Mooncake Festival Dice Game

Mooncake Festival Dice GameMaliban sa Chinese garter (not sure kung galing sa kanila o ipinangalan lang), wala na akong matandaan na alam kong larong mula sa China. Kaya naman nung pinalaro kami ng Mooncake Festival Dice Game sa Postal Heritage Walking Tour ay na-excite ako. Madali lang naman ang mechanics ihahagis ko lang ang anim na dice sa isang malaking mangkok.  Ang makakuha ng pinakamarami (kahit five lang) na four dots  sa anim na dice ‘yon ang mananalo ng top prize. Hindi ko gaanong masundan ‘yong ibang sinabi ni game master Rey Ong De Jesus basta ang aim ko ay  maka-tatlong four dots dahil gusto ko ng commemorative coins na katumbas na premyo noon.

Mooncake Festival Dice Game_prize

Sa awa naman sa dalawang beses na inulit ko ‘yong paglalaro ni isang four sa namamawis kong palad, wala. Siguro ‘yong suwerte ko ay naipasa ko sa kasama kong si Mhona dahil nanalo siya (ako na ang feeling). Mabuti na lang din at dalawang beses na nanalo si Mhona kaya nung nabunot naman ang name n’ya sa isa pang laro ay kinuha niya ulit ang isang commemorative coin at ibinigay sa akin. Oha at least, suwerte ako sa kasama!

By the way, ang Mooncake Festival ay tinatawag ding Mid-Autumn festival o  Lantern festival.  Sa Chinese calendar  ginaganap ito kada a-kinse ng ikawalong buwan or sa panahon na ang moon ay buo at bilog na bilog. Sa aking research pumatak ito noong September 12 ngayon taon at next year naman ay sa September 30.

Para masaya kumuha ako ng kodigo ng ground rule sa larong ito….

 


7 thoughts on “Mooncake Festival Dice Game”

  1. Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI

  2. Hello, di ka man nanalong tunay korek ka dyan mapalad ka parin kasi may kaibigan kang nagwagi at may balato ka pa. ok lang na di ka nanalo sa game ang importante na enjoy mo yong palaro nila.

    1. korek kuya yun ang masaya dun eh talaga yung tuwang-tuwa kang naglalaro kasama ng iyong mga kaibigan. exciting kasi first time saka ito walang halong kung ano, bahala na yung dice sa pag-ikot.

      thanks and mabuhay!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.