Parating wala si Nanay


(Hoshi’s monologue for Mother’s day)


I

Sa lumang kotse na nabangga-bangga, una akong umuha-uha!

Doon kasi ako talaga idinileber ng aking ina na hindi na nahintay

Makapag-park sa ospital ang aking nasirang ama.

Sabi nga niya isang linggo kami doon kasi walang pera

II

Patalastas

Bunso sa maraming magkakapatid, hindi ko naramdaman na

Halos araw-araw nga pa lang wala sa bahay si Nanay

Kumakayod sa ilalim ng init ng araw o baka sa likod rin ng aircon

Basta ang naaalala ko ay kinukulit ko siya palagi para bigyan ako ng piso

Motherly

Paintings sa Nemiranda Gallery

III

Hindi ko nga maalala kong naiyak ako sa unang beses na pumasok ako

Likas na talaga sigurong namana namin ang kanyang lakas ng loob

Nasanay ako na walang naghahatid sa akin sa eskwelahan

Walang magulang na dumadalo sa PTA meetings o sundo sa uwian

IV

Isang araw tinawag niya ako, gusto niya akong turuan na magsulat

Pero mas ginusto ko ang magguhit ng dalawang bundok na may araw sa gitna may kala-kalapti sa tabi ng mga ulap at may mga palayan pa kunwari

Hindi ko na naisip na ang oras na iyon ay pwedeng nakaw na sandali

V

Pero ako naman ang nagnakaw ng oras nang ipuslit ako sa ospital

Bilang paslit ay bawal bumisita sa kanya nang siya’y maoperahan

Subalit, kahit hirap siya sa pagbangon ang ininda niya pa ay…

Ang sugat ko sa tuhod. Sugat na dala lamang ng likot sa paglalaro.

VI

Mula noon ay nagsimula kong matutuhang mag-ipon ng pera

Naisip ko na kailangan may mahuhugot ka sa oras ng pangangailangan

Siyempre ano bang silbi ng naipon ko noong isang daan sa libo-libong gastusin

napoleon abueva_ mother and child

napoleon abueva’s mother and child

Pero na-appreciate ko kapag ipinagmamalaki niya iyong ibinigay kong ‘yon

VII

Nasa elementarya lang ako nang mamatay ang aking ama,

Walang iniwan dahil wala rin namang maiiwan na kabagayan

Malungkot ang kapalaran pero ‘di ba makakayang  mabago ito ng tao?

Ika nga daw ni Daddy habang may buhay ay may ikabubuhay, bilog ang mundo

IX

Pero sasabihin ko sa iyo, may saya at hirap ang malaking pamilya

Mahirap palakihing ang mga taong nagkakaroon ng iba’t ibang konsepto

Paano mo aayawan ang kagustuhan ng iyong anak na nagpapasaya sa kanya?

Hanggang saan ang kaya mong ibigay na parang ‘di pinapahalagahan?

X

Sa tanda ko ay anim na beses lang pumunta sa school si Nanay

Apat na graduation ceremonies, isang recognition day at isang JS Prom

Ang totoo niyan ay hindi ko na siya pinapupunta kapag may performance ako

motherly 2

Painting sa Nemiranda Gallery

Kahit pa nga sa panahong nakakatanggap ako ng award ay ako na lang

XI

Hindi ko na ininda na mga guro ko ang nagmi-make up sa akin,

Sa mga kaklase ko ako humihingi ng tulong sa libro, costume o projects

At oo, minsan ay ibang ina na ang nagsasabit ng medal o nag-aayos

Ng aking susuutin at ng aking ibang simpleng pangangailangan

XII

Wala akong hinanakit dahil alam ko ang Nanay ko ay nandoon

sa labas ng school nagtatrabaho para may maipakain, maipangpaaral,

at maipangtutos hindi lamang sa aking pangangailangan kundi naming magkakapatid. Makakaraos ako pero siya kaya kamusta naman?

XIII

Hindi ko kailanman sasabihing napakabuti o uliran kong anak.

Kung pwede man wala ako sa posisyon at hindi rin ako naniniwala

Kung gugustuhin ko puwede akong maging walang hiyang tao

Jose Rizal_ Mother's Revenge (1894)

Mother’s Revenge (1894) by Jose Rizal

At marami akong lihim, kalokohan at istorya bilang anak

XIV

Pero ang pagiging magulang ay napakahirap na responsibilidad

Gagawa ka ng paraan para mabuhay mo ang mga bata

magsasakripisyo para hubugin sila para maging mabubuting indibidwal.

Ito ay sa paraang nalalaman mong tama at sa  iyong makakaya

Happy Mother’s Day sa Nanay ko at sa lahat ng ina sa buong Universe!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Parating wala si Nanay