Philippine National Art Gallery: appreciation of creative expression


Isang hapon na madaliang yayaan, nagpunta kami ni Syngkit sa National Museum or Philippine National Art Gallery sa Maynila (P. Burgos Ave., City of Manila, Philippines). Good thing na hindi pa ito sarado nung dumating kami nang 3:00 PM. Walang kabayad-bayad eng entrance, ang kailangan lang ng collateral ay i-surrender ang bag mo sa counter.

spoliarium
Spolarium ni Juan Luna

Para sa mga mangunguha…ng picture, ingat sa dadalhing kamera kasi hindi nila ang type ang malalaki (DSLR level). Pero sure na sure na bawal ay ang pamimiktyur na gumagamit ng flash. Sa bagay kung marunong mag-adjust sa dilim ang cam mo ay okay naman ang lighting ng ilang kuwarto.

Pangitain ni Juan
Pangitain ni Juan

Pangitain ni juan

Pagdating sa aura, hindi naman tipong nasa ancient history ka. In fact karamihan ng mga obra maestra lalo na roon sa third floor (nung time na ‘yon) ay may kinalaman na sa Martial law o People Power. Pero karamihan ng tema ay tungkol sa paghahangad ng kalayaan sa kahirapan, pananakop at pangit na sistema sa lipunan.  May mga silid na pakiwari ko napakadilim, hindi dahil sa walang ilaw kundi sa mga naka-display na arts. Hindi naman pangit ang mga ito, kundi parang ang bigat ng mensahe. Mararamdaman mo na nung ginagawa ng artists ang mga ito ay ang taas ng tension o passion nila.

Congratulations to Democrats
Congratulations to Liberal Democrats

May ilan akong favorite, pero karamihan ay light lang ang dating. Minsan kasi kapag puro magaganda ay naghahanap ka na lang ng something na kakaiba. Hindi dahil sa pagtatawanan, kundi dahil naa-appreciate mo na “lintek naisip niya ‘yon!” What a bright idea!

Torso by Napoleon Abueva
Torso (ukit ni Napoleon Abueva)
Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child (ukit ni Napoleon Abueva)
Venus by Graciano Nepomuceno
Venus (obra ni Graciano Nepomuceno)
Idiot Box by J Elizalde Navarro
Venus ( obra ni Graciano Nepomuceno)

Gusto ko iyong room na maraming sketches as in drawing pa lang. Walang kulay at halos hindi pa tapos. I don’t know. Kung ilalagay mo kasi ng paisa-isa ‘yon baka walang dating. Pero dahil may sinunod na pagkakaayos, lumabas na cool.

Pagbabanta ng Panahon

Nakaw eksena siempre iyong tau-tau na hindi ko na binasa kung ano ang nais ipakahulugan. Basta ang inisip ko nangangahulugan ‘yon ng struggles sa buhay. Kung ikukumpara sa artista parang na-starstruck ako nang makita ko ‘yong mga banga na ginagawang libingan (‘yong manunggul na nasa isang libong Piso). Dati kasi sa libro ko lang nakikita ang mga pictures nito. Que imitation lang ang mga ‘yan o hindi, basta at last ay nakita ko na in person.

Patalastas

manunngul

Manunggul

Ang masayang tingnan para sa akin ay ang room 302. bakit? Ang astig ng naka-display na arts. Pero ang parang awkward ang set up ay iyong room na puno ng mga buto ng mga sea creatures. Parang feeling ko lang nasa botanical garden ako. Pero kung dapat nandoon ang mga ‘yon okay lang naman. (update: ang tinutukoy ko rito ay nailipat na ata ito sa National Museum of Anthropology o Museum of Filipino People)

Ang nakakatuwa sa room na iyon ay ang malaking buto ng pating. Ilang lata kaya ng sardinas ang kayang punuin nun? Ang masarap kunan sa room na ito ay ang mga foreigners na manghang-mangha sa kanilang nakikita. May gusto pa nga magpakuha kasama ako eh, tumanggi lang ako.

Nasanay ako na dapat hindi kumuha ng pix sa loob ng museum gaya nung sa Baguio at Aquino Museum sa Tarlac. Mabuti na lang at okay dito. Sana ay mabisita mo rin ito kung may pagkakataon na. Mabuhay!

Retablo sa National Art Gallery


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “Philippine National Art Gallery: appreciation of creative expression