Hoshilandia is now accepting disc phonograph donation


Bago naasar ang iba sa pagdadala ng floppy disk at diskette na naging flash drive or portable hard disk para sa computer ay nauso muna ang plaka (record disc or a phonograph record). Oo bago puwedeng i-download o i-stream ang music file ngayon ay mapi-play ang music gamit muna ang plaka.

Disk Phonograph or Plaka
Disk Phonograph or Plaka

Kamakailan ay ‘di sinasadyang naka-acquire ako ng new player. New nga bang matatawag eh hanep sa pagkaluma? Hindi naman kasi sa panghi-hip hop ng kwento ay recording cassette tape na ang naabutan ko nung bata. Kung makakita ako ng plaka or yung mas maliit na version nito ay talagang vintage na sosyal na ang character. Noon ang impression ko sa mga mayroon nito ay pihadong mula sa buena familia o tipong nagko-Conservatory of Music.

Phonograph Player  (3)

Ang larawan sa itaas ay matagal ng disc phonograph player namin. Sa pagkakaalala ko ay pasalubong ito ng isang kaibigan o kamag-anak mula sa Japan. Hindi na nagagamit pero tingin ko gawa pa naman. Kailangan ko na lang subukan.  At hindi ako excited na mag-play ng CDs at tapes dito kundi mag-play ng plato este plaka.  Kaya sa may mabubuting kalooban na nais na ipamigay na lamang ang kanilang plaka, tumatanggap ako ng donasyon.  Puwede rin kayo mag-refer ng murang bilihan. Mabuhay sa musikang classic!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Hoshilandia is now accepting disc phonograph donation