Kung mayroong mga Youtube sensation and campaigns like It’s More Fun in the Philippines, ay mayroon din naman na mga sumisikat because of cyberbullying.
Sa Social Good Summit ay napag-usapan ito at ang pinakamagandang mag-discuss nito ay si Chris Lao. Ang lalaking sumikat dahil sa kanyang statement na “I wasn’t informed” nang ma-interview s’ya ng isang TV reporter dahil nabaha ang kanyang sasakyan.
It’s easy to praise and it’s easy to criticize
Sa totoo lang napakadali nga magpahayag ng opinyon ngayon. Sa isang post ay kakalat na ito sa pagbabasa, pag-share sa iba’t ibang social media gaya ng Facebook at pag-retweet sa Twitter.
Actually, medyo understandable pa ‘yong magbigay ka ng opinion sa isang taong kilala mo. Ang bad ay ang magbigay ka ng comment at sumuporta sa bullying nang hindi inaalam ang isyu at katotohanan dito.
Naalala ko nung panahon nung Hebigat Habagat, may nakita ako na picture nang nakawalang buwaya umano sa bandang Batasan at tulong-tulong na binuhat ng mga lalaki. Nasa midst ako noon nung paghahanap ng info at pagsi-share sa iba, nai-share ko tuloy ito dahil nakuha ko ang picture/link sa isang nirerespeto kong grupo online. Itinama ako ng isa kong fellow blogger na hindi ito totoo. Pansinin ko raw ang mga karatula sa likod. Oo nga naman, parang sa wikang Thai ang mga characters. Buwiset lang.
Mayroon din na nag-post nang masalimuot na picture ng mga tao sa isang sirang tulay. Nang lintik, ang picture pa lang iyon ay kuha pa nung bagyong Ondoy. Ganoon na lang madaling manloko at maloko sa simpleng pag -share.
The Pain of Cyberbullying
Good thing hindi ako nagaganito at sana forever (bait naman ako online ‘di ba).Pero kung ako ang magaganito baka isumpa ko na ang Internet at maghurimentado ako sa mga posibleng tao na maiisip kong may pakana. Pero alam din natin na ang lahat ay hindi maso-solve sa pisikalan, naroon na ‘yong sakit, pagkapahiya, pagbaba ng kumpiyansa, hapdi at poot na matagal mapawi (lalim!).
Sa mismong experience ni Lao, nang mabasa umano niya ang mg negative comments sa kanya ay napaiyak na lamang siya at ilang araw din na halos hindi makakain. Like the power of love na ang hirap paglabanan, ganoon din ‘yong lungkot at poot, ang dami mong magagawa imposible na let’s say suicide.
Bullycide
May mga nababasa na akong news ng mga nagsu-suicide sa billboard, riles ng tren, at sa mall pero first time ko na ma-encounter ang term na bullicide.
Base na nga rin sa pinagsamang termino, ang bullicide ay pagpapatiwakal dahil sa pangbu-bully. Malamang may ibang naunang kaso na ito bago pa ang pagpasok ng Internet pero tila mas napapadalas dahil na rin sa ang daling gumawa ng kwento at paniniwala sa online tungkol sa isang taong pagti-tripan.
Ilan nga sa ibinigay na halimbawa ni Lao ay sina Ryan Halligan (13 years old) na pinagtulungang siraan dahil sa di umano’y bakla ito at si Megan Meier (13 years old) naman na may attention deficit disorder ay napagkatuwaan sa isang social network na kinaibigan at saka inaway.
Hindi ko pa lubos na nababasa at naaanalisa ang cybercrime law kaya hindi ko masabi kung pro or kontra ako. Ang masaklap din kasi talagang in reality may mga taong sanay na sanay na magkomento ng hindi maganda at manira ng kapwa. Okay lang naman na hindi pagsang-ayon pero be careful with your words.
Fools mock at making amends for sin, but goodwill is found among the upright.
Proverbs 14:19
narito ang mga videos ng talk ni Chris Lao sa Social Good Summit
Pingback: Essay: Why is it important to see the value in all people? – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: My 10 Blog Events in 2012 « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
ang bully hinahamon ng suntukan
halika
square tayo sa kanto
hehe
kahit i-square root mo pa ‘yan.
ako pa hinamon mo Dencio “Cornetto NoyNoy” Recto!
hehehe
thank you po ate for this award. nagawa ko na ito sa aking isang blog so instead of tagging ay magpapasalamat na lang po ako sa inyo ng bongga.
Maraming Salamat po!
very timely post!
I think Chris Lao handled the “incident” as smart as he can. I really admire him especially the way he answered the questions after he passed the bar exam. I remember one famous blogger tweeted something about his passing the bar and he replied something like “yes in spite of the circumstances”, and he was humble ha.
I’m not done watching Chris Lao’s video/talk I’ll be back to watch it. I’m just busy spreading the word about this and you’re here:
http://www.theluckyblog.info/2012/10/versatile-blogger-award.html
maganda ang post mo na ito.. hindi rin ako pabor sa kahit anong uri ng bullying… minsan kasi nagiging emotional tayo at hindi rational… kailangan muna nating isipin ang mga gagawin at sasabihin ng sa gayon ay hindi tayo makapanakit ng iba.. saka magandnag i-share ang positive energy.. wag ng negative.. nakaka stress.. ehehehehe.. love love to all!!!
salamat sa iyo potsquared and i like your sentiment. love love love to all na lang talang hindi puro nega.
hello, hoshi girl… magaan at fair ang pagtalakay mo nito, kapatid. ang sipag mo talagang um-attend ng symposia, workshop atbp. ikaw na… hope you are well :)have a good weekend, dear
salamat sa iyo sa saliw ng awit! sa iyo rin, happy weekend!
agree ako sau. kaya ako, dun lang ako nagcocomment sa bahaging tingin ko ay may alam ako.
gaya ng cybercrime law. aminado ako na hindi ko pa alam ang ibat ibang aspeto neto. pero hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit mas naging grabe ang parusa ng online libel kesa sa written one. halos lahat ng bansa ay nagkakaisang idecriminalize ang libel. meaning magiging civil case na lang siya at wala ng criminal aspect. tapos eto ngayon ang sagot ng lehislatura natin? it is really a step backward. ngayong uminit na ang isyu, saka sasabihin ng mga nagpasa na aamyendahan nila para matanggal ang criminal aspect ng libel? e di nahuli sila. it is plain stupidity if i may say. bow!
yeah correct tayo dyan. ang pagko-comment ng tama ay manifestation ng level ng iyong maturity.
very good comment Apollo. May i add also na nakakawalang gana na bomoto kasi ang nanalo ay base popularity at hindi sa kakayahang gumawa, magpatupad at sumunod sa batas.
Hanga nga ako dito kay Christopher Lao. After ng mga nangyari, ginawa niyang positibo ang lahat. Ngayon abogado na siya. At eto, nagbibigay ng talk sa mga tao tungkol sa naranasan niya.
Pangit talaga ang bullying kaya nga in a way, pabor ako sa cybercrime law. Yun lang, dapat mas maging detailed pa lalo yung batas para maiwasan ang abuso. At isa pa, dapat siguro ibaba na rin ang libel from criminal to civil law.
At yung mga examples mo na iba, yun nga yung sinasabi siguro ngayon na think before you click. Pero may version ako niyan, mas maganda. Basa muna bago ngawa.hehehehe.
Oo ang hirap din nung pinagdaanan niya. I mean siguro nagkamali nga siya or nagmukha talagang siyang arogante dun sa interview pero kasi yung klase at tagal nung mga bad comments sa kanya sobrang nakakawindang talaga. parang below human level na talaga.
bagaman hindi ko pa nababasa ang cybercrime law, i think siguro may mabuti naman itong idudulot. ang isa ko lang kasi nakikita questionable dyan ay kung bakit ngayon naisulong kung kailan may isang senador ang natira. bakit hindi pa noong mga ordinaryong tao ang nabiktima kagaya ni chris lao.
ayos yang version mo! dagdag ko na rin na sa pagbabasa, isipin mo yung totoong stand mo. huwag kang sumali kasi dahil in lang. malamang bago tayo nakapag-comment napagsabihan na ng kaibigan o pamilya nung tao ang pagkakamali niya. sino ba tayo para mag-judge ng isang tao na ni hindi natin alam ang background. parang lahat tayo ni minsan hindi nawala sa sarili porket nahuli na sa kamera puwede na i-bully?
Oo nga madam hoshi. nagiging mob rule na ang nangyayari. e pag ganito, di na tayo nalalayo dun sa gumawa ng masama. pare pareho na lang.
nga pala, i linked to this specific post of yours dun sa huling blogpost ko. 🙂
korek!
maraming Salamat Rogie! Mabuhay ka!
ayun, naipublish ko na. kanina di ko pa napublish yung post. hehehehe. Thanks madam hoshi. 🙂