Rubbing elbows with the OPM icons


Tuwang-tuwa ang music enthusiast- blogger na si Hitokirihoshi nang finally ay ma-meet n’ya ang mga kinikilalan OPM icons na espesyal na kinilala 3rd Star Awards for Music ng PMPC. Naroon sila Ka Freddie Aguilar, Celeste Legaspi, Victor Wood, Mike Hanopol, Pepe Smith, Apo Hiking Society members Jim Paredes at Buboy Garovillo, Jose Mari Chan at superstar Nora Aunor.

Celeste Legaspi

Celeste Legaspi

Rumampa nga rin ang lokaret sa red carpet sa Henry Lee Irwin Theater sa loob ng Ateneo de Manila Univerisity.  Ang blogger na ito na sinabit ng kanyang mga big time backups na sila – VerJube Photographics (VJP) top executives Oliver Calingo & Jovy Bajo, one of these days best-selling writer Len Armea, multimedia personality Dang Corpuz, ay kunwari pang nahihiyang dumaan-daan sa harap ng maipagmamalaking Original Pilipino Music or OPM icons at new artists. Pero aminado ang cute na sa lahat ng kanyang nakita, pinakatuwang-tuwa siya kila Ka –Freddie, Nora at lalo na kay JoMari.  Isa pa, lalo na kay JoMari Chan.

 

The only OPM double diamond  recording artist   Jose Mari Chan

The only OPM double diamond recording artist Jose Mari Chan

Jose Mari Chan. Ayon kay Hoshi, pinakatago-tago n’ya ang cassette tape ng Constant Change album ni Mr. Chan.  Kahit ubod ng bata pa siya noong sumikat ang,take note, two times DIAMOND Record album na ‘yon ay  ganado na siyang magkakanta ng Please Be Careful With My Heart (feat. Regine Velasquez); My Girl, My Woman, My Friend (feat. Janet Basco), Sing Me A Song Again Daddy (feat. Cherry Gil), Beautiful Girl, at Constant Change.

“Hindi ko saulo ang karamihan ng nursery rhymes noon pero ‘yong mga kanta ni Jose Mari kinakanta ko na talaga,” aniya.

freddie aguilar

Anak phenomenal folk singer Freddie Aguilar with his 2 Anak

Freddie Aguilar. Phenomenal ang kanyang mga awitin na enchendeng pang Pinoy pero bumenta pa rin sa Whole Wide World lalo na ang Anak.  Naging paborito rin ito ni Hoshi sa impluwensya na rin ng kanyang mga kuya, alin man sa 5 doon.

“Laging pinapatugtog ng mga kuya ko ‘yong album niya sa Stereo namin. Sa sobra ngang pakikinig ko, nung isinali nila ako sa fiesta ang kinanta ko ay Estudyante blues habang nakatuntong sa isang bangko. Nanalo naman ako. hohoho,” gunita pa niya.

german moreno

Special award for German “kya Germs” Moreno

Nora Aunor. Bagama’t mas partikular si Hoshi sa pagiging napakahusay na actress ng Superstar. Alam din niyang nakapalaking bahagi ng karera nito ang pagiging singer. Katunayan, na-discover ito sa pamamagitan ng singing contest na Tawag ng Tanghalan.

Patalastas

Hindi ko kasi naabutan ‘yong ibang kanta niya dati, pero paborito siya ng Nanay ko na puring-puri  ‘yong malamig niyang boses. Iyong kanta n’ya na lang ata na naabutan ko ay ‘yong Kahit Konting Awa na theme song The Flor Contemplacion Story,” sabi ng binibining ‘di mahinhin na paborito ang films ng actress na Minsan May Isang gamo-gamo, Himala, Bona at Ina Ka ng Anak Mo.

cesar montano

Cesar Montano The Acoustic Singer at Star Awards

Sa gitna nga ng mga big time photographers, hindi nagpaawat si Hoshi Jr na magkukuha rin kasabay nila. Ikaw na ang pagkakataon, magdi- dilly-dally ka pa ba? – written by Maria Poinsettia Hitiokirhoshi Laurence Sr!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Rubbing elbows with the OPM icons