7 things I enjoy in Puerto Princesa


Adventures ang trip ko sa Puerto Princesa Palawan na kung saan ang dami kong first time gaya ng pagsakay sa airplane, mag-peso fare, sumama sa ibang set of friends at  gumawa ng mga physical activities na sumubok sa aking endurance.

Okay tama na ang satsat ito na:

Snorkeling

Hindi ako magaling mag-swimming at sawsawan ko lang ang asin kaya hindi ako gaanong nagtatampisaw sa dagat.  Pero nakuha kong i-imagine at in fairness, i-actualize ang idea na mag-snorkeling.  Kahit  inuhog at sininat ako pagkatapos ng snorkeling na ‘yan ay hindi ko pagsisihan at i-endorse ko pa.

snorkelling in Honda Bay, Palawan
with Jhovs and Regi
Coral at Honda Bay Palawan
Coral sa Honda Bay Puwerto Princesa

 

Bakit?  The experience was so fantastic, hindi ka lumalangoy pero nakakasisid ka  sa tulong ng mga gears at guide. Tapos mamamalas mo ‘yong amazing view sa ilalim ng dagat apart sa nakukuhaan din ng kamera mo (bumili ng matibay na waterproof bag). Buhay na buhay ang coral reef, mababait ang mga isdang lumalangoy (kumpleto naman ang katawan namin nung umaahon kami), tapos mayroong pang ibang makikita na maganda na hindi ko na ma-elaborate kasi hindi ko naman alam ang term (hohoho). Basta superb ang biodiversity there sa Pambato Reef sa Honday Bay.

Spelunking

Nagustuhan ko ang ginawa naming trekking sa aming Baler Trip kaya naman hindi ako nagtaka sa sarili ko (pagtakhan ang sarili- take note) na i-try ang caving or spelunking sa Ugong Rock Adventures (Brgy. Tagabinet). Medyo delikado rin ang pakikipagsapalaran sa loob kahit may mga guides na hihila sa iyo sa  makakapal na lubid at aalalay sa pagtawid mo pataas sa matatarik na bato. Bilib din ako sa mga caveman before, walang harness pero feeling ko may version din sila ng nag-zip line or else baging to the max sila pababa.

ate Flor
caving o spelunking sa Ugong Rock Adventures, Palawan

 

Kung ita-try n’yo ito, magsuot ng matibay na tsinelas o sapatos na magaan. Puwede na yung ginagamit siguro sa trekking at mountain climbing  parang ganoon din naman ‘yon. Saka magdala ng camera bag na safe ang inyong  towel at tubig este camera, ano pa?!

May zip-line din dito sa Ugong saka sa Mitra’s Ranch pero hindi ko sinubukan, takot ako e.

Ugong Rock zipline, puerto princesa palawan


Underground River

Mawawala ba sa listahan ang isa sa 7 New Wonders of Nature?  Kung pumunta ka ng Palawan at hindi mo ito sinilip, ay naku talaga!? Lahat ng foreigners na nakausap ko in their national languages ay talagang itong UR ang puntiryang puntahan. Hindi naman dahil sa uso lang kaya dapat puntahan, mayroon sa loob nito na magandang ma-experience mo ng mukhaan apart sa ihi ng mga bats.

Patalastas

Magnificent yung realization na ang kuwebang ito na na-discover ng mga katutubo at syentipiko ay nabuo lang naturally. Maraming formation doon ang kamang-mangha na sana lang ma-explain nang bongga ng boatman n’yo gaya sa amin.

7 New Wonders Nature Underground River

abangan

part 2 of 7 things I enjoy in Puerto Princesa

Purple Bamboo Spa

 [hana-code-insert name=’Palawan Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “7 things I enjoy in Puerto Princesa