Nang makita ko ang billboard sa EDSA ng pelikulang ito nina Sandra Bullock at Ryan Reynolds ay hindi ako naengganyong manood. Hindi naman dahil lang sa pagkaka-lay-out nito kundi parang alam ko na kasi ang istorya. Para bagang walang thrill at hindi ko pa masyadong know si Ryan (Wolverine Origin & Definitely Maybe) na hindi naman attractive for me.
Dalawang pelikula pa lang ni Sandra ang napapanood ko, ang Ms. Congeniality at While You Were Sleeping. Nakakatuwa na napanood ko ulit noong nakaraan itong huli kung saan niya nakatambal si Bill Pullman. At tawang-tawa na may konting kilig factor pa rin ang effect sa akin nito. Pansin ko lang na kadalasan ay may pagka-naïve ang mga movies ni Sandra na hindi masyado sa kissing scenes.
movie poster of The Proposal
At medyo napansin ko pa rin ito sa The Proposal, iyon nga lang ay ismarte at superior na rito ang mood ni Sandra Bullock. Medyo alam ko na rin ang mga sususnod na mangyayari sa movies na magkaka-inlaban pagkatapos ng awayan at pilit-pilitang mga gestures. Subalit, na-entertain pa rin ako kung paano na-deliver ang istorya, hindi man ganoon ka stunning ang acting nina Sandra at Ryan. May moral values naman din ang movies so go go.
Favorite na hilarious scene ko dito ay nung ginising ni Sandra (Margaret Tate) si Ryan (Andrew Paxton). Kumakatok kasi yung mga magulang nitong lalaki. Eh di ba kailangan nilang magpanggap na sweet sila, so itong si lalake from sahig ay akyat sa kama. At nang gumagawa na sila ng magandang puwesto ay nadama ni Margaret ang dick ni Andrew. Ang rason bat ganoon ay kasi nga morning pa. hahahaha!
Medyo hawig sa While You Were Sleeping ang pinaka-highlight ng film kung saan um-attend nga ng kasal si Sandra pero hindi naman itutuloy ang pagpapakasal. Pero ang nakaigi dito ay pinahalagahan lang niya ang paghihirap ni Andrew (Ryan) na kung saan isinasakrapisyo na nito ang relasyon nito sa kanyang pamilya. Kapansin-pansin din na same ang ipinagpapasalamat ni Sandra dito at iyon ay ang pagkakaroon ng cool family ng lalaki nya na wala siya.
Pero I don’t care na nga sa mga flaws na yun (kasama na ang paghuhubad sa terrace ni Ryan para maligo gayong nasa kuwarto na siya e) kasi in the end ay natuwa ako at medyo gumwapo na rin sa paningin ko si Ryan (gaya nang kay Gong Yoo sa Coffee Prince). Well bukod sa macho ito eh napalabas nga niyang mukhang siyang inosenteng nilalalang na ang hangarin sa buhay ay i-pursue ang kanyang pangarap. Kahit na kung tutuusin ay mayaman naman siya.
Si Ryan Reynolds, ang pinagpustahan natin dati. Remember? hehe
Nagustuhan ko rin itong movie na ito. :p
oo na talo na ako. see, hindi ko talaga siya gusto kasi hindi siya tumatak sa isipan ko. dito ko lag talaga siya nagmarka sa akin. hehehe
Ang naaalala ko na lang sa pelikulang “The Propasal” ay ang katawan ni Ryan Reynolds. Tanda mo yun? Yung galing sya sa pagsisibak ng kahoy?
oo yun na nga yung maya-maya naghubad sa terrace. doon pa talaga di ba at saka sila nagsalpukan ng nakahubad ding si Sandra. buwahaha
sandy rocks
yes, ganyan kami ka-close
nicknames ang tawagan namin
hehe
try mo yun 2 weeks notice
nakakatawa sya
pramis
hrhr
sige-sige ita-try ko yan. parang naaala ko pa nga ang billboard niyan e sa waiting shed ng Uste. hehehe
Anong meaning ng word na ‘ismarte’? 😀
Hoshi! Hindi ako mahilig sa chickflicks kaya hindi ako masyadong relate. Pero maganda katawan nyan ni Ryan Reynolds. Haha. Yun talaga napansin eh. Lol.
ang ismarte for me ay yung taong may oozing na personality at may sense.
okay lang, ako rin minsan hindi maka-relate eh. iyon ay kung sobrang cheesy na talaga at yun nga parang predictable na yong story.
oo maganda nga katawan niya at may naked scene sila ni sandra. kaso lang sana wag kagad maubos yung buhok niya. si bill pullman nga ang layo-layo na ng itsura niya ngayon sa while you were sleeping.
Buhok saan pala Hoshi? Haha
Sorry ang wild ko. Bawal ata dito. Haha.
ah eh dooon sa taas? hehehe
Baka si Emma Thompson yung sinasabi mong artista, sya rin yung professor na nanghuhula sa Harry Potter series.
Yung Something’s Got To Give ang pinakagusto sa lahat ng movies nya. Malaki rin kasi ang appeal sa akin ng mga sine na ginagawa nya kasi ang ganda ng soundtrack nya. Mga oldies kasi. Hehehe.
ah talaga siya rin yun? hindi ko alam yun a kasi hindi halata laki ng salamin e.
teka napapaisip ako kung anong rom com film ang trip ko…ah
bridget jone’s diary (1 & 2), a very special love, never been kiss, (marami pa siguro hindi ko lang maalala hehehe)
Si Nancy Mayer yung gumawa nung The Holiday, Something’s Got to Give, saka What Women want. Pati yung It’s Complicated, pero hindi ko gaanong nagustuhan yun.
Saka minor lang naman yung ganap ni Ryan Reynolds sa Wolverine, kasi nakamaskara naman parati yung character nya dun, si Deadpool. Pero bagay sa kanya yung personality ni Deadpool kasi makulit yun. Pero yun nga, hindi naman binigyan ng emphasis si Deadpool sa Wolverine, tapos binaboy pa nila. LOL.
ah director pala siya akala ko artista, yung nasa stranger than fiction at love actually. hehehe
hmmm something’s got to give na lang pala ang hindi ko napapanood sa movies niya. pero baka napanood ko na rin hinndi ko lang maalala. sa holiday kasi ang gusto ko lang yung character at acting ni kate winslet.
sa what women want okay lang saka its complicated. medyo nandidiri pa ako kay alec baldwin… matandang mabuhok na lumalandi pa. hehehe
Ako ang unang comment. Mabuhay! Hehehe.
This is one of the better romcoms for me. Formulaic pa rin, pero maganda naman. Syempre top pa rin sa akin yung Stranger than Fiction at saka yung mga Romcoms ni Nancy Mayer (or Meyer?). At talagang “dick” ang ginamit mong salita, hindi etits o pototoy? Hahaha! Saka yung ganyan na acting ni Ryan Reynolds yung parang stereotypical nya na character sa mga movies nya.
aba’t nakikiuna ka na rin ha! hehehe mabuhay!
oo napansin ko na rin kay ryan yan, lalo na kung pagkukumparahin natin ang character niya sa the proposal at definitely maybe. medyo hindi ko lang napansin siya sa wolverine kasi silaw na silaw ako kay hugh jackman. wahahaha
sino naman si nancy mayer (or meyer?)?
hindi ko siya binasa dahil isang matinding spoiler ang naghihintay sa akin. ayaw ko basahin dahil balak ko talaga ito panoorin kaso wala lang talaga akong dvd nito. kaazur!
hmm okay lang baka nga ma-spoil ka (lol). medyo nagbigay na rin kasi ako ng detail dahil naipalabas na.
hayaan mo next time. tingnan mo na lang sa bandang dulo ang ratings ko para over view na lang hehehe. feeling pro film reviewer daw talaga. hehehe
mabuhay!
yup tama ka dyan.. kasi ngayon jumojonders na si Sandra.. Ako naman napanood ko na yang the proposal maganda naman. nakakatawa talaga!
oo tim isa itong feel good movie na huwag ka ng mag-isip. damhin mo na lang. at katanggap-tanggap naman yung mga parang di okay na part.
mabuhay!
bwahahahaha my favorite movie of all time… as in laftrip si sandra jan lalo na yung binibigay nya yung aso sa ibon para ibalik cp niya takte naalala ko natatawa ko… isa pang laftrip yung di daw siya marunong sumayaw pero nagwawala siya bwahahaha… super duper like ko yang movie na yan as in… minsan inuulit ko pang panoorin yung ibang scene..
yung while ur sleeping gusto ko din yan…
yung the lakehouse nila ni keanu magnda din kaso mejo windang ako sa ending… parang ikaw magkoconclude kung ano nangyare… parang don kinuha yung concept ng story nung isang movie ni dingdong dantes… yung sa phone…
halos lahat ng movie niya love ko… minsan feeling ko nga ako si sandra nyahahaha…
wahhh hei sandra wassup!
oo marami ngang nagsabi na may pinaghalawan yun. pero di ba sabi yang lake house may pinaghanguan din na isang korean film. hehehe
ako super collect ng while you were sleeping. nagtitipid ako noong nakita ko vcd nyan pero binili ko na. nag-iisa na lang doon sa video shop e. guwapong-guwapo ako kay bill pullman noon.