How to get out of debt?


jayson lo more than enoughTo be honest, naloka ako noong unang i-announce  sa Steps to Financial Peace conference ang title ng talk ni businessman and pastor Jayson Lo . Dinig ko kasi ay Get Out of Death, naisip ko pa nga baka may kinalaman sa memorial plan,  pero nung tiningnan ko ang program guide ay Get Out of Debt pala. Hehehe!

“The rich rule over the poor, and the borrower is servant to the lender.”

(Proverbs 22:7)

Hindi naman sa pang-aano, I can say na hindi ako alipin ng utang.  Nabayaran ko na rin iyong ni-loan ko sa PAG-IBIG at SSS para pampaayos kaagad ng bubong namin at saka maganda raw na umuutang ka sa mga ito  dahil sa…(iba’t ibang intriguing reasons).  I guess sa mga pinagdaanan ko sa buhay at ng pamilya ko, nagkaroon na ako ng paradigm sa utang at credit card at naiintindihan ko ang mautangan at umutang.

Ayon kay Mr. Lo, ilan sa nangungunang dahilan ng pagkakabaon sa utang ay lavish lifestyle at wrong use of credit card. Ika nga raw…

“Credit card is what you use today to buy what you cannot afford tomorrow while you’re still paying for yesterday.”

Siguro  iyong ibang may credit card ay kini-claim na nilang pera nila iyong laman noon na kanila at naalala lang na hindi kapag bayaran na. Pero may mga kakilala ako na nagki-credit card na okay naman. Siguro basta on time ang pagbayad at may ibabayad, walang problema.

Sang-ayon din ako sa sinabi ni Mr. Lo na hindi lamang iisang tao ang apektado ‘pag may utang. Puwedeng madamay monetarily, emotionally and psychologically ang mga taong nasa paligid ng loaner. Sinabi nga n’ya na sa Japan ay mayroong three generation mortgage. Ibig sabihin dahil sa utang na hindi mabayad-mabayaran ay umi-extend hangang sa susunod na generation ng isang tao ang pagbabayad nito. Saklap ‘di ba?!

jayson lo financial fact Subalit may masaklap pa bukod d’yan at ito ay masingil ka sa utang ng iba dahil ikaw ang guarantor o dahil involve ka sa cosigning.  Maging maingat dito at imbes na magpautang ay magbigay na lang daw. Iyong kaya ng iyong bulsa at taos sa iyong puso.

So here are the suggestions of Mr. Jayson Lo to get out of debt:

Patalastas

  1. Decide to get out
  2. Use the snowball effect – bayaran ang pinakamababa hanggang sa pinakamalaki
  3. Be faithful in paying your debts
  4. Be angry with debt.

Are you planning to loan  para magkabahay ka na? Check which is better between Pag-Ibig and Bank Loan with Pawnhero’s Infographic.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “How to get out of debt?

  • haring ibon

    sakit sa ulo talaga yang utang… lalo na credit cards. kaya mula ng makaahon ako sa credit cards… cancelled na lahat. more than 3 yrs na ko wala nyan. magaan at simple ang buhay. di ka ma tempt mag window shopping lalo na kung alang laman ang wallet hehehehe… 😉

    • Hitokirihoshi Post author

      naku yan ang ikinakatakot ko kaya kahit nakatanggap ako ng 2 credit card dati hindi ko ginamit. mahirap ma-addict o makasanayan. Paggamit pa lang ng ATM ay kinakabahan na ako.

      salamat sa pagbisita at welcome sa Hoshilandia!

  • theignoredgenius

    astig ng naattendan mo na seminar ah. kainggit naman Hoshi.

    may nabasa rin ako sa book ni Suze Orman tungkol sa pagbabayad ng utang. Nabanggit din dun yung ilan sa mga nabanggit na tips sa taas. suggest ko sa yo yung 9 steps to financial freedom. dami niyang binigay na techniques dun, pero ang pinakatumatak sa kin yung first step. Yung pagrespeto sa pera. 🙂

    by the way, inadd kita sa blog list ko ha 😉

    – Rogie

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat Rogie a.k.a theignoredgenius, pa-add na rin nung isa kong blog (lubos-lubusin na ang request) hehehe!

      oo thankful ako na naka-attend ako sa seminar na yun at libre pa, daming benefits kaya super share dito ng mga ibang lessons. naku curious ako sa meaning ng pagrespeto sa pera. pa-explain naman o, please!

      add din kita rito, salamat and mabuhay!

      • theignoredgenius

        sige, ishare ko siya minsan. sinimulan ko na pala dun sa blog ko na isa. yung “layman investment” blog ko, hehehe.

        yung isa sa binanggit ni Suze Orman na sinunod ko na e yung pagaayos nung pera sa mga lalagyan, like sa wallet. ako kasi dati, gulo gulo eh, lukot lukot na basta maibulsa ko yung mga kaperahan ko, lols (marami kasi tigbebente, hehehe). ngayon, organized na yung wallet ko kahit papano. magkakatabi ang magkakaparehong bills lagi and nakatulong din yun sa kin para maging masinop ako sa paggastos. psychological siguro yung effect. kung gulo gulo kasi, parang ang daling dumukot at gumastos na lang. 🙂

        sige, add ko rin po yung isa mong blog. Thank you! 🙂

        -Rogie

        • Hitokirihoshi Post author

          salamat Rogie. mabisita rin yang isa mo pang blog at tiyak na marami akong makukuhang lesson dyan.

          hmmmm medyo nasusunod ko yan pero hindi madalas. ginagawa ko lang yan sa isa kong wallet na kung saan ko natatabi yung mga ipon ko. pero yung ginagamit ko talaga, sabog-sabog talaga. magawan na nga ng paraan na maayos.

          salamat sa pagsagot sa aking tanong! mabuhay!