Ah Quiapo, Quiapo!


Kadalasan na dahilan ng pagpunta sa  Quaipo ay pagsisimba sa Quiapo Church (Minor Basilica of the Black Nazarene) lalo na tuwing Biernes.  Pero alam n’yo ba na maganda ring mamili sa paligid nito?

Pero isang daan pa lang ito ha, dahil bawat street ay may kanya-kanyang specialty. Halimbawa na lang sa  Hidalgo kung saan magandang mamili ng video and digital camera gaya ng DLSR.  Sa Rizal Avenue ( ilalim ng LRT ay nakabili naman kami ng  mura at magagandanng accessories.  Pero siempre kung accessories ang pag-uusapan ay marami kayong makikita sa iba pang part ng Quaipo. By the way, narito rin sa Quiapo ang oldest store SM at isang sangay ng Isetann.

Tanghaling tapat na kami ng nagpangita noon ni Syngkit pero hindi pa halos daluyong ang mga tao sa kahabaan ng Carriedo, malayo sa inaasahang human traffic sa Divisoria. Ang Carriedo na street sa gilid ng Quiapo Church at kuhaan ng NBI clearance dati ay mayroong mga murang bilihan ng mga damit, gamit, school supplies, laruan at kung anu-ano pa.

Paalala bago mamili sa Quaipo:

a.     Gumawa ng listahan ng mga bibilhin

b.     dress down

c.     don’t display your mobile phone

Patalastas

d.     learn to haggle, politely

e.     protect your valuables

f.        check ang lead content ng mga toys and school supplies

g.     bring your calculator

h.     count your  money/ change

i.         bring your grocery bag (save our Mother Earth)

j.         i-memorize ang daan at mga names ng stores.

Of course, kung ayaw mo sa masikip, mainit at maingay na bilihan, ‘wag ka nang mag-attempt na mag-Quiapo. Dapat din ay punong-puno ka ng energy dahil baka bumulagta ka na lang sa daan at paggising mo wala ka na sa Quiapo at wala na rin ang lahat ng gamit at pinamili mo. Siempre mas maganda pa rin mamili sa Divisoria dahil mas maraming mabibili at mapagpipiliang kabagayan doon.

Mabuhay!

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

22 thoughts on “Ah Quiapo, Quiapo!