Places to Visit in Ilocos [Laoag, Vigan and Pagudpud] Part 2 14


Sinking Bell Tower of Laoag

Marami akong kakilalang Ilocano. Karamihan sa kanila ay mahilig sa gulay, masarap pakinggan kapag nag-uusap at  mga kayumanggi pero may ilan din naman na maputi. Nitong October  2012 ay nakarating na rin ako sa wakas sa Ilocos. And take note, Norte at Sur ito dahil sa package tour sa nirerekomenda kong J2F Escapades Tours & Travel na may mabait na driver na si kuya Joel. Gaya ng nasabi ko ay biglaan lang din ang byahe na ito at puno ng pagdadalawang-isip bago nakuha ng mga friends kong sina Pao at Liz ang bittersweet like dark chocolate kong UU.

 Kudos to Laoag! 

Bago ko ituloy ang aking countdown gusto ko purihin ang city ng Laoag, Ilocos Sur. Pinagsalong ambiance ng city at province ang bayang ito lalo na’t may mga business establishments na. Hindi mo na kailangang mag-alala kung ‘di ka nakabili ng baon  at pang -emergency na gamit. Nanood pa nga kami ni Francis (bro ni Liz) ng Taken 2  for only 140 pesos each. Medyo parang Intramuros, Manila ang effect ng kanilang plaza at ang mura ng pasahe sa kanilang kalesa na Php 11 pesos lang. Ilan sa napuntahan namin dito ay La Preciosa Restaurant, labas ng Ilocos Museum (sarado  nung dumaan kami e) at Sinking Bell Tower.   Oh s’ya eto na talaga ang part 2 ng…

12 Reasons why You Should Visit Ilocos

 1-6  (click here) po!

7. Calle Crisologo

Sabi nila mas maganda ito sa gabi at sana nga ganun kaming oras nakapunta sa lugar para mas na-appreciate ko pa. Naroon pa rin naman ang pakiramdam na vintage itong kalyeng ito, kaso may ilan na ring bago at marami ang nagtitinda.

8. Paoay Church and Bantay Church (Shrine of Our Lady of Charity/ St. Augustine Parish Church)

Naka-locate ang 2  oldies  Catholic churches na ito sa magkaibang bahagi ng Ilocos.  I don’t know kung mahilig lang ako sa Visita Iglesia pero talagang makasaysayan at pang-post card ang facade ng mga ito lalo na ang bell tower ng Bantay Church na may iba’t ibang bell for any occasion  like  burial, wedding, and baptism (parang ad lang di ba?).

Bantay Church Ilocos Sur  by Hoshilandia (1)

9. Pagudpud viaduct /beach

Nakakahilo ang pagbaybay sa zigzag at sadyaing lugar na ito pero ‘di dapat padaig at palampasin (here’s the pic of Pagudpud viaduct). Ang mataas na tulay na ito ang nagdudugtong sa Ilocos at Cagayan Valley.

10. Granpa‘s Inn

Masarap dito ang Ilocos’ food na Bagnet (masarap din daw sa La Preciosa) at okay din ang ambiance. May character ang inn at resto na ito dahil na rin sa collection na gamit na naka-display  gaya ng mga musical instruments, clocks at  telephone apparatus.

 

11. Burnayan making

Ang burnayan ay version ng pottery making sa Brgy. Pagburnayan,  Vigan, Ilocos Sur. Masayang panoorin ito (si Liz Baylon the potter) at lalo na siguro kapag ikaw na ang nagpa-pottery. Ayon sa aking site na nabasa 3 na lang ang Camarin (pabrika) nito sa Vigan at ayon kay Kuya Joel ay malakas pa rin ang business na ito at nai-export pa.

12. Hidden Garden Cafe

Tago nga ang kainan na ito pero worth puntahan lalo na’t napaka native at eco -friendly ang theme nito. Ang galing ng maze, upuan, landscaping,  gardening, at kainan. Kahit ang kanilang comfort room ay ang ganda-ganda.

Ang iba pang pwedeng mapuntahan sa Laoag at Vigan ay ang Baluarte ni Chavit,  St. Williams Cathedral, Syquia Mansion, at marami pang iba. ‘Wag ding kalimutan na tikman ang kanilang cornicklongganisa, empanada at suka. Ang alam ko bawal ibyahe ang longganisa at suka o kahit ‘yong mga wine so tikman na habang nandoon ka pa.

more options?


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

14 thoughts on “Places to Visit in Ilocos [Laoag, Vigan and Pagudpud] Part 2