May mga panahon na palagi akong nagagawi sa campus ng University of the Philippines at sa halos lahat ng pagkakataon, may nag-iimbita sa akin na pasyalan namin ang Isawan (barbecue) ni Mang Larry. What’s with his isaw ba?
Una sa lahat, kung sosyal ka, sanay na may uupuan ka at magtatanong sa iyo kung anong order mo- puwes- ito na nga ang bagay sa iyong lugar. Naiiba ang ambiance ng Isawan ni Mang Larry (I’M L) para sa iyo dahil buong kalangitan ng parte na ‘yon ng UP ang bubong mo. Pipila ka para mag-order at hihintayin mong tawagin ang malamyos mong pangalan ng crew.
Ngayon kung ikaw rin ang tipo na nag-aantay na babatiin ka ng may-ari , puwes, hindi ganyan ang CEO nito na mismong si Mang Larry na siguro. Baka hindi ka n’ya ngitian or kausapin ka n’ya ng casual pero ‘yon ang character. Brusko lang dapat kasi nga Isawan e. hehehe! Hindi puwede ang lalambot-lambot.
Once na matanggap mo na ang nakapakete mong isaw o kung ano ang barbecue products, maaari ka ng pumunta sa vinegar dispensers. Pili ka na lang sa “E 2 po ang MATAMIS” o “E 2 po ang Suka” para sa iyong sawsawan na puwede mo na ring pansabaw.
HIndi ako mahilig magkakain ngayon ng barbecue pero marami rin akong na-order noon na isaw or chicken or pig intestine. Nakalimutan ko na ‘yong ibang na-order ko pero halos lahat naman ata nasubukan ng mga kasama ko like adidas (chicken feet), walkman (pig ears) a t betamax (pork blood cubes).
At hindi ko na rin sasabihin kung masarap kasi sa kasikatan at dami ng tao na dumadayo rito ay patunay na kung anong mayroon. Kung presyo naman ang usapan, para sa akin tapat lang. Hindi ko na nga binilang kasi kung mahal bilang na bilang ko ang nakain ko.
Nasaan ang Isawan ni Mang Larry? Nasa Loob ng UP..bandang likod-likod ng UP College of Law Malcolm Hall at tabi-tabi ng Parish of the Holy Sacrifice at U.P. Shopping Center.
i-date mo ako dyan
kain tayo betamax
sige ba dala ka ng garapon, para makapag-take out ng sawsawan. hohoho
Di ko pa ito nata-try pero dahil dito na-miss ko ang isawan sa may office natin.
ako rin e, kung kailan puwede na ako makakain kahit papano saka nawala. hohoho!
Kakakain ko lang dyan nung Friday. Hehehe. Kasama rin ang ambiance sa appeal nung lugar, pero masarap naman yung mga tinda nya, saka mura. Malinis din – at iyon ang pinakaimportante. Kasi yung mga vendors sa UP, kailangan na pumapasa sa health inspection bago makapagtinda, kahit fishballs lang o isaw ang binebenta. Yun ang wala sa ibang mga nagtitinda ng isaw at barbeque sa tabi-tabi.
May isa pa akong nami-miss na street food stall sa UP, sa tabi naman sya ng AS (Palma Hall). Dun mabait yung may-ari, at palagi kang babatiin. May “thank you” pa kada bili mo. Fish balls, squid balls, at half-long (kalahating footlong) na may coleslaw naman ang karaniwang kinakain ko doon.
aba good news yan a and more power sa UP sa ganyan. kasi ako kahit sarap na sarap ako sa pagkain ng mga ganyan may takot din ako kasi mahina ang tyan ko.
tingan ko kung madaanan ko yang sinasabi mo sa Palma Hall.
Totoong award winning ang isaw ni Mang Larry. Napakaraming followers ng kanyang malupet na isawan. At tinakam din ako.hahaha.
At award winning din ang iyong blog kaya tanggapin mo po itong award mula sa akin. hehehe –> http://theignoredgenius.blogspot.com/2012/07/versatile-blogger-award-salamat-po.html
Award winning talaga ang isawan ni Mang Larry. hehehe. antagal ko na palang di nakakakain ng isaw. Bukas, mag-iisaw ako. hehehehe.
And dahil award winning din ang blog mo, eto ang link para tanggapin mo ang award ko para sa yo 😀
http://theignoredgenius.blogspot.com/2012/07/versatile-blogger-award-salamat-po.html
Salamat sa iyo theignoredgenius! mabuhay!
alam ko ‘to, hoshi… bibihira akong tumambay dyaan – matao usually at mausok, whehehe.^^
pero bongga ang feature mo, full feature, as in… 😉
full feature ba? hehehe
salamat! biruin mo nakalimutan ko pang kunan yung mga kinain namin. bilis kasi naming ubusin. hohohoh
bigla akong naglaway sa post mo. sarap! 😀
naku wala pa ako kuha nyan ng isaw talaga ha. hehehe
sarap bisitahin mo siya pagdating mo.
pwede magpasama sau kung sakali? di kasi ako taga-UP. my treat! 😛
sure, sabihan mo lang ako.
*binangggit mo ang magic word e, “my treat!”
Pingback: Mang Larry’s Barbecue « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI