My Shining Shimmering Korean Stars 29


I remember matapos kung makapanood ng mag-isa ng Charlie’s Angels noon, may isang foreigner na kumausap sa akin sa comfort room. Tinanong niya ako kung kilala ko raw yung isang artista (hindi ko na maalala ang name) o kung may kilala akong Korean celebrities. Siguro kahawig ko yung artistang tinutukoy niya.

Medyo weird sa akin yung situation dahil obviously, hindi ako makakakilala ng Korean stars dahil nasa Pilipinas ako at malay ko na after few years ay papatok na ang Korean series at maging ang mga Korean actors, actresses and performers sa bansa. Eto nga’t babanggitin ko na ang mga trip ko…

winter sonata statue nami island

A monument in Namsam Island

Bae Yong Joon

Siya ang pinaka-crush kong artistang Koreano . First ko siyang nasilayan sa Winter Sonata (Endless Love 2) nang ipinalabas ito sa GMA 7 noong 2003.  Ipinagpalit ko sa kanya sina Joey, Pacey, Jen and Dawson ng Dawson’s Creek. Gustong-gusto ko kasi ang itsura at character niya sa Winter Sonata, lalong-lalo na ang kanyang pananalamin at pagiging tahimik na matinik. Hehehe! Gusto ko rin siya sa Hotelier at sa film na April Snow, pero hindi sa Legend kasi di ko gusto ang mga epic drama like yung Jewel in The Palace at Jumong.

Jang Nara

Sa tingin ko puwedeng siya iyong tinutukoy noong Korean na nakausap ko, lalo na’t bandang 2001 o 2003 ata ‘yon. That time kasi sumikat ang  Bright Girl na siya namang kauna-unahang Koreanobela sa Pilipinas noong ipinalabas ito sa GMA noong 2003. Pero mas gusto ko si Jang Nara sa My Love Cindy or My Love Patzzi na siya namang pinakapaborito kong Korean Series. Ang light kasi ng story then romantic comedy at ganda ng moral values. “Wala sa kilos at mukha yan nasa kaibuturan ng puso.” At ito pa, ang guapo-guapo pa ni Kim Jae Won. Gusto ko na rin ang The Wedding (ABS-CBN) na medyo drama naman at kung saan nakasama ni Jang Nara si Ryu Shi Won.

Chae Rim

Siya ang isa sa mga Korean actress na maraming beses kong napanood at may pinaka-cute na smile. Marahil ay una siyang natunghayan sa All About Eve(GMA 7), then sa Four Sisters (ABS-CBN), Oh Feel Young (ABS-CBN), Love At The Aegean Sea (QTV 11) at Dalja’s Spring (GMA 7). Ang huli ang siya ring huling Koreanovela (tawag ng mga Pinoy sa Korean Series) na talagang sinubaybayan ko sa telebisyon.

Yoon Eun Hye

Coffee Pirnce 2Sumikat siya dahil sa success ng Goong or Princess Hours (ABS-CBN). Ito raw ang isa sa unang acting project niya dahil dati siyang part ng isang singing group. Pero mas napansin ko ang kanyang acting prowess at dedikasyon bilang actress sa Coffee Prince (GMA 7).Dito ay mahusay niyang naiarte ang pagiging responsible at mukhang lalaking panganay. Wahha nakakakilig sila ni Gong Yoo.

Choi Ji Woo

Siya na ang pinakamaraming beses kong napapanood na Korean actress. Mula pa sa Winter Sonata (oo siya si Janice), Beautiful Days (GMA), Stairway to Heaven (oo Cholo siya si Jodi – GMA), at The Truth (ABS-CBN). Mayroon pa nga siya sa QTV 11 eh Rondo o Air City. Pero sa lahat ng palabas niya ay The Truth at Winter Sonata lang ang nasubaybayan ko. Kadalasan kasi ay mga heavy drama ang mga projects niya.

Lee Da Hee

One of the beautiful actresses na napanood ko, magaling din siya both sa drama at comedy.  Una ko siyang nasilayan pero hindi gaanong napansin sa Sweet 18 (GMA). Pero sa Green Rose (ABS-CBN) at lalong-lalo na sa My Girl kung saan niya nakasama ang gumwapong si Lee Dong Wook (nakita ko kasi siya noon sa Loving You na bata at chubby pa ) at ang mukhang babae sa kaguwapuhan na si Lee Jun Ki. Ang galing ni Lee Da Hee sa My Girl at character driven ang story.

Song Hye Kyo

Siya naman ang pinakamagandang Koream Actress na nakita ko. Siya ang bida sa (Endless Love 1) Autumn in My Heart (GMA 7), part ng Hotelier, All In (QTV 11) at ang pinakasikat – Full House (GMA 7) kung saan kasama niya si (my name is) Rain. Trivialang, magkarelasyon sila ngayon ni Hyun Bin na bidang lalakesa My Name is Kim Sam Soon.

Won Bin

Siya ang counterpart ni Song Hye Kyo- na pinakapoging Korean actor for me. Nakasama niya rin ang actress sa Autumn in My Heart at siya si Andrew doon.

Kim Tae Hee

Isa pa sa magandang Korean Actress pero kaiba kina Lee Da Hee at Song Hye Kyo ay medyo hindi pa siya ganoon kagaling sa pag-arte pero in demand naman sa paggawa ng series at commercials. Siya si Eunice sa Stairway to Heaven, bidang babae sa Love Story in Harvard (GMA 7) at Forbidden Love (ABS-CBN).

Eugene

Simple, maganda, nakakaarte, madaming shows at sinasabing kahawig daw ni Sandara Parks (na part na ngayon ng 2ne1) ang dating singer na ito.  Sa dami ng shows –Loving You (QTV 11 & GMA), Love Truly (QTV 11), Save The Last Dance For Me (ABS-CBN), Wonderful Life (ABS-CBN), at Three Dads With One Mom (ABS-CBN) niya na nakita ko, hindi ko lahat matapos-tapos. Nagkakataon lang naman pero gusto ko ang film niyang Unstoppable Marriage.

 

About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

29 thoughts on “My Shining Shimmering Korean Stars

    • Hoshi Post author

      ah nye? wag ka mag-aalala mas malaki ang market ni Marian sa kanila. iyon nga lang hindi ako kasama sa market ni Marian, wahahaha. ikaw na lang.

    • Hoshi Post author

      hahaha dati ganyan ang tingin ko sa kanila. hahahaha kala ko nga iisa lang ang mga Chinese, Korean, at Taiwanese. Ngayon medyo kaya ko na ata i-distinguish kung taga-saan sila. siempre labas na dyan ang mga Japanese. hehee

  • len

    Siyempre, alam mo na ang sasabihin ko dito. hehe Gusto ko si Joo Ji Hoon ng Princess Hours, Lee Min Ho ng BOF at si Ethan Ruan (Taiwanese). Pwede na rin si Andrew ng Endless Love. Sa girls, si Yoon Eun Hye at si Song Hye Ko. Actually, mas kilala ko sila sa characters nila kesa sa screen names nila, alam mo iyan. haha

    Pero si Bae Yong Joon may kamukha talaga sa BOF! peace! :p

    • Hoshi Post author

      hay naku panira ng mood. nag-iisa lang si BYJ. iba ang kamuka noong sinasabi mo at hindi siya pogi for me. hehehe sorry

      yung mga trip mo may mga sabit talaga no?! hehehe

    • Hoshi Post author

      talaga? well baka bago na yung napapanood mo or hindi mo trip. heheh ok lang yan.

      oo noong nagsimula na akong magkainatres sa mga korean drama. doon ko lang na-realize na bukod sa chinito sila e, may iba pa pala silang itsura. akala ko kasi magkakamuka lang sila. hehehe

  • Jowyow

    waaaaaaaaaaaah si Yoon Eun Hye gusto ko siya sa coffee prince takte yan… naghanap p ko ng cd mapanood lang yan… 3 times ko inulit bwahahahaha… si Kim Tae Hee like ko siya kahit kontrabida ang ganda kase kamukha ko waaaaaaaah! kumidlat na naman! namiss ko mga korea novela’s!

    • Hoshi Post author

      kumidlat ba? hehehe

      oo tuwag-tuwa talaga ako noon sa coffee prince. tas yung bidang lalake (Gong Yoo) noong una hindi ko gusto. pero noong nagtagal parang gumwapo na. hehehe

  • eloiski

    ui ui ui akala ko wala si song hye ko. pero wala talaga si my sassy girl/windstruck… bakit wala siya? anggandanun. kaastig pa ng role.
    next naman japanese. mas marami ako gusto sa mga hapon eh! gyaboooooo!

    • Hoshi Post author

      ah sa japanese naman ako nangangapa. ang kilala ko lang ay yung sa hanakimi at si takuya. si ayumi hamasaki ba yun?, yung singer na nabingi yung kaliwang tenga

      ay oo kilala ko rin yun. si Jeon Ji-hyun or Giana Jun hmmm siya yung bida sa Blood the last vampire. gusto ko yung sassy girl at windstruck kaso noong napanood ko na yung my wife is a gangster. doon na ako. hehhee

  • Tim

    Kapag nanonood ako ng Korean films ay hindi ko na iniintindi kung sino yung artista, kaya hindi ako makarelate, although merong isa na gustong gusto ko talaga, yung A Bittersweet Life.

    Buti na lang at tapos na yung Mama ko sa kanyang Koreanovela stage kaya wala nang nanonood ng mga ganyan sa bahay. Hehehe. American TV Series na ang kanyang pinagkakaablahan ngayon.

    • Hoshi Post author

      kilala ko rin siya, bukod sa na-mention mo na.

      ang alam ko sa lalaking yan eh naging syota rin ni Song Hye Kyo ng Full House at magaling na actor. pero hindi ko trip itsura niya hehehe.

      alam mo ang maganda kasi sa Korean Drama eh hindi nalalayo sa telanobela ng mga Pinoy at Mexican. pero mas maikli sila, mas intact yung flow at characters ( hindi pati yung kapit-bahay o yung pagsakay sa taxi eh may mahabang moment pa), hindi rin ma-make up, at hindi rin masyado sa out of this world effects. Kung gusto mo lang ng dramang natural. sa American series, hindi na rin ako updated e, wala na ring time at mas gusto ko na lang films. sawa na ako sa patghihintay ng commercials at payabangan.

        • Hoshi Post author

          ah… ginagawa ko rin yun kaso medyo iniiwasan ko. nakakataba at nakakabigat s apakiramdam at mata. ginagawa ko ang marathon kapad malungkot ako. e ngayon maiksi lang yung attention span ko. hahaha

    • Hoshi Post author

      hmm siempre classic na ang Meteor Garden. pero sa F4, pinagusto ko dati si Ken Chu (Ximen). baka mag-post ako ng taiwanese series o artists na trip ko soon. (my plugging ito. hehehe)

      yang si jerry pag nakangiti, parang nakakahawa. mapapangiti ka rin.

  • Vajarl

    Kilala mo si Jo Hyun Jae? Super uber mega crush ko yon. As in highschool pa lang ako, nung napanuod ko sya sa Only You. Tas hanggang ngayon ginogoogle ko pa rin sya. Hahaha.

    • Hoshi Post author

      yes na yes! medio crush ko rin siya kung hindi ko lang natipuhan ng husto si Bae Yong Joon (hehehhe may pagka-loyal ako e hahaha). nadoon siya sa Three Dads with One Mom ni Eugene, Forbidden Love ni Kim Tae Hee, at gusto ko rin yang Only You. pero una ko siyang nakilala sa Love Letter.