Raon: Divisoria of Electronic Devices 18


isang bangketa sa Raon

Sa Raon, Manila ko sinadyang bumili nang kauna-unahan kong naipundar na gamit noong mga unang taon ng pagwo-work ko, ang DVD Player. Ako na ang movie fan at dahil matipid din ako, ito ang itinuturing kong Divisoria (underground market)lalo na kung usapang low-priced at  brand new na TV, radio, music instruments at iba pang appliances and electronic devices / gadgets. Eh ‘di ba, puwedeng halimbawa ng word na pundar (investment) ang mga ito kung can’t afford pang magpundar like house and lot, car or business.

What’s in Raon ba?

Matagal ko nang trip magkukuha ng photo sa mataong lugar na ito na para ngang Divisoria kaya nakakatakot din maglabas ng gadget. Dito sa Raon electronic gadgets ang specialty gaya na nga ng mga alam nating appliances.  Cheaper ang price ng mgan products dito dahil hindi naman siguro mahal ang mga puwesto ng tindahan at marami kang choices at kung minsan ay makakakilala ka pa ng ibang brands.

Bukod sa aking DVD player (na ‘yong tatak ay nai-promote pa noon ni Aga Muhlach), isa pa sa hindi ko malilimutang nabili namin dito ay ang dalawang magic sing  (na pino-promote naman ni Manny Pacquiao) na ang isa ay ipinadala pa ni Manang Juling sa ate ko sa New Zealand ( ganoon ang Pinoy kahit saan kailangan may kantahan).  Nung time na ‘yon ay nasa Php 11, 000 to 12,000 ang magic sing sa mall pero nabili namin ang aming mga magic sing sa halagang 9,500 lamang at may mga kasama na rin ilang accessories. Ganoon kalaki ang difference at buhay pa ang aming magic sing.

Puwede kang makipag-haggle pero kung hindi ka naman makahirit sa mga tindera na nagbibigay naman ng resibo (ibig sabihin ay legal and natse-check ng DTI/SEC/BIR) ay alam mo namang mas mura na ang iyong nabili or lipat ka pa sa iba na may mas magandang presyo.

Mahaba at malaki naman ang Raon (na tagus-tagusan na sa Quiapo at Avenida) at may mga singit-singit na puwede mong galugarin. Siempre hindi rin lang buong machines o gadgets ang available sa lugar na ito. Mayroong ding mga goma, pang-hardware products, chips o spare parts . Doon nga ako bumili ng pangpot-pot namin noong Bagong Taon e.

hardware sa daan

Kung hindi pa nagbabago ay may ibang street din dito na para naman sa medical or dental supplies na puwedeng sadyain ng mga professional at students na nangangailangan ng gamit. Medyo  hindi lang ako sure kung saan banda ‘yon kasi naligaw lang din ako noong nakita ko ‘yon.

Buying tip:  Suki Scheme

Gaya ng Divisoria at Baclaran ay siksik din ang mga tao sa Raon at pinapayuhan ko rin na mag-ingat at huwag mag-inarte sa pamimili rito. Mabuti rin kung alam mo yung gusto mong bilhin dahil mate-tempt kang mag-iikot dahil sa dami ng iyong makikita. in fact sa mismonng mga bangketa ay makakabili ka na ng mga speakers, microphones at radio.

Kung feeling mo rin na mapapadalas ka sa ganitong lugar better na tandaan mo kung kaninong store ka  tiwala  at nakamura.  Ito ang tinatawag na suki scheme, na kung regular kang customer ay mas binibigyan ka ng value at discount.

Mabuhay at nawa’y maging wais, masipag, masining at maligaya tayo!

di torotot, pang-pot-pot for New Year


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 thoughts on “Raon: Divisoria of Electronic Devices