Karaniwan tanawin ang Metropolitan Theater sa Manila City, partikular na sa bandang Lawton. Halos katapat nito ang Liwasang Bonifacio at Philippine Post Office. Ngunit sa ilang pagkakataaon na napapadako ang tingin ko rito, lalo na kapag trapik, ay hindi nawawala ang aking panghihinayang sa gusali na ito.
Sayang kasi maganda pa ang itsura sa labas. Sayang dahil mayaman daw ang kasaysayan nito. Sayang ang perang ipinangpapagawa nito rito kung wala rin. Sayang dahil marami sanang magandang pagtatanghal ang puwedeng ipalabas dito. Sayang dahil marami na raw mumu sa loob nito.
Metropolitan Theater: Why it should be Restored?
Kung usapang accessibility ay napakadaling matunton at mapuntahan ang Metropolitan Theater. Unless mag-aalternatibonng ruta ka, hindi ka makakarating ng Quiapo kapag manggagaling ka ng Roxas Boulevard, National Museum o UN Avenue area nang hindi dumadaan dito. Ganun din ay hindi ka makakarating sa Lagunsalad, Luneta, o Pedro Gil nang hindi babaybayin ito. Mararating ito sa pamamagitan ng tren, bus, SUV van, at jeep kung commute.
Kumpara din sa iba pang sikat na theater ay hindi ito ‘yong tipong dinadayong sulok o lalakad ka pa ng pagkahaba-haba. Tawid-tawid lang, baka puwede pa.
Kung usapang seating capacity, ang Met ay may 1,670 mauupuan ng mga audience. Perpekto para sa intimate concerts, awarding ceremony, album launches, theater plays, at iba pang palabas.
Mas malaki ito sa Meralco theater (1000), Music Museum (718), Onstage Greenbelt (800), SM Sky Dome (1500), at Resorts World Manila (1500).
Kung usapang iba pang tourist attractions sa paligid nito, nako ang dami. Ang unique sa Metropolitan ay napapaligiran ito ng mga historical and artistic buildings na maipagmamalaki ng mga Pilipino. Malapit ito sa Liwasang Bonifacio, National Post Office, Intramuros, Luneta, Paco and Park Cemetery, Quiapo Church, Manila Chinatown, at marami pang iba. Kaya depende sa oras ng palabas, puwedeng gumala-gala sa mga pasyalan sa paligid-ligid nito. Siempre may malalapit din namang makakainan lalo na sa area ng SM Manila na walking distance lang mula sa likurang bahagi nito.
What’s inside Metropolitan Theater?
Sa kabutihang-palad ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mapasok ang teatro (kasama ito sa itinerary ng Postal Heritage Walking Tour) noong 2011. Sabi nila may mga spirits daw sa loob nito kaya mas exciting kahit spooky! Sa awa naman wala naman sobrang kahina-hinala kaming nakasama sa loob. May ilang part lang talaga na parang may bumubulong sa iyo na mainit na hangin na sukat na ika-fountain ng pawis mo, all over.
Pero higit sa mga alingasngas about ghosts, pawisang mga kilikili, kwentuhan at picture-picture ay ang panghihinayang talaga. Sayang kasi napabayaan ang loob, puwedeng-puwede pa itong magamit kung aayusin. Hindi ko alam kung magkano ang magiging budget sa reconstruction nito pero sayang talaga. Mabusisi ang pagkakagawa ng mga paintings, walls at pagkakaayos nito.
By the way, ang architecture ng Metropolitan Theatre o Met ay si Juan M. Arellano at ang mahusay na eskultor na tumira sa façade nito ay ang Italian na si Francesco Ricardo Monti. Art deco ang tawag sa designyo nito na hango sa trend noong 1920 sa Paris.
Huli raw itong nagamit noong 1996 at nagkaroon ng soft opening noong isang taon. Hindi na ako masyadong magkukuwento tingnan nyo na lang ang mga kuha ko… (ala photojournalist lang ang drama)
history (click to zoom out)
roof top rehearsal/ dressing room macho!!! lonely and whinning Empty Room ceiling sliding door stage Arc mark of soft opening Old Met
Update sa Metropolitan Theater
Nabili na ang Met ng NCCA kaya isinasagawa na ang pagbibigay-buhay muli rito o Restoration. Nagkaroon na rin ng bayanihan para linisin ang loob at labas nito. Sa ngayon ay makikitang binakuran na ang paligid nito lalo na ang harapang bahagi.
Pingback: Rediscovering Philippine Architecture | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
May sentimental value sa akin ang Met. Bagong salta ako sa Maynila noon, 13 years old ako, nang una akong makapanood ng play (oo, late bloomer ako hehehe. Wala kasing ganyan-ganyan sa probinsiya ko eh). Full-length play yun at sobrang naaliw ako at na-amuse na parang nanonood ako ng pelikula sa betamax (oo, betamax pa uso nun) tapos yung performance live na live.
Nakakahinayang naman at parang hindi ito naalagaan nang maayos.
oi at least nakapasok ka pa dyan at namalas mo pa kung paano pakinabangan ito ng mga artista. oo nakakapanghinayang talaga, sayang yung mga memories na tulad ng sa iyo. huhuhu!
pero tingin ko, kaya pa itong buhayin kung bibigyan ng pansin.
aus sA title.. rinig hanggang dito ung screaming hehe
naman….hehehehe!
hello, hoshi girl….
bah, ang gaganda ng snapshots mo, may mood baga? peyborit ko ang sliding door, ang kulit lang. 🙂
naabutan ko pang operating iyang MET noong araw. mapolitika yata kaya naipasara at napabayaan…
ang husay at nai-feature mo ito. gusto kong may backgrounder pa re: art deco. ikaw na… 🙂
wahhh nakakatuwa naman itong comment mo. hehehe gusto kong maniwala na magaling na ako sa anggulong photography ahehehe!
korek kailangan talagang buma-background para mukhang nag-research naman ako at nakinig sa kapaliwanagan nung nagpunta kami doon. hehehe
mabuhay!
balita ko, may plan na irehabilitate ang MET. hindi pa pala inuumpisahan…
naku apollo puro plano lang ata. sana matuloy at maging consistent sila. kung sino man sila.
pag ginagawa nila yun, hindi puwedeng hindi ako manonood sa theater na yan.
hindi ba’t gagawin mall na ito?
sana magka-astrovision
hehe
baliw ka talaga! hehehe
bago yan ano na balita sa embassy n’yo?