So after ma-expire ang passport ko, finally natatakan na ng Eastern Samar Foreign Visa, ay naisipan ko na mag-join kay Manang Juling sa pagrere-new n’ya nito. Narito ang mga pinagdaanan ko na posible mo ring pagdaanan na inuulit ko sa pagre-renew ito at hindi new.
1. Mag-apply online sa website ng Department Foreign Affairs (http://www.passport.com.ph/). Siempre i-click mo sa set an appointment at piliin ang renewal sa application type. kung gusto mo kasama ang ilang miembro ng family mo, puwede naman. Hanapin mo yung icon ng group picture este family application form. Puwede ka ring mamili dun kung kailan araw at oras. Kung may plano kang lisanin muna ang Pinas within a year , gawin mo na agad ang online appointment. Kasi ako nag-apply pa nung March, ngayong Mayo lang yung nakuha kong appointment.
2. ihanda ang mga importanteng papeles just in case. Pero ang pinaka-importante ay ang lumang passport, photocopy nito, perang Php 950 at additional na Php 120 kung gusto mo ipa-deliver. Yung appointment form mo na ipapadala sa email mo ay kailangang i-print sa LONG BOND PAPER. Ewan kung gaano ka-strict yan pero sinunod ko na lang.
3. ang tanggapan ng DFA para sa pagpap-process ng passport ay malapit sa SM Mall of ASIA (may bus na dumaan na mismo rito) so wag kayong gagaya sa amin na sumakay ng jeep papapuntang DFA OWWA. Ang gate para sa mga may appointment form ay ang gate 2. Wala akong dalang pagkain pero mukhang ni bottled water ay di pupuwede sa loob.
4. ang step 1 – ay evaluation of documents. Ang step 2 ay pagbabayad ng P950 sa second floor. Ang step 3 ang papa-picture at pagpirma. At kung trip mo ay magbayad ng e-delivery sa gilid-gilid doon. Isakto ang ibabayad mo para bawas irita. Then exit na!
So dahil sa kukunan na roon, wag nang gumastos sa pagpapakuha ng passport size pic. Gawin mo na lang maganda ang sarili mo bago ka kunan sa DFA.
Binabati ko ang DFA, mas okay at sistematiko ang pag-a-apply ng passport ngayon kahit matagal maghintay. Doon naman sa nagmamadali puwede naman daw makipag-transaksyon sa Help Desk.
Update: May mga Satellite offices na rin ang DFA sa mga malls na malapit sa inyo. Ngayong 2016 ay sa Ali Mall na kami nag-process. Maayos naman 😉
Pingback: RO 9048? Things about Changing Names, Birth Certificate?
Pingback: Christmas and New Year: Planning, Plans and Planner
Pingback: 10 things to do while you are unemployed | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Embracing Digital Lifestyle | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Pagal at pasasalamat « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
pasilip naman ng passport photo ni hoshi
sige na
hehe
wala pa eh sa june 24 pa ang release. saka wag na mukha akong binugbog doon.
ayan pag nagrenew ako ng passport alam ko na ang gagawin… jan na lang ako magrerenew sa pinas, dito kasi stressful!
oo okay naman dito sa DFA. kailangan mo lang gawin kaagad kasi matagal ang processing at pagkuha ng appointment.
Yun oh! Sosyal, mag-aabroad yata, nagpaparenew na ng passport!
nyek nag-renew lang ng passport na. pero why not di ba?! hehehe
memorable sa kin ung unang passport renewal ko. hak hak hak. wala lang. (–,)
hi ka-bute welcom hoshilandia!
talaga? bakit naman? marami bang umaligid sa iyong fixers or nakalimutan mo yung luma mong passport? hehehe
mabuhay!
san ka nga ulit papunta? pwede bang sumama? hahaha.
hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e. kaya hindi ko rin alam kung isasama kita. hehehe!
hello, hoshi! like ko ‘to. 🙂
salamat doon po sa amin!