10 Most Popular Jobs in the Philippines


Matagal-tagal din akong hindi nakapanood ng Ang Pinaka… like a year?!  Kaya naman, na-excite ako kung anong topic ‘yong tatalakayin nila. Mabuti rin at ito ay Ang Pinakapatok na trabaho sa Pilipinas. Interesante hindi lamang sa akin kundi lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho- fresh grad man o not so fresh o dun sa kailangan ng mag-refresh.

So ito na with my side comments…

10. Food and Beverages/ hotel/ Tourism

siopao

Naniniwala ako na with right attitude (as in determination, perspiration and accommodation) ang mga ito ay hindi lamang potensyal na trabaho kundi hanap-buhay din. Ito ay dahil sa rami ng mga masasarap na magluto at friendly.

9. Health Care

Isa ako sa pinipilit dati na kumuha ng nursing pero I made a stand “na imbes na makabuhay ay makakapatay ako ng tao” kapag naging nurse ako.  May point na nasisisi o napaisip ako sa naging desisyon ko noon. Sa ngayon at since day one, napapatunayan kong tama ako.

Hindi ko sinasabi na okay ‘yong pagbaba ng demand ng nurses, isa itong challenge upang mapatunayan kung pagni-nurse talaga ang gustong profession ng isang tao. Kung willing siyang magserbisyo kahit mababa ang kita dito sa Pilipinas.  Ang good news naman ay may alternative jobs doon sa mula sa medical field at ito ang pagiging Medical Representative at Medical Transcriptionist.

pao inglesia's gift 20128. Human Resources

Biruin mo ‘yong naghahanap, eh hinahanapan din.   Minsan kontrabida kundi man ay atribida ang tingin ko sa mga HR officers.  Pero kung iisipin din, mahirap ang task ng paghahanap ng may  tama at topak tumpak na empleyado. Dagdag pa yung maghapon tumingin ng resume na kung hindi pang short essay ay pang love letter ang dating. Tapos magpi-facebook lang naman ‘pag na-hire. Peace!

7. Clerical and Administrative support

Ang masaklap lang sa iba, kapag naghahanap ng trabaho gusto ay manager kaagad- iyan ang sabi ng nanay ko.

Patalastas

@iBlog 2014

@iBlog 2014

6. Business administration

Hindi ko nakuha ang explanation dito ng mga panelista (guests). Pero kung ipapa-explain mo sa akin ito, business administration. Taga-admin ng business. hehehe

5. Sales

Ah ito kahit wala ng explanation at baka lang may connect ito sa number 6.

4. Finance

                Surprisingly, curious ako rito kasi hoshi_divisoriaako personally, I’m insatiable when it comes to personal finance. In a way, pangangailangan ito ng lahat, hindi lamang dun sa kinakapos kundi roon sa nangangarap at gustong i-manage ang kanilang kita. Kasi you know, sometimes hindi yan sa laki ng kita kundi nasa tamang financial management.  Chuz!  Marami na sigurong brokers at credit card agents ngayon.

3. Information Technology

Kung makakapag-aral ako ulit, isa ito sa kukunin kong kurso. Hindi lamang sa marami at mataas ang kita kundi tingin ko mahaba ang panahon bago ma-saturate ang field na ito.

premium iced coffee2. Customer service

                Dito na pumapasok ang katagang basta may tiyaga ay may nilaga. In English if you have perseverance you’ll have boiled chicken or beef with vegetables. Chuz!

1. Engineering Technology

Hindi ko rin gaanong napakinggan ang komento bakit naging patok ito. Sayang dahil marami pa naman akong  kilalang nagtapos ng engineering pero hindi na nila nagamit. Iba talaga ‘pag tech savvy ka.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

28 thoughts on “10 Most Popular Jobs in the Philippines

  • Joabxy

    This is True. The most popular jobs in the Philippines are health care, HR, Sales etc. Lucrative salary is everyone is looking for while looking for jobs in the Philippines. salary is a major attraction & deciding factor in career paths. Visit Jobaxy.com for highest paying jobs in the Philippines.

  • Rahbee

    This is true. Call center jobs and IT related jobs nowadays and pinaka demand. That’s why we built very user-friendly job site for IT and Call center jobs. Visit trabahotayo site…

    Ifs free and we offer featured job ads in very cheap amount. As in very cheap. This job site is getting a lot of traffic and got a high global ranking in alexa metrics. This will be the next big thing in the Philippine job sites.

  • Bon

    Ang title ng article mo ay “10 Most Popular Jobs..” at hindi “10 Best Jobs in the Future”..Magkaiba yon… “Popular” means ano ba yung pinagkakaguluhan ngayon na mga trabaho sa Pinas..or ano ba ang trabahong may pinaka maraming trabahador?
    Judging the courses na most popular ngayon and the “ambitions” ng mga kababayan nating kabataan- almost everyone still wants to work abroad, thus they take courses which they think will give them the highest chance to work abroad..kaya ang 3 Most Desired Jobs(if that is what you mean by “Most Popular”) are Nursing(obvious ba, we have oversupply of Nursing schools and Nursing graduates), Hotel and Restaurant Management(kasi nauso na ang trabaho sa mga cruise ships, so ito na ang bagong pinaka-uso, hindi na Nursing at Computer science), and Tourism..
    Pero if you mean anong jobs ang maraming empleyado,not by people’s choice but by circumstances, then Customer Service…like Call centers, kasi yung mga graduate ng Nursing at HRM na hindi maka-abroad, where do they end up?

    • Hitokirihoshi Post author

      Hello Bon and welcome dito sa Hoshilandia!

      Well ang title ko ay binase ko sa pagkaka-translate ko sa patok in English. Kasi di ba nga ang title ng episode na ito ay “Ang Pinakapatok na trabaho sa Pinas.” Kung mali po ang pagkaka-translate ko sa title o may iba pang swak na salita para rito, ipagpaumanhin nyo po. Pero sa ganang akin, binigyan ko lang ng kuro ang content ng programa at ipinagbigay-alam sa blog na ito.

      hindi ko kukuwestyunin ang iyong sentimiento tungkol sa employment sa bansa dahil may punto ka naman. Malay mo mabasa ng staff ng Ang Pinaka ang ating saloobin sa content ng kanilang programa at ng gobyerno.

      mabuhay!

      • vill

        “PATOK” is a slang which can mean different things in different contexts..but thats not my point. I think your translation is correct naman.. So, I thought, when you said “patok”(i.e. popular) ,you would enumerate the most popular jobs(i.e. where most people end up not by choice..like call centers…or…where most people want to work..like Nursing, HRM)..but what you listed are not the most popular jobs, but the “most recommendable jobs”..or something like that.. it is the list,not the translation..or did these actually come from another person? If you want to maintain the list, then the title should be “10 best jobs” or something like that instead of “popular”…. just my opinion though..

        • Hitokirihoshi Post author

          i think puwede na yung best jobs for translation but i think mas mabigat yung word na yun. popular pa nga lang questionable na for you what more sa best.

          if i’m going to change the title to something far from the original Filipino title, I think mas better gamitin ko na lang yon original. what do you think? and to clarify this list, hindi ko po ito inimbento ito ay mula sa programang “Ang Pinaka” na mapapanood n’yo sa GMAnews.tv every Sunday ( around 6:15 pm. (na binanggit ko sa lead o first paragraph pa lang ng post na ito).
          don’t worry i like sincere comments! mabuhay!

  • McRICH

    sana the government could stop getting into the technicalities of education but rather make sure that education is later on equated to providing professional jobs. kasi nga andaming mga nakakatapos yearly pero hindi talaga natapos nila ang work nila. reality naman yon ng buhay. at wish ko lang naman ang kinoment ko sa post mo, sensya na ha 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      Naku okay lang naman ang comment mo McRich! totoo naman at para malaman din nila ang ibang angle.

      i think na ang pinakamalaking isyu sa aspetong ito ay yung mga nagsipagtapos ng Nursing. Nakakaalarma din at sana mabigyan ng aksyon.

  • Tim

    Parang ang weird lang nung isa sa pinakapatok na trabaho ang health services. Kasi sobrang dami ng mga healthcare professionals na unemployed ngayon, at yung mga employed nagtitiyaga sa kakarampot na sahod kasi karamihan hindi naman makaalis ng bansa.

    • Hitokirihoshi Post author

      iyon din naman yung tinalakay dun ng mga panalista. Maraming work para roon sa field na yun kung handa ka magbigay service, yung as in na hindi kataasang sahod. Ngayon kung gusto mo na magamit yung knowledge mo, puwede naman pero sa ibang form na like nga yung med rep.

  • Bagotilyo

    pinakapatok ata dito satin yung customer service .. hahahha

    magagaling at maabilidad kasi ata tayo mag english 🙂

  • PM

    dalawang beses ako nagaral pero ang ending hindi iyon ang naging trabaho ko. buhay nga naman. palagay ko sa pinas may trabaho naman eh kaso lang madaming tao hindi match yung skills sa trabahong available, ayun tuloy.

      • PM

        natawa naman ako sa survivor ph pero totoo yun lalo na ngayon may mga bagong graduate na naman na sasali sa laro. sana nga magaling na blogger ako hoshi nyahaha malayo ang pag-aaral ko sa writing, sobrang layo.

      • Philip

        dahil 10 most popular jobs ang title ng usapan dito mai-suggest ko ang Home Base job dahil pag may baha sa Pilipinas di ka makakapasok atleast kung nasa bahay ka lang at may internet ka at kuryente patok itong trabahong ito kumikita kana ng kasama mo ang pamilya mo tapos hawak mo pa ang oras ng trabaho mo. Hahanap kapa ba ng mas maganda? tiyaga lang kailangan dito pero palaki ng palaki ang sahod mo. (deleted part). Good Bless !!

        • Hitokirihoshi Post author

          hi Philip and welcome to Hoshilandia!

          Sorry kung ngayon ko lang na-approve ang comment mo. pinag-isipan ko talaga daw ( ng ilang buwan din pala) kung io-okay ko ang kabuuan nito. okay naman yung ibang part lalo na yung home base, panalo ka roon. pero may ilan na akong in-erase ko. why?

          yung link na nilagay mo at yung part na binura ko ay pure promotion at hindi suggestion. At hindi ko rin kilala ang company na pino-promote mo. i hope you understand that this blog site is my way of disseminating information base in my interest and knowledge.