Maliban sa Chinese garter (not sure kung galing sa kanila o ipinangalan lang), wala na akong matandaan na alam kong larong mula sa China. Kaya naman nung pinalaro kami ng Mooncake Festival Dice Game sa Postal Heritage Walking Tour ay na-excite ako.
Madali lang naman ang mechanics ihahagis ko lang ang anim na dice sa isang malaking mangkok. Ang makakuha ng pinakamarami (kahit five lang) na four dots sa anim na dice ay ‘yon ang mananalo. Hindi ko gaanong masundan ‘yong ibang sinabi ni game master Rey Ong De Jesus, basta ang aim ko ay maka-tatlong four dots dahil gusto ko ng commemorative coins na katumbas na premyo noon.
Sa awa naman sa dalawang beses na inulit ko ‘yong paglalaro ni isang four sa namamawis kong palad, wala. Siguro ‘yong suwerte ko ay naipasa ko sa kasama kong si Mhona dahil nanalo siya (ako na ang feeling). Mabuti na lang din at dalawang beses s’yang nanalo. Kaya nung nabunot ulit ang name n’ya ay kinuha niya ulit ang commemorative coin at ibinigay sa akin. Ayun na nga ang nasa photo sa itaas. Oha, at least, suwerte ako sa kasama!
By the way, ang Mooncake Festival ay tinatawag ding Mid-Autumn festival o Lantern festival. Sa Chinese calendar ginaganap ito kada a-kinse ng ikawalong buwan or sa panahon na ang moon ay buo at bilog na bilog.
Para masaya kumuha ako ng kodigo ng ground rule sa larong ito….
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
chinese checkers
lalong tsekwa din yon
hehe
oh talaga? hindi ko alam e. paturo naman!
aliw na aliw ka nga eh hehe. talagang gusto manalo para sa coin hehe =p
oo tumpak na tumpak ka dyan syngkit!
Hello, di ka man nanalong tunay korek ka dyan mapalad ka parin kasi may kaibigan kang nagwagi at may balato ka pa. ok lang na di ka nanalo sa game ang importante na enjoy mo yong palaro nila.
korek kuya yun ang masaya dun eh talaga yung tuwang-tuwa kang naglalaro kasama ng iyong mga kaibigan. exciting kasi first time saka ito walang halong kung ano, bahala na yung dice sa pag-ikot.
thanks and mabuhay!