Visita Iglesia: Churches in Rizal Province


Gaya nang nakaraang taon ay nauna na kaming mag-Visita Iglesia ni Syngkit.  Ako na ang nag-suggest na mag-Rizal kami dahil susundan na lang namin ang Visita Iglesia experience ng mga CEO ng Verjube Photographics.  Konting research na lang kaya go na sa lakbay-pananampalataya.

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Sta. Ursula Parish, Binangonan

1_Binangonan-FacadeDahil mula kami sa Manila at Kyusi (Quezon City) ay pinili ko na ang pinakamalayo. Dapat Pililia kaso wala raw sakto dun kaya dun ako sa gitna.  Mula MRT 2 (Santolan) ay may sakayan ng Binangonan (Php 36 or 28 ata yung pamasahe sa jeep). Ang katotohanan n’yan hindi ko alam saan sa Binangonan ang Sta. Ursula Parish basta makarating lang kami roon saka na kami maghahanap. Ang mabuting balita ay pagkababa ng pinaka-terminal ng Binangonan ay walking distance na lang ang simbahan.

Warning: Hanggat maaari ay huwag kayong magtatanong sa tricycle driver. Iyong driver na tinanungan namin sabi malayo pa, mabuti na lang natanaw ko yung church. Pinuntuhan namin ‘yon dahil nagandahan ako tapos ‘yon na pala talaga ang church.

Mabuti at bukas ang simbahan kahit Sabado at halos tanghali na kami nakarating.  Sakto lang din ang liwanag sa loob para sa digicam ko at pabor ‘yong wala pang gaanong tao. Prenteng-prente kaming nakapagdasal at mag-picture.

Our Lady of the Holy Rosary Parish, Cardona Rizal

Mula Ursula sumakay kami ng tricycle (10 pesos) papuntang highway para dun naman kami sumakay ng jeep (9 pesos) papuntang Our Lady of the Holy Rosary Parish.  Ito ang pinakamadaling matunton na church dahil madadaanan mismo ito at katapat ng Municipal hall ng Cardona.

Sa aming paglalakbay bago rito ay aking napagtanto na kung may manlalamang ay mayroon din namang  magigiliw na tao lalo na iyong mga nakakatanda. Iyon driver ng sinakyan naming tricycle ay sinisingil kami ng 80 pesos special papuntang Cardona. Hindi kami pumapayag, ang mahal ano! Hanggang sa binaba n’ya ng 70 at 50. Papayag na sana ako kung ibinaba n’ya ng 40. Biruin mo 80 pesos versus 38 pesos, que lapit-lapit.   Mabuti ‘yong mama (parang  may lahing Espanyol) na nakasakay namin, para kaming nasa bahay n’ya na ina-aassist kami.  Tinuturo niya kung magkano at kung malapit na.

St. Jerome Parish, Morong Rizal

3_Morong_facadeMadali na rin ang papuntang St. Jerome Parish dahil sasakay ka rin lang ng  jeep pa- Tanay (kung hindi ako nagkakamali ay nasa 8.50 -12 pesos) ‘yong binayaran namin.  Pagkababa ay lalakad lang ng papasok konti para marating ang grandyosang simbahan na ito.

Patalastas

Kung nainip ka sa byahe dito ay masusulit ang tipak ng pawis sa iyong kili-kili dahil mapapahanga ka sa antigong ganda ng simbahan. Nakahanda na rin ang simbahan sa mga gaya namin na nagbi-Visita Iglesia.

St. Joseph Parish, Baras Rizal

Sakay lang ulit ng jeep byaheng Baras (8.50 -12 pesos) at konting lakad din papasok ang gagawin para makapasok sa isa pang kabig-bighaning church na ito.  Pagpasok pa lang sa gate ay alam mong naghahanda na rin ang simbahan para sa mga nagbi-Visita.  Puwede na rin kasi sa labas mag-station of the cross. Simple ang ganda ng antigong façade nito pero panalo gayon din ng altar at buong interior nito.

San Idelfonso Parish, Tanay Rizal

Sakay lang ulit ng jeep pa-Tanay at madadaanan na itong simbahan na ito ng Tanay mismo. Luma na rin ang simbahan. Hindi nga lang kami maka-ikot dahil may ikinakasal sa altar, baka maimbitahan pa kami sa reception.

St. Mary Magdalene Parish, Pililia Rizal

Sadyain naman ang Pililia at walang bumabyahe na jeep. Wala kaming choice kundi umarkila ng tricycle papunta mismo sa simbahan. Sinuwerte naman kami kay Tatay tricycle driver na naningil ng 40 pesos sa aming viaje.  Napaka-hospitable ni tatang parang yung Mamang nakasabay namin sa jeep sa Carmona.  Tourist na tourist guide ang dating. Sana kagaya na lang n’ya lahat ng  driver sa Rizal.

Kung  ready na ang  simbahan sa Morong at Baras sa  St. Mary Magdalene Parish, hindi lang sila handang-handa, nag-uumpisa na. May area  sila sa tabi ng simbahan para sa mga nag-i-station of the cross. Life size ang imahe ang makikita rito at mayroon na rin silang pabasa (kung hindi ako nagkakamali). Magiliw din ang nag-a-assist  na nag-i-istima  sa amin at sa  mga kasabayan nagbi-Visita Iglesia.

Our Lady of Peace and Voyage, Antipolo City

Para makapunta ng Antipolo kailangan naming sumakay ulit ng tricycle sa halagang 12 pesos  para makasakay ng jeep  na ang bayad naman ay 28 pesos. Walang sakto na papunta  sa church pero yung layo naman sa babaan ay puwede ng lakarin.  Kung first time ko sa unang anim, sa Antipolo church ay ilang beses na akong nagpabalik-balik. Pero ‘wag ka gulat na gulat ako sa dami ng establishments sa paligid.

Pabalik ng Maynila ay madali na rito, may FX na biyaheng Megamall or Cubao (baka meron pang iba pero ito lang inalam ko).

 Para sa pics —watch this Video

Kahit inulan, pinawisan, natakot sa mga manloloko, ako ay nagpapasalamat at naging matagumpay ang itong aming Visita Iglesia. Thank God!

[hana-code-insert name=’Rizal Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

20 thoughts on “Visita Iglesia: Churches in Rizal Province