All about the Art Attack of Scrapbooking

I have two pending scrapbook projects, pending because of the art materials I needed.  However, after attending Scrap n Tell organized by Mr. Jeman Villanueva together with  Filstar Distributors Corporation Hallmark, All About Scrapbooking, and Art Attack), I think I can start now.

Art Attack

First time kong uma-attend ng workshop na gaya nito at nagulat ako nung mag-start na mag-demonstrate si Mr. Leone Salvador of Art Attack  ng paano gumawa ng pencil mug.  Apart sa  iniisip ko na scrapbooking lang ang gagawin namin, mahina talaga ako sa instant turuan.

Anyway, tinapos ko naman. Iyon nga lang, habang ‘yong iba nasa kalahati na noong next art project, ako nagkakabit pa lang ng holder. Ganun katinding kabagalan pero kasi from challenge ay in-enjoy ko na lang nung huli. Hindi ko na rin ginawa ‘yong isa kasi sobrang huling-huli na ako.  Nakakapanghinayang lang sa part nila dahil hindi nila nasilayan itong obra ko. Nyahaha joke!  Sa next post, share ko kung paano nagawa ‘yon.

All About Scrapbooking

Sasang-ayunan ko ang sinabi ni Carmel Carpio, Marketing Manager of Filstar, na iba pa rin ‘yong naka-print ‘yong mga pictures then  inalagaan at nilagyan pa ng decoration. Kahit na nga ba may social networks at gadgets kung saan sini-save ang mga ito, puwede pa rin sila ma-corrupt, ma-virus o ma-delete forever. Sayang naman ang precious moment ‘di ba?

Ako kaya ako nag-i-scrapbook kasi daming benefits kahit pa sabihin mang magastos.

 

  1. What’s the use of your photography? Para saan ang na-capture na view kung itatambak lang sa sa iyong gadgets. Hindi ba dapat maging proud ka sa journey mo with your love ones o sa achievement mo sa art.  Naks!
  2. Non-locomotor and offline exercise.  Sa dami ng puwedeng gawin online, parang nai-imagine  ng iba na nandoon lang ang kanilang buhay, lalo na ‘yong mga gaya ko na into  extreme sports na movie marathon at blogging.  Pero hindi naman lagi na lang nasa harapan ka ng PC at TV o mabuhay ka sa virtual world.  Isa kang realidad, galaw-galaw at paganahin ang gift mo.
  3. Scrapbooking is Me Time

the unfulfilled project

 

Scrap N Tell

Nagpapasalamat ako ulit sa mga taong nasa likod ng event/workshop na ito dahil  naka-meet ako ng mga taong mahilig sa art, na-expose ako hindi lang sa iba’t ibang design and art materials for scrapbooking kundi  sa iba pa talagang crafts,  at sa mga naiuwi kong gift art materials.  Yehey, nanalo ako ulit sa raffle!

For all of you na mahilig din sa art at gustong maging part ng kanilang mga activities please visit and add their facebook account –All About Scrapbooking. Marami silang event and contest na puwedeng salihan ilan na dyan ang  Disney Art Attack Craze (July 14 @ Robinsons Galleria Atrium), Ready, Set, Scrap! (July 8 @SM City Davao) at Ready, Set, Scrap Baby! (July 29 @ Sta.Lucia Mall).

 

raffle prize

officers of Filstar Distributor Corp.

the invitation

28 comments for “All about the Art Attack of Scrapbooking

  1. July 3, 2012 at 8:23 am

    pag scrapbooking ang pinag-uusapan, naaalalako yung isa kong malapit na kaibigan sa trabaho. nung pinadala kami sa singapore, may tindahan na para talaga sa scrapbooking at nag-enroll din siya sa scrapbooking class nila. sinama nya ako dun ng ilang beses. okay naman. ako, hindi kasi ako marunong humawak ng gunting kaya tingin ko, di ako matututo dito. haha! :D

    • July 3, 2012 at 10:29 pm

      baka naman ibang paghawak at klase ng gunting ang bagay sa iyo, ahihihihi! joke lamang friend.

      hmmm kanya-kanya talaga ng trip yan. may mga bagay talaga na gusto mo sa mata pero hindi kayang gawin ng iyong mga kamay. maraming beses na ganito ako, sa totoo lang.

      pero never the less, importante naa-appreciate natin ang art

  2. July 3, 2012 at 3:51 pm

    ikaw na, hoshi… kakarami mong ina-attend-an, ahaha. ms. extracurriculars kaya ang itawag ko sa ‘yo, as in. but from your story, it sounds fun… kanya-kanya rin ngang hilig, magbutinting at magpakasining, sinabi pa… ;)

  3. July 3, 2012 at 10:34 pm

    hahaha medyo nasusuwerte lang ako na makakakita ng opportunity na maka-attend sa mga ito, karamihan ay libre naman so go. pamasahe lang talaga at oras. pag nagkataon na hindi talaga puwede kahit gsuto ko, wa na.

    saka iba rin kasi yung feeling ko kapag may natutuhan ako at naisi-share sa iba. pansin mo sobrang ramdom yung mga topics at klase ng events. pero lahat ng ito ay interes ko. hindi ko rin pipilin kahit libre o may goodies kung di ko talaga trip. ayun

  4. July 4, 2012 at 3:34 pm

    ang gaganda naman! sana rin natuto ako mag ganyan… kaya lang wala akong ka-art-art sa katawan eh…

    • July 4, 2012 at 7:12 pm

      naku ako rin ganyan din ang tingin ko dati. nilalakasan ko na lang loob ko. hehehehe

      the greatest asset ngayon ay lakasan ng loob. hohohoh

      mabuhay!

      • PM
        July 5, 2012 at 9:16 am

        i love your answer hoshi, so true! i was into scrap booking in college din, kaso napabayaan ko na. hindi ako magaling gumawa ng stuff pero i can arrange things kaya medyo nakakalusot ako sa scrap booking :D

        • July 5, 2012 at 9:39 am

          Salamat sa iyo PM. sila na ang magaling at mahusay, pero tayo ang abilidad. bibihira lang mayroon nyan at mas marami ang kayang gawin.

          oha-oha! (lakasan na naman ng loob ang sagot.hehehe!)

          • PM
            July 5, 2012 at 11:21 am

            buti na lang art is relative :lol: btw hoshi, i checked my spam folder, yung comments mo before dun napupunta, ack! i don’t know why, buti nakita ko at nafish out.

            • July 8, 2012 at 9:43 pm

              sa pagkakaalam ko, puwedeng dahil iyon sa may nakasabay akong nag-comment o nag-post ng comment sa site mo. as in same time. at ibig sabihin din nun, marami ang nagko-comment sa iyo. hehehe

              mabuhay! pero mabuti natatanggal mo sa spam kasi pag hindi dun lang lagi yung mga comments ko. huhuhuhuh

              • PM
                July 9, 2012 at 7:44 am

                ganun ba? sobrang dalas naman ng sayo parang lima yata yung nakuha ko! good morning hoshi :) have a great week!

              • July 10, 2012 at 6:47 pm

                ay loko yang wordpress a. pero ganun ang pagkakaalam ko e. baka isa lang yun sa maraming reasons. huhuhhu! na-spam ako-na-spam.

  5. Tim
    July 7, 2012 at 2:05 pm

    Mukhang kinakarir mo ang pananalo sa raffle ah! Congrats! Anyway, wala naman ang kahit anong arts and craft sa bilis ng paggawa – unless siguro ibebenta mo – nasa enjoyment mo in ‘working with your hands’, ika nga. Saka kung matibay at pulido naman ang kalalabasan ng trabaho mo, mas maganda na yun ng ‘di hamak sa kung mabilis mo ngang natapos pero flimsy naman.

    • July 8, 2012 at 9:44 pm

      yan naman ang gusto ko e, yang mga moral support na ganyan. salamat!

      nagkakataon lang na sunod-sunod yung mga ganitong event. malay mo susunod naman ay about at puro music. ayeyeyeyeye

  6. Tim
    July 7, 2012 at 2:05 pm

    On a side note, naisip ko rin na magandang paksa yan sa PG. Hmmm…

  7. July 7, 2012 at 8:37 pm

    parang kyut (medyo lang, ha) yun tsiks na may hawak ng mikropono
    hehe

    • July 8, 2012 at 9:50 pm

      oo maganda siya in person at intelihente pa. hehehe

      • July 29, 2012 at 2:25 pm

        parang sinasabi mo naman di kami bagay
        hmp

        • July 29, 2012 at 8:40 pm

          bat pangit ka ba sa personal? kasi sa picture…ganun e.

          hahaha! joke!

          wala naman ako sinasabi a.

  8. len
    July 25, 2012 at 5:50 pm

    I’m so proud of you! Talagang kina-career mo na ang arts at crafts. Nananalo pa! :)

  9. rhodz
    August 27, 2012 at 1:40 pm

    nice.,!

  10. ravell kendall estonanto
    September 9, 2012 at 12:23 pm

    marami akong natutunan hahahahahhaha

    • September 9, 2012 at 5:54 pm

      Hi ravell and welcome sa Hoshilandia!

      Ikinagagalak ko ang malaman yan. I hope ma-enjoy mo rin ang mag-scrapbook.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Protected by WP Anti Spam