The F#%K Art Exhibit @ Cubao X 3


Hangang-hanga na talaga ako kay Manay Femi Cachola at sa kanyang malawak na artistry. After ng kanyng handmade plushes (sa kanyang business na Gawa ni Femi) at paggawa ng bento, ngayon ay mayroon naman s’yang dish garden exhibit na pinamagatang F#%K Art,  Let’s Garden sa Wooden Canvas, Cubao X.

Arts and Crafts for people with green thumbs 

Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong klaseng exhibit na may kinalaman sa gardening.  Aminado akong hindi ako palatanim o medyo mahilig sa paghahalaman pero kung ganito naman ang presentasyon ay nakakaengganyo ha! Isipin mo na lang na you can also apply your creativity as a crafter and environmentalist especially kung ang mga gagamitin mong materyales ay iyong mga maituturing ng scrap.  Isa sa example na nga ‘yan ay yung mga sapatos na hindi na nagagamit, laruan, boxes and like yung gawa ni Femi na All Packed Up na yung tanim ay nakalagay sa isang lumang maleta.

Sa totoo, hindi ito pumasok sa isipin ko ang ganitong klaseng art na may pagka-environmental friendly. Hindi nakapagtataka kung bakit nagustuhan ito ni Madam Femi ang ganitong hobby, art o klase ng gardening. Sabi naman nya ang kgandahan din naman sa mga halaman na kanilang tanim ay hindi alagain.

The  Fun and Fascinating Exhibit

Bukod kay Femi, ang isa pang  artist na feature rito ay Karen Capino. Ang kanilang mga mini gardens creation ay inspired renowned painters and writers gaya ni Nick JoaquinSylvia Plath, MurakamiWarhol, van Gogh, Picasso at iba pa.

Marami akong gusto rito, siempre espesyal na yung Writer’s Table inspired by Nick Joaquin,  Bell Jars,  All Packed Up (inspired by Henri Matisse), Campbell’s…, at yung may painting ( hindi ko nakuha yung title.  Anyway narito naman ang mga photos so enjoy and Let’s Garden!

 

 

 

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

3 thoughts on “The F#%K Art Exhibit @ Cubao X