How to apply for Renewal of Passport?


So after ma-expire ang passport ko, finally natatakan na ng Eastern Samar Foreign Visa, ay naisipan ko na mag-join kay Manang Juling sa pagrere-new n’ya nito. Narito ang mga pinagdaanan ko na posible mo ring pagdaanan na inuulit ko sa pagre-renew ito at hindi new.

1. Mag-apply online sa website ng Department Foreign Affairs (http://www.passport.com.ph/). Siempre i-click mo sa set an appointment at piliin ang renewal sa application type. kung gusto mo kasama ang ilang miembro ng family mo, puwede naman. Hanapin mo yung icon ng group picture este family application form. Puwede ka ring mamili dun kung kailan araw at oras.  Kung may plano kang lisanin muna ang Pinas within a year , gawin mo na agad ang online appointment. Kasi ako nag-apply pa nung March, ngayong Mayo lang yung nakuha kong appointment.

DFA Passport Renewal Fees by Hitokirihoshi

2. ihanda ang mga importanteng papeles just in case. Pero ang pinaka-importante ay ang lumang passport, photocopy nito, perang Php 950 at additional na Php 120 kung gusto mo ipa-deliver. Yung appointment  form mo na ipapadala sa email mo ay kailangang i-print sa LONG BOND PAPER.  Ewan kung gaano ka-strict yan pero sinunod ko na lang.

DFA Passport Step 1 process and evaluation by hitokirihoshi

3.  ang tanggapan ng DFA para sa pagpap-process ng passport ay malapit sa SM Mall of ASIA  (may bus na dumaan na mismo rito) so wag kayong gagaya sa amin na sumakay ng jeep papapuntang DFA OWWA.  Ang gate para sa mga may appointment form ay ang gate 2.  Wala akong dalang pagkain pero mukhang ni bottled water ay di pupuwede sa loob.DFA office MOA by hitokirihoshi

4. ang step 1 – ay evaluation of documents. Ang step 2 ay pagbabayad ng P950 sa second floor. Ang step 3 ang papa-picture at pagpirma. At kung trip mo ay magbayad ng e-delivery sa gilid-gilid doon. Isakto ang ibabayad mo para bawas irita.  Then exit na!

DFA passport  processing  1 by hitokirihoshi

So  dahil sa kukunan  na roon, wag nang gumastos sa pagpapakuha ng passport size pic.  Gawin mo na lang maganda ang sarili mo bago ka kunan sa DFA.

Binabati ko ang DFA, mas okay at sistematiko ang pag-a-apply ng passport ngayon kahit matagal maghintay. Doon naman sa nagmamadali puwede naman daw makipag-transaksyon sa Help Desk.

Update: May mga Satellite offices na rin ang DFA sa mga malls na malapit  sa inyo. Ngayong 2016 ay sa Ali Mall na kami nag-process. Maayos naman 😉



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “How to apply for Renewal of Passport?