Man in the Mirror


Cliché na ang eksenang pagharap sa salamin kapag nagda-drama sa mga palabas. Pero minsan ay mabenta pa rin lalo na kapag nakaka-relate ka sa bida o nasusundan  mo na ang journey ng character.

For me, one of the meaningful inventions sa earth, ang salamin or mirror. Dito you can see, kung gaano  kaganda o kaguapo, kaayos, lousy o kamalas-malasan kapangit ka, you see? Mapapaniwala ka o alangan naman magsinungaling sa iyo ang salamin ‘di ba?

katrina miranda tuazon's mirror painting 2Mirror painting

Isa sa recent inspiring na nakita kong style ng art ay ang mirror painting ni Katrina Miranda-Tuazon, ng Nemiranda Arthouse. Mukhang giant locket lang sa unang tingin pero once na bigyan ng pansin, makikita mo na maaaring ang isang tao ay ginawan n’ya ng eksaktong reflection nito. Nagsimula ang ganito niyang fascination dahil na rin sa ideya na maraming kambal umano sa Angono ay identical twins.   Pero sa kuwento ng kanyang ama na si Nemi Miranda (Chairman ng Committee for Visual Arts ng NCCA), kambal din sana ang kanyang anak kaso namatay ang isang bata sa kanyang sinapupunan. Dinala n’ya ang batang ‘yon ng ilang buwan pa ata dahil kapag nilabas kaagad ang sanggol na patay, magiging premature naman ‘yong isa pang buhay.

Kahit hindi ko pa siya kausapin may naglaro sa playground kong isipan.  Baka ang art na ito ang kanyang outlet para maipahayag ang kanyang saloobin. Ang ganda lang ‘di ba na maisalin mo ‘yong nakikita at nararamdaman mo sa isang sining. Hindi n’ya akalain na ‘yong  subject  sa art n’ya ay magiging isang subject din sa buhay n’ya.

The Mirrors around you

mirror painting, quezonMay kasabihan na Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are  na more or less ay tama rin naman. Kung gaano man kaiba sa panlabas at halos sa kabuuan ang dalawang taong pinagsama may isang bagay silang pagkakapareho- na kung paano ang kaliwa sa salamin ay iyon ang kanan mo- alam mong ikaw pa rin ‘yon.

Maraming tao tayong nakakasama at nakakasalamuha sa buhay. May iba sa kanila parang rainbow at may iba naman na parang nakikta mo ang kadiliman kapag naaalala mo. Pero sa kabila nito, nag-iiwan sila ng marka sa iyo. Bagay na magpapaiba ng iyong pananaw sa buhay at magiging bahagi ng iyong pagkatao. Para bagang taghiyawat sila sa mukha na after kang bigyan  ng kahihiyan, iiwan ka pa ng bangas o sculpt sa mukha.  Pero sila (‘young good or bad) ang nagsisilbing salamin ng buhay.  Nasa sa iyo kung tatanggapin mo sa sarili mo ang reflections na ipinapakita nila sa iyo.

Patalastas

At nasa sa iyo kung mararamdaman mo kung ano ang ipinapasalamin N’ya sa iyo sa mundong ito. Kung paano mo pansinin na sa kabila ng mga kapangitan na nakikita mo sa iyong sarili ay may may bahagi Siya na nasa sa iyo at maging sa ibang tao na nagpapaantig ng iyong puso.  Hindi mo gaanong napapansin, hindi mo naaamoy, mahirap maramdaman pero nariyan. Kung paanong sa salamin ay nakikita mo na “may pag-asa pang itong mukhang ito,” kung manampalataya ka lamang. Vaya con Dios!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Man in the Mirror