Imaginative Figurism ang art philosophy ng painter, sculpture, muralist at ng naging head ng visual arts committee ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) na si Mr. Nemesio “Nemi” Miranda. Nalaman ko ang bagay na ito nung magawi kami sa Nemiranda Arthouse Gallery at nang sa wakas ay malibot ko na kaunti ang Angono, Rizal.
Ayon kay Nemiranda, ang imaginative figurism ay ang pagpinta, lalo na ng pigura ng tao, ng hindi kailangan ng model kundi memorya lang. Sabi n’ya through attitude, practice at experience niya nakuha ito. Bakit ko naman nalaman ‘yan ay dahil nakita’t nakakuwentuhan ko s’ya. Naku baka dumating ang time na maging National Artist siya at least, na meet and greet ko na ‘di ba?
Art House
Nipa hut na hanggang fourth floor (ata) ang kanyang art house gallery. Ayon sa kanya, dream house niya ang bahay-kubo na gusto niyang maging studio. Subalit dahil sa mga kabagayan gaya ng regular clients, artists din ang kanyang mga anak, tinutulungan din niya rito ang iba pang artists, at mayroon din ditong workshops and sessions kaya lumaki na nang lumaki ito. Sa ngayon, art works niya at ng kanyang limang anak ang narito habang may ibang gallery building at art camp na para sa mga apprentice, trainee at co-members niya sa Angono- Angono Ateliers Association.
pinta ni don nemesio miranda
Nemi Miranda
Artist since birth, sabi n’ya ay 5-years-old pa lang s’ya ay pagdo-drawing na ang alam n’ya. Imbes na notes ay drawing ang makikita sa kanyang notebook, at nung college ay Fine Arts major in Painting ang kanyang kinuha kahit ayaw ng father n’ya.
“Kasi ‘yon lang passion ko na puwede kong gawin,” sabi pa ni Sir Nemi na siyang gumawa ng mural ng EDSA revolution sa loob ng EDSA Shrine at mural sculpture sa Philippine Army sa Fort Bonifacio. “Iyong iba sa threat niya mate-threaten na e, hindi na mag-aaral. Ako hindi, so be it! If I’ll take up another course, maybe I will not become successful.”
Hoshi: Pero may time ba na nagsisi kayo na naisip n’yo na sana ay sinunod ko na lang ang father ko?
Nemi Miranda: Never! There was a point that I was down pero money is never a priority in my life. It’s always the passion that I think that makes me happy.”
Dahil na rin sa passion na ito kaya lumago ang kanyang art house, nagturo siya ng sculpture, sumamang magtayo ng organization at magkaroon ng art festival. Sabi rin niya na ang objective ng art camp at art festival ay upang dalhin sa masa ang art.
“Ordinary people like carpenters, fishermen, farmers, or workers- maiisip mo ba ang mga ‘yan pupunta sa mga gallery? They would not go, alam nila ‘pag gallery mayayaman lang puwede pumasok d’yan. But if you put it in a gymnasium or in any local exposure papasukin na nila ‘yan.
“Especially the children, magkakaroon sila ng awareness sa art and that’s the reason why Angono has been known the artist community because of the people has made the art the way of their life and life way of their art.”
Pingback: Painting Contest: Bayaning Bayan Project
Pingback: Manila Art and Dayaw 2014 - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Cinemalaya 8: Ang Nawawala | aspectos de hitokiriHOSHI
Parang may na-edit / proofread ako na ganitong article. haha
Like ko iyong sinabi niya na: “There was a point that I was down pero money was never a priority in my life. It’s always the passion that I think that makes me happy.” 🙂
talaga? baka nakasabay ko yang sinabi mo nung nagpunta kami sa Nemiranda.
oo yan din ang paborito kong sinabi nya.
may nude paintings
like, like
LIKE!
sabi ko na e, nung pino-post ko yan. ikaw talaga naalala ko hahaha na magko-comment about dito.
WOW! ♥
yoooh! hehehe
mabuhay!
hindi naman nagkakataon lang talaga na napapad ako sa museum then yung sa angono ay kilala talaga sa mga ganito, kaya gogogo!
oo, ako yng kaisa-isang totoong painting na iniregalo sa akin, inarbor pa ng nanay ko. saka oo tumpak ka, tingan mo tumingin lang ako at nagandahan feeling ko ang galing ko ng kumilatis ng magaling na artworks. hehehe
sana makadaan ka dyan sa Nemiranda at Blanco museum, superb!
thank you sa pagpunta sa NEMIRANDA ARTHOUSE… i am currently working here…
hope to see you soon, as you visit here again…
salamat din sa pagbisita sa hoshilandia glaiza!
yeah sana makabalik ako at makaaaya pa ako ng iba.
Mabuhay!
hello, hoshi,
ang sipag mong magtingin-tingin ng art-art. ikaw na!
naaalaala ko tuloy ang description sa ‘min noong araw – mga mahihilig sa art na mukha namang walang pambili ng artworks, shaks na yan.^^ anyway, bakit? pwede namang appre-appreciate lang, ahaha. hi sa ‘yo! 🙂
ang ganda! very cultured hoshi!
salamat PM!