Philippine National Art Gallery: appreciation of creative expression

Isang hapon na madaliang yayaan, nagpunta kami ni Syngkit sa National Museum or Philippine National Art Gallery sa Maynila (P. Burgos Ave., City of Manila, Philippines). Good thing na hindi pa ito sarado nung dumating kami nang 3:00 PM at walang kabayad-bayad kailangan mo lang ng collateral- i-surrender ang bag mo sa counter.

Para sa mga mangunguha…ng picture, ingat sa dadalhing kamera kasi parang hindi nila ang type ang malalaki. Pero sure na sure na bawal ay ang pamimiktyur na gumagamit ng flash. Sa bagay kung marunong mag-adjust sa dilim ang cam n’yo -okay naman ang lighting ng ilang kuwarto.

Pangitain ni Juan

Pangitain ni juan

Pagdating naman sa aura, hindi naman tipong nasa ancient history ka. In fact karamihan ng mga obra maestra lalo na roon sa third floor ay may kinalaman na sa Martial law o People Power. Pero mayorya ng tema na naiisip ko ay tungkol sa paghahangad ng kalayaan sa kahirapan, pananakop at pangit na sistema sa lipunan.  May mga room na pakiwari ko napaka-dark hindi dahil sa walang ilaw kundi sa mga naka-display na arts. Hindi naman pangit ang mga ito kundi parang ang heavy ng mensahe. Mararamdaman mo na siguro nung ginagawa ng mga artists ang mga ito ay ang taas ng tension ng kanilang passion sa katawan.

Congratulations to Democrats
Congratulations to Liberal Democrats

May ilan akong favorite pero karamihan ay light lang ang dating. Minsan kasi kapag puro magaganda ay naghahanap ka na lang ng something na kakaiba, di ba?! (kung hindi ka ganun, puwes ako ganun!). Hindi dahil sa pagtatawanan mo kundi dahil naa-appreciate mo na lintek naisip niya ‘yon! What a bright idea! Gusto ko iyong room na maraming sketches as in drawing pa lang. Walang kulay at halos hindi pa tapos. I don’t know kung ilalagay mo kasi ng paisa-isa ‘yon baka walang dating pero dahil may sinunod na pagkakaayos, lumabas na cool.

manunngul

Manunggul

Nakaw eksena siempre iyong tau-tau na hindi ko na binasa kung ano ang nais ipakahulugan. Basta ang inisip ko nangangahulugan ‘yon ng struggles sa buhay. Kung ikukumpara sa artista parang na-starstruck ako nang makita ko ‘yong mga banga na ginagawang libingan (‘yong manunggul na nasa isang libo). Dati kasi sa libro ko lang nakikita ang mga pictures nito. Que imitation lang ang mga ‘yan o hindi, basta nakita ko na at last in person.

Ang masayang tingnan para sa akin ay ang room 302. bakit? Ang astig ng naka-display na arts. Pero ang parang awkward ang set up ay iyong room na puno ng mga buto ng mga sea creatures. Parang feeling ko lang nasa botanical garden ako. Pero kung dapat nandoon ang mga ‘yon okay lang naman.

Ang nakakatuwa sa room na iyon ay ang malaking buto ng pating. Ilang lata kaya ng sardinas ang kayang punuin nun? Ang masarap kunan sa room na ito ay ang mga foreigners na manghang-mangha sa kanilang nakikita. May gusto pa nga magpakuha kasama ako eh, tumanggi lang ako.

Nasanay ako na dapat hindi kumuha ng pix sa loob ng museum gaya nung sa Baguio at Aquino Museum sa Tarlac. Mabuti na lang at okay dito. Ang wish ko na lang ay matapos na iyong mga ‘di pa gawang silid at malagyan pa ng masisining at makasaysayang mga kabagayan ang National Museum / National Art Gallery. Mabuhay!

spoliarium

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]


24 thoughts on “Philippine National Art Gallery: appreciation of creative expression”

  1. Pingback: What's on National Heritage Month & Taoid Program of NCCA? - aspectos de hitokiriHOSHI

  2. Pingback: Hoshi Express: Movie Treat for Mother’s Day, National Museum’s Free Entrance | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

  3. Pingback: Kwentong Luneta: Balik-Tanaw at Pamamasyal

  4. Pingback: Why Filipinos Need to Rebuild Visayas Cultural Heritage? | aspectos de hitokiriHOSHI

  5. Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI

  6. Hindi ko na matandaan kung kailan ako hulingmunta rito. Field trip pa yata namin ng grade school.

    Sana makapunta ako ulit dito. 🙂

  7. minsan talaga kailangang magpunta sa mga museum para mas ma-appreciate ang kultura at kagalingang Pilipino.

    saludo ako sa iyo hoshi.
    XD

  8. gusto ko talaga puntahan ang museum! dati ayaw ko ngayon gusto ko na!
    HAHA! At NAINTRIGA PO AKO SA LEGS! WAHAHAHAHA!

    1. naku kinailagan pa raw ang comment mo para i-check ko ang link. wala pala. hehehe

      alps and eloiski masisilip n’yo na ang kabuuan ng legs na yan. hehehe

      at may mga pics dito na mapapalakihan o makikita nyo rin ang kabuuan.

      – hindi ka nag-iisa eloiski, ang alam ko ang musem pang -field trip lang dati.

  9. Naintriga ako dun sa “legs”!

    Parang maraming bago sa National Museum. Matagal-tagal na rin ako hindi nakabisita!

  10. Gusto kong pumupunta sa museum kaso ayaw ng mga kaibigan ko. Sa susunod ako naman ang yayain mo . FC? 🙂

    1. ano ang ibig sabihin ng FC?

      ah kasi yung pamamasyal sa mga museum kasi parang corny sa iba.eh kami naman, napagtripan lang din saka sayang naman nasa Maynila lang hindi pa dalawin. (saka gusto ni syngkit i-try ang dslr nya.

      dapat magkaroon ng field trip ang kampon ni salbehe sa mga museum. hehehe

  11. Pingback: Philippine National Art Gallery: appreciation of creative expression | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.