Arts & Crafts Fair @ 10 Alabama Street


Environmentally friendly handmade art businesses ang halos lahat ng natunghayan namin sa Art &Crafts Fair sa Alabam St. New Manila, Quezon City. Tuwang-tuwa ako sa mga magagandang products na paninda sa lahat ng sulok ng bahay na ‘yon dahil kitang-kita ang pagiging resourceful ng mga Filipino.

Yes, ang art fair na ito ay isinagawa sa isang buong bahay lamang na kung saan sa iba’t ibang sulok nito ay may mga nagtitinda ng iba’t ibang produkto na sabi ng nakausap kong si Pinup Girl ay halos lahat dapat ay handmade or hindi mas produced.

Eco –friendly.

Sa lahat ng nakita kong produkto pinakagusto ko ang mga nakaisip na gunamit ng recyclable materials. Bumili ako ng isang wallet na gawa sa cover ng junkfood mula sa The Reading Room, dalawang pins na gawa sa tansan (bottle crown), ring na ang may key ng keyboard at bracelet na gawa naman sa isang part ng soft drink can mula sa Junkshop Abubot.

owners of JunkShop Abubot

Hindi lamang masarap sila suportahan dahil nakakatulong sa kalikasan, kundi unique na rin in a way. Rare ‘yong opportunity na makahanap ka sa market ng mga ganyan at kapag sinuot mo in character ang drama. Lahat nga pinakitaan ko ng mga produktong pinamili ko ay hangangang-hanga rin.

Accessories made in recycled materials at 10 alabam street art fair
Beautiful Crafts of Junkshop Abubot

(BA) The Business of Arts/ (AB) The Arts of Business

Hindi ko naisa-isa ang mga entrepreneur sa loob pero halos lahat ay may online shops at wala silang regular store na gaya ng iba. Ang invitation na nga nila ay bisitahin or i-add ang kanilang facebooks/ multiply account gaya ng gawani fe-mi handmade goodies, The Reading Room, The PinUp Girl at Junkshop Abubot. Dito malalaman ang kanilang pagiging innovative pagdating sa paglalako este pagbebenta ng kanilang mga produkto. Siempre ang Art Fair na ito ay isa pang cool na pamamaraan dahil in other term ito ay business expo or business fair. Saludo ako sa organizers nasa likod nito, ‘yon din daw ata yong may-ari ng bahay.

Patalastas

Chandelier Fan?
Resurrecion Store

Novelty Stores.

Kung kagaya kita na ayaw ng may kaparehong gamit (wish ko lang naman) magsisilbing novelty items sa iyo ang ang makikita sa loob. May chandelier na binuo sa bote ng beer (Resurrecion Store), wood arts, wands (Katang’s wand shops), paintings, journals, magnets, at marami pang iba pa.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Arts & Crafts Fair @ 10 Alabama Street