Calculate: Kailan ka magiging milyonaryo? 24


Sa totoo, mahirap disiplinahin ang sarili para makapag-ipon ng pera, lalong-lalo na kung tight ang budget mo at gusto mong i-enjoy ang life. Magkagayon man, majority sa atin ay nangangarap na sana ay  maging milyonaryo o may maipundar na something sa future.

PBA 2011-fitz villafuerteKung bakit nga naman patuloy na may recession, mahirap basta ang mamuhunan o magnegosyo at tila ang sweldo ay dudulas lang halos sa iyong palad.

Pero mayroon naman tayng long-term and short term goals na wini-wish nating masunod. And isang way na para maklaro ito, kinakaibigan natin ang notebook at ang pamatay natin sa Math na calculator.

Ang nakakatuwa lang ay maraming klase ng calculator(hindi lamang scientific) na susukat sa iyong goals at kung gaano katagal mong mararating ang mga ‘yon. Kung matagal mo ng alam mo na dati pa itong calculator na binabanggit ko, eddie mabuhay! Good for you. Pero kung hindi pa, eddie isi-share ko na.

Una kong nalaman ang ganitong klaseng calculator sa Metrobank website. Doon ay mako-compute mo na kagad kung ang interes ng iyong deposito, lalo na kung time deposit ang mayroon ka. (wala pa naman akong ganitong account, nangangarap pa lang sa pagko-compute hehehe)

Fitz, Grace, Jonel and Atty. JJ

Fitz, Grace, Jonel and Atty. JJ @iBlog

Pero batay nga sa mga pinagsama-samang nababasa ko sa ibang website, nasa pagiging consistent at discipline ang pagsi-save ng pera. Kailangan may certain goal ka. Actually ibang topic ang hinahanap ko nang mapadpad ako sa website ni Mr. Fitz Villafuerte. Kakabasa ng kanyang mga posts ay natagpuan ko na itong nakakatuwang calculator niya. Since okay naman sa kanyang i-share ito, isi-share ko na rin sa inyo.

Click here to put this Calculator on your site.

[Ngayon alam ko na kung kailan ako magiging milyonaryo. Hehehe

The Million Pesos Calculator of Mr. Fitz Villafuerte


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

24 thoughts on “Calculate: Kailan ka magiging milyonaryo?