Sa aking palagay ay dalawang beses pa lang ako nakadalaw (baka kasi binitbit na ako ng Nanay ko nung baby pa ako) sa Monasterio de Santa Clara (kumbento ng mga madre ng Order of Saint Clare of Assisi) sa c-5 o Katipunan Ave, Quezon City.
Iyong una na binabanggit ko ay nung nag-debut ako. Sabi ni Manang Juling kailangan daw mag-alay ng itlog para maging maganda ang panahon. Nung araw ng b-day celebration nangungulimlim ang kalangitan pero nung pinagtanim kami ng itlog may umusbong na halamang itlog este hindi na natuloy ang pagbuhos ng ulan. Nagkataon o talagang himala, quever na nagpapasalamat na lang ako na hindi binagyo ang birthday kong iyon.
Itong pangalawa ay nung birthday ko ulit as in sa mismong araw namin ni Piolo. Wala naisip ko lang naman kasi wala akong pupuntahan noon at wala akong handa, wawa naman ako ‘di ba? huhuhu!
Okay naman kasi kasama ko si Manang Juling at ang pamangkin ko sa pagbisita doon. Aliw ang pamangkin ko (ako rin, reluctant lang ako aminin) sa fountain na unang bubungad sa nagpupunta roon. May apat kasing palapag na plato (ewan kung anong magandang term doon) na papaliit. Challenge na maka-shoot sa pinakatuktok.
Sunod naman ay ang dambana sa façade ng simbahan. Doon ay may sabitan ng sampaguita at nag-iiwan ng mga novena. May nabasa ako na ‘wag daw doon mag-iiwan ng itlog o ng mga alay kundi sa kumbento. Wala naman kaming dalang kahit ano. Ang nasa isip ko lang noon ay manghingi ng lapis kasi suwerte daw ‘yon sa mga exams.
Masasabing hindi ganun ka-bongga ang loob ng simbahan ng Sta. Clara pero nung pumasok kami doon ay okay ang atmosphere. Alam mong pare-pareho kayong nanalangin at may hinihiling. Hindi naman pasaway ‘yong mga magdyo-dyowa.
Sunod na pinuntahan namin ay ‘yong place na kung saan puwedeng magsulat ng prayer request. Natuwa ako sa pamangkin ko kasi lahat ng prayers niya ay tungkol sa mga magulang niyang OFWs. Hindi na ako nag-attempt na manguha ng lapis at nahiya naman ako manghingi doon sa nagbabantay na guard. Tas hayun, masaya lang maghulog ng request letter doon sa naiiba nilang mail box. Buti may ibang lalagyan ‘yong mga inialay na itlog at mga flowers. Good luck naman ‘di ba kung dina-drop box din ang mga itlog.
Para sa akin, magandang pasyalan ang mga simbahan. Bukod sa paniniwala ay magandang pang-tourism at photography ang mga ito. Sinasalamin pa ang architecture at culture nating mga Pilipino.
Pingback: Visita Iglesia 2015: Quezon City - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Visiting to St. Pio Chapel in Libis | aspectos de hitokiriHOSHI
twice na akong nakapunta sa monasterio of Saint claire. And lhat nman ng pinagpray ko sa knya eh ngyari..so powerful tlga di ko akalain mangyayari ang imposible becoz of prayer and wishes kay saint claire..every time ngccmba kmi don ngaala2y din kmi ng egg and flowers…at ganda ng place quiet at makakapag relax ka tlga..So try nyo po pumunta at mag pray sa mga di alam ung place hanapin nyo lng po sa google map ung place pra di kau maligaw.tnx:)
tama ka sa iyong mga sinabi anne. ako man ay may masasabi ring maganda tungkol sa mga ipinag-pray ko sa simbahan yan. Yung iba hindi man naibigay ay may maganda namanag kapalit.
pero gaya nga rin ng sinabi mo maganda yung place para makapag-relax. so punta rin sana yung iba na hindi lang para makapag-wisg kundi isamo ang kanilang mga stress sa buhay.
mabuhay and welcome sa hoshilandia anne!
d ko pa to napupuntahan, puede bang magpkasal d2?
Naku hindi ko alam Pia kung puede. pero better siguro makita mo muna para masipat mo rin kung bagay ito sa kasal.
mabuhay and welcome dito sa Hoshilandia jr!
alam nio sabi nila pag nag alay ka ng itlog sa bubung para d umlan
pero d lang yan ang tuloing nyan para yung wish mu para mtupad like my tita!!!
kaya wag kau mag salita ng kung anu anu kung pupunta kau mag dasal kau!!!!
Hi Bianca and welcome sa Hoshilandia Jr!
Tama na imbes na magsalita ng kung anu-ano ay magdasal muna. Yun naman talaga ang purpose ng simbahan o ng lugar yun. Lugar ng dasalan.
Mabuhay!
korek ka dyan na magandang pasyalan ang mga simbahan, hindi lang maganda ang atmospher kundi kung gusto mo talagang mag relax at ng katahimikan punta ka sa simbahan, gaya ng ginagawa ko noon ginagawa kong pangpalipas ng oras pagkatapos kong magtrabaho he…he.
wahhh pareho pala tayo. minsan tambayan ko naman dati ang edsa shrine. iba yung katahimikan ng mga ganun lugar kahit may nagdadasal sa tabi-tabi.
Mukhang alam ko na kung ano ang ipinagdasal mo. haha
oo alam mo na. hehehe
I never thought that such serene and peaceful looking place can exist in the Metro! I want to go there sometime for some “spiritual rest.” 🙂
Yes alps you are right. i hope you can visit this place soon.
Mabuhay!
i will visit this church to ask for strenght and some request for guidance that i may pass this struggle in my life, im much in pain and didnt know what to do. i want to cry and cry for this, i didnt what to do.
Good choice Sad! if you’re in pain, you must find place where peace, hope and faith exist. I don’t know your problem but i hope you’ll overcome it soon with the help of God.
Vaya con Dios!
Banal ang post na ito? Hahaha!
nagtanong at tumawa! hayaan mo reregaluhan kita ng isang tray ng itlog sa special day mo this year. hehehe!
takot ako sa simbahan
bakit kaya
siguro kasi tinatakot mo sarili mo.
feeling ko isang chick ang maghahatid sa iyo sa altar. buhehehe
ano kaya pangalan ng chick na yon?
marian ba o janet?
hehe
angel ata. hehehe
ay may iklog iklog na paniniwala talaga? hakhak! ang kulet naman nun.
eh paano kung gusto kong bumagyo kumidlat ano ang iaalay ko? hakhak!
gusto ko rin ang simbahan, ayos na ayos para sa photography.
oo napakagandang subject ang mga simbahan for photography.
waw may himala sa iklog! nakakaudlot ng pagkulog! yey
haha
minsan nga makapunta dyan, malapit lang naman ako sa katipunan, minsan punta tayo pamangkin!
korek! mas powerful ata sa sun dance at pagkanta ng “rain, rain go away.”
sure tito, basta okay ang sched. game ako.
Matagal q ng gustong pumunta dyan s Sta. Clara, kaso po indi q alam kng anong araw ang novena po doon…marami ang nagsa2bing pag nag-alay k ng itlog at nag-wish k matu2pad daw po ! Gusto q po sanang malaman kung anong oras at araw ang novena mass ? kahit b po ponkan o iba pang prutas pede po bang ialay ? kailangan q po ang inyong kasagutan…salamat po !!!
sa totoo lang hindi ko alam kung kailan ang novena nila. kasi sa tuwing nagpupunta ako dun, madalas sarado yung simbahan. pero puwede ka naman magdasal dun at magpadasal sa mga madre. may part dun na susulat ka ng kahilingan mo at ihuhulog mo sa drop box. puwede naman siguro mag-alay ng prutas.
madalas lang talaga ay mga itlog at bulaklak ang makikita. sana ay matupad ang iyong mabuting kahilingan. so far,masaya naman ako sa mga pangyayari. sa akin, kung may isa akong hiling na hindi natupad may kapalit naman na masayang bagay. baka this year matupad na ang isa kong hiling…sana!