hmmm nagliliwaliw at gumagawa ng kabuhayan. hehehe
paborito dito ni salve diba?
teka nasan na nga ba si crumbs?
thanks lambing! glad na nagustuhan mo dito. lagi ka dalaw ha!
yeah ang sarap ng tsokolate na yan. nawala nga ang salitang diet sa kain noong natikman ko yan. wahhhh
yiheeee ang ganda na dito sa jr mo hoshiiii
at ang ganda naman ng adarna food & culture antique na antique
sarap ba fuds?? 😉 yun sokoleyt sarapzzz
korek iaba ng dating sinusulat na liham. mas may touch- literal man o hindi.
ako rin pinanghihinayangan ko , nag-iisa pa naman lang. choz! hehehehe
Isa sa mga pinanghihinayangan ko ay kung bakit tinapon (winala?) ang mga love letters na natanggap ko. Pero iba pa rin talaga kapag sinusulat ang isang liham, mas personal ang dating at mas may effort. :p
un creative ba? hmmm hindi naman medyo nale-less lang kasi common at informal. parang masabihan ka lang. hehehe
yeah-yeah. tumpak ka dyan.nakakalungkot i miss noong college, na nagpapalitan kami ng mga classmates at best friends ko ng sulat. kahit magkakatabi na kami. pero ngayon naman may sumusulat pa naman sa akin. nakakatuwa na maka-receive ng post cards.
yung scrapbooks ko halos magtalo na ang mga cards or letters and pictures.
Nalimot ko rin pala ilagay ang “uncreative”.
Nakakalungkot na nawawala na ang pagbbigay-halaga sa pagsusulat ng liham sa papel. Mahilig pa naman ako doon. Ngayon, corny kapag nagbibigay ka ng nakasulat sa papel pero parang mas corny (not to mention impersonal) na puro “i luv u” na lang ang parating nakalagay sa text.
yeah nauna ka! yahoo!sige sana magkaroon ng time na makapag-dinner naman tayo dyan kasama ang mga repa dito sa blogworld.
mabuhay!
takte! pwede sa susunod isama mo naman ako. sige na. naiinggit ako sa pagkain. ang sarap! waaaaaaaaaah!
yehey! nauna ako! base!