Honestly, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa sa pagsi-share ng mga interesting and inspiring lessons na natutuhan ko sa Steps to Financial Peace 2012 conference na ginanap kahapon sa Victory Greenhills Center, 4/F Virra Mall Greenhills.
Pero una sa lahat I wanna thank Mr. Kenji Solis of PEBA sa opportunity na ibinigay n’ya na maka-attend ako. Nagtanong siya kasi sa FB na ways to save for your future na pinatulan ko talaga. Una kasi ay ‘yon naman talaga ang interes ko at ‘yong catch ay ticket na maka-attend sa conference na ang mga magsasalita ay sila business & motivational speaker Jayson Lo, wealth coach Chinkee Tan at ang pina-follow ko sa blog na si life & personal coach Randell Tiongson (RFP) na siyang head speaker.
Where money matters
Puwedeng hindi lahat ay interesado sa Personal Finance at sa mga ganitong klase ng conference. In fact may katabi akong ale na medyo inaantok ng una pero maya-maya ay nagno-notetaking na
Sa event, hindi ka aantukin o mabo-bore dahil hindi lamang interesting ang topic kundi magagaling sa explanation and practical jokes ang mga speaker. You know that they practice what they preach and they associate wealth sa discipline, mind-set, skills, etc. Hindi lamang ito pera-perang usapan because in a way, they also teach how to develop your personality and how to be appreciative in God’s blessings. In between pa nga ay they share bible verses- mga wisdom na mag-i-inspire sa ‘yo to be prudent and positive thinker in life.
Ang masaya pa sa event ay mga libre siempre like kape from Coffee Bean (hindi po ako nag-try kasi haba lagi ng pila), photo souvenir, copies of reading materials (View Magazine, Business Mirror, Philippine Daily Inquirer and ang lagi kong inaabangang Money Sense magazine). Hindi nga lang ako nakapagpa-picture sa favorite blogger ko sa finance na si Fitz Villafuerte.
Mayroon din silang free financial consultation mula sa Registered Financial Planners (RFP) Philippines at help desk mula sa Banco de Oro (BDO) na major sponsor ng event. By the way, ipinaliwanag din ni Madam Ma. Lourdes T. De Vera, BDO Unibank Inc.’s Senior Vice President-Trust and Investment group, ang tungkol sa Unit Investment Trust Funds (UITF) at ang Easy Investment Plan (EIP) ng kanilang company. Nakakaengganyo ito dahil sa halagang 1000 pesos every month (or sa trip mong frequency) ay automatic puwede kang mag-save at mag-invest.
The Steps:
Narito ang outline / program ng Steps To Financial Peace conference na dapat abangan din sa May 26 sa Parklane Hotel Cebu at sa June 2 sa somewhere sa Davao.
Step 1. Increase Your Cash Flow
Step 2. Create Emergency Funds
Money Mindset by Chinkee Tan (superb ‘to)
Step 3. Get Out of Debt by Jason Lo (very inspiring speaker & author of YOUnique)
Step 4. Ensure Proper Protection
Step 5. Build Long term Savings
BDO on Investments by Ma. Lourdes T. De Vera
Step 6. Preserve Your Estate & Others.
(abangan sa mga susunod ang iba ko pang natutuhan sa conference na ‘to. )
Pingback: Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang? | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Who Else Wants to Learn Money Management?
Pingback: Entrepreneurship: Choosing a Business Partner
Pingback: Ano bang problema mo ngayon? | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: How to get out of debt? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Boost Your Finances, Diversify Your Income Sources | aspectos de hitokiriHOSHI
hoshi pag yaman mo wag mo akong kalimutan ah! 😀
hahaha oo naman, basta ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagbaba-blog at pamimigay ng notebook! mabuhay!
sino yun ale katabi mong antukin?
cute ba sya?
naku kasing edad mo ata siya. hehehe
bata pa!
ano number nya?
just dial 8-p-t-w-s-edad-C-rafter.
hohohoh!
inggit ako sau kasi nakakaattend ka ng mga ganitong events.. pwede po ba sumama sau pag anjan na ako sa Pinas? 🙂
Nyek marami kang mapupuntahan na ganito kung gugustuhin mo. ako hindi ako makakapunta sa mga nararating mo kahit gustuhin ko. hehehe!
pero i encourage you na um-attend ng ganitong mga seminar para ma-uplift yung knowledge mo sa personal finance and at the same time magkaroon ka ng positive vibes sa future mo. mabuhay!