Sa Raon, Manila ko sinadyang bumili nang kauna-unahan kong naipundar na gamit noong mga unang taon ng pagwo-work ko, ang DVD Player. Ako na ang movie fan at dahil matipid din ako, ito ang itinuturing kong Divisoria (underground market)lalo na kung usapang low-priced at brand new na TV, radio, music instruments at iba pang appliances and electronic devices / gadgets. Eh ‘di ba, puwedeng halimbawa ng word na pundar (investment) ang mga ito kung can’t afford pang magpundar like house and lot, car or business.
What’s in Raon ba?
Matagal ko nang trip magkukuha ng photo sa mataong lugar na ito na para ngang Divisoria kaya nakakatakot din maglabas ng gadget. Dito sa Raon electronic gadgets ang specialty gaya na nga ng mga alam nating appliances. Cheaper ang price ng mgan products dito dahil hindi naman siguro mahal ang mga puwesto ng tindahan at marami kang choices at kung minsan ay makakakilala ka pa ng ibang brands.
Bukod sa aking DVD player (na ‘yong tatak ay nai-promote pa noon ni Aga Muhlach), isa pa sa hindi ko malilimutang nabili namin dito ay ang dalawang magic sing (na pino-promote naman ni Manny Pacquiao) na ang isa ay ipinadala pa ni Manang Juling sa ate ko sa New Zealand ( ganoon ang Pinoy kahit saan kailangan may kantahan). Nung time na ‘yon ay nasa Php 11, 000 to 12,000 ang magic sing sa mall pero nabili namin ang aming mga magic sing sa halagang 9,500 lamang at may mga kasama na rin ilang accessories. Ganoon kalaki ang difference at buhay pa ang aming magic sing.
Puwede kang makipag-haggle pero kung hindi ka naman makahirit sa mga tindera na nagbibigay naman ng resibo (ibig sabihin ay legal and natse-check ng DTI/SEC/BIR) ay alam mo namang mas mura na ang iyong nabili or lipat ka pa sa iba na may mas magandang presyo.
Mahaba at malaki naman ang Raon (na tagus-tagusan na sa Quiapo at Avenida) at may mga singit-singit na puwede mong galugarin. Siempre hindi rin lang buong machines o gadgets ang available sa lugar na ito. Mayroong ding mga goma, pang-hardware products, chips o spare parts . Doon nga ako bumili ng pangpot-pot namin noong Bagong Taon e.
Kung hindi pa nagbabago ay may ibang street din dito na para naman sa medical or dental supplies na puwedeng sadyain ng mga professional at students na nangangailangan ng gamit. Mayroon din street na puro optical shop at bilihan ng ilaw. Hindi ko lang saulo ang mga kalye na pinaggigitnaan ng Raon at Quiapo.
Buying tip: Suki Scheme
Gaya ng Divisoria at Baclaran ay siksik din ang mga tao sa Raon, kaya mag-ingat at huwag mag-inarte sa pamimili rito. Mabuti rin kung alam mo yung gusto mong bilhin dahil mate-tempt kang mag-iikot dahil sa dami ng iyong makikita. Katunayan, sa mismonng mga bangketa ay makakabili ka na ng mga speakers, microphones at radio.
Kung feeling mo rin na mapapadalas ka sa ganitong lugar better na tandaan mo kung kaninong store ka tiwala at nakamura. Ito ang tinatawag na suki scheme, na kung regular kang customer ay mas binibigyan ka ng value at discount.
Mabuhay at nawa’y maging wais, masipag, masining at maligaya tayo sa pamimili sa Raon!
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
anu exact address nito? gusto ko kc makapunta jan eh. Tnx sa sasagot. heres my number: 09120107728
san po nkakabili ng mga musical.instrument po??
Mayroon din, actually don kami bumili ng lyre ko na kung tama ako ay sa area medyo malapit sa overpass sa quezon boulevard. isang mahabang street lang naman halos ang raon so maiikot mo ito.
Sir meron Po kayang split type na aircon dun at LED na tv. .? Salamat Po sir as pag sagot….
Naku Sir hindi po ako nagbebenta ng ganyan sir at wala akong puwesto sa Raon. naiblog ko lang ito para ma-inform ko ang gaya ninyo na okay mamili ng appliances/ electronics sa Raon.
Salamat!
tatanong ko lang po kung meron sa raon ng lcd monetor ng tv glasses 32inc devant tanong ko na rin po kung mag kano salamat po pls
Tingin ko po ay mayroon pero di ko sure kung magkano. Maiging punta kayo roon para mas makapamili kayo kung alin mas mura.
bumibili ba kayo ng Motorola GP338 radio w/ complete accessories (2nd hand na sya pero 2 buwan lang ginamit) at mag kano presyo ninyo ditto. thank you
meron din ba nabibilhan dito ng mga car accessories like led lights for dome lights etc?
sa motor sure ako Vil. pero sa car at iba pang vehicles, better punta ka s banawe, street. quezon city. doon bumibili ang mga kuya ko 😉
Meron rin po ba na tread mill sa raon ?
Hindi ako sure kasi mas electronics sila roon at usual na appliances.
helo po,,may alam po ba kayo nagbebenta ng murang baterya,,from 65ah to 200ah,,pang solar namin gagamitin at pang benta,,ito po mga numbers namin..Tel.2127342,09569849430,09496509236,09422397890
Email :carefilipinosmpc@yahoo.com
makikita nyo sa fb ang aming mga projects
sa care coop
or care filipinos muti purpose cooperative
Magkano po malaking Bluetooth speaker 8″ pinakamurang pero maganda po Ang quality nya?
Saan recommend supplier for smart watches and other gadgets. Possibly mas mura direct from warehouses nila. Please text or call me 09167577314
Nakakatuwa at nakakatawa ang pagkakasulat mo dito! Makapunta nga ng Raon minsan. 🙂
Salamat Deanne and welcome sa Hoshilandia! Yes visit mo ang raon. Matao dun at maingay pero ok ang price at quality?
Pingback: #ecomsummit: Comprehensive Sharing of Data, Strategies About Ecommerce - aspectos de hitokiriHOSHI
naalala ko yang raon kasi jan kami bumibili ng washer bago kami pumunta sa isettan noon (http://akoaysalbahe.wordpress.com/2011/05/20/washer-gang). hehehe! marami ring nagbebenta ng porn jan.
ung medical equipments, along avenida din yun. pagitan ng tayuman at bambang station. tapat ng jose reyes hospital. 😀
happy new year!
Aba buti tinuro mo yan. alam mo kasi kailangan ko rin ata magpunta doon sa aking mga braces. ako daw ang sariling magkukumpini. hehehe
ang mga nakakaalam at nagpupunta ng raon mga wais. hehehe
Raon ang lagi naming puntahan nung college para bumili ng mga semiconductor parts. deeco, alexan at sa mga iba’t iba pang mga puedeng pagbilhan dyan sa tabi tabi ang sya naman naming puntahan.
At dati, bumili rin ako ng gamit diyan. Mga speakers naman. Ang layo pa ng dinayo ko kasama ang 3 tropa ko na napilit kong sumama para tulungan akong magbuhat. hahahaha.
oo nga, mahirap lang ang transpo nyan lalo na pag Friday, the Quiapo Day di ba?
pero sulit naman kapag talagang nakapamili ka. Nagsisi nga ako nitong mga nakaraan masyado lang ako umaasa sa nabibili sa small na medyo low quality. kung sa Raon siguro ako bumili ng speaker nakamura baka mas malakas pa siguro tunog ng speaker.