5 Simple Empowering Job Interview Tips


bottleKung mayabang ka sa resume at e-mail, magkakaalaman kung uubra ‘yan sa iyong job interview- ang toughest step to your future job. May iba kasi magaling sa written pero hindi sa verbal, mayroon din magaling sa verbal pero nawawala kapag na-tense. Ano nga bang magandang advice para sa mga new, not so fresh and lost  job hunters/ applicants?

Kung ako ang tatanungin mo, parehong ‘di ako magaling sa verbal at written interview (parang exam dapat ang term dito ah). Magaling lang ako sa lakasan ng loob, yung try wala namang mawawala. Siguro dati isa akong job hunter na pawisan, may nakahalukipkip na mamasa-masang big brown envelope sa underarm at parang bibitayin kapag turn nang ma-interview. Hindi naman sa parang expert na pero itinatak ko sa kokote ko na as a job hunter, do your best kasi minsan lang ang chance. ‘Pag sumablay ka or ‘di maganda ang interview ay ‘di ‘yon ang katapusan ng mundo. Kapag natapat ka sa masunggit na interviewer ay bangasan mo ‘di s’ya ang magpapatumba sa iyo. Isa rin lang s’yang empleyado napag-utusan. At kung s’ya man ang amo, ‘di s’ya nakikipag-usap sa iyo kung ‘di ka n’ya (baka) kailangan.

May basic pero I think wala naman talagang sure formula para maging succesful sa job interview. Parang sa Miss Universe, tama naman ang sagot, maganda naman ang kembot at wala namang tastas ang gown pero may umuuwing luhaan. What you really  can do is to do your best, be prepared, and be polite.

Disclaimer: ang mga susunod na salita, lenguwahe at pangungusap ay rated PH (pang hanap-buhay)…nino? ni Hoshi!  

 Maintain good eye contact

Sa lahat ng nabasa kong book or info sa Internet, isa ‘to sa hindi nawawala sa listahan. I think very effective naman na kapag ginawa mo, it’s like saying “I’m not afraid, common ask me! Pero isa rin itong method to catch your interviewer’s attention and reaction instantly. Kumunot ba ang noo n’ya?  Ngumuwi ang nguso? O nagkamot ng ulo? O parang hindi nakikinig sa ‘yo?

Be cautious sa iyong  gestures

A kapitbahay of mine, na sanay sa interview-han at nag-i-interview rin, ay nag-advise na dapat ay huwag mong iharang ang ‘yong bag sa iyong harapan, never kang mag-slouch ng upo, iwasan ang mga hand gestures at pagtaas-taas ng tono ng boses.  Mayroon din kasing behavioral interview o ang answer mo ay binabase sa kabuuan reaction mo from head to toe. Then ‘yang mga bag-bag daw na hindi maalis sa harapan mo ay nagma-manifest na you’re putting an invisible wall or maybe, you’re not confident at all.

Yes, it’s a psywar so play with his/her mood 

Minsan may mga interviewer who are trying to exude how high they are but noticeably they are not. Para kasing may iba na parang naglalagay na kaagad ng assumption about you. Abogado? Mayroon din na from the very start, tsina-challenge ka na. Say yes if you know, but don’t hesitate to say no kung hindi mo talaga alam o kayang sagutin. Mahirap masabihang t… kaysa masabihang walang alam. Pero all in all, depende sa kaharap mo ang takbo ng interview. Sila ang game master at ikaw na aplikante ang player

Patalastas

Don’t divulge any information unless you think it’s helpful

Better be safe sa iyong answer and always be true.  Huwag mong lokohin na kaya mo ang isang  bagay na  hindi mo naman pala alam. Kasi hindi lang sila pahihirapan mo, kundi sa sarili mo.

Iyong mga questions na  tungkol sa personal mong buhay, be selective sa kung ano lang ang dapat mong sabihin.  Lagi mong ikokonek ang saysay noon sa inaaaplayan mo sa kompanya.  Doon sa “tell me about yourself” hindi iyon mala-slumbook question. Ang totoong meaning noon ay tell me about your (experience/ education/ skills). Huwag ka na magkwento tungkol sa panood mo ng  series,  may dyowa ka na, at kung nagpa-party ka sa weekend.   Ako  I don’t even share my religion, height, weight, age, family background,  status, or if I’m also into blogging.  Unless makita ko iyong potensyal na maitutulong, hindi ko sinasabi kasi hindi naman itinatanong at I have right  to keep private information.  (#DataPrivacy)

May  akong nagkuwento sa buhay nila na mag-partner  at  pagtambay n’ya sa computer shop maghapon.  Oo totoo iyon, pero ano ang bearing noon sa inaaplayan n’yang trabaho? Alam mo na siguro kung ano ang hatol sa kanya ng job interviewee

Never  forget to browse their website, address, products/services, mission and vision

Sa ganitong way you can answer several questions such as bat kami ang pinili mo bruha ka? Utang na loob why should we hire you? Anong company kami aber? Pa’no mo ibebenta ang aming company? ah Pailalim!

Look good and feel comfortable

Dito rin kasi nanggagaling ang pag-bongga ng iyong aura sa iyong interview. Paano ka rin kasi makakapag-concentrate kung alam mong parang nakatingin s’ya sa ngipin mo kanina pa or parang may tumutusok na perdible sa loob ng damit mo. Honestly, wala akong paki kung paulit-ulit ang mga sinusuot kong damit sa magkakaibang interview basta kumportable ako sa suot ko.

Job hunters or applicants? Sulong, at ‘wag matakot!

how to save money habang nagdya-job hunting? Basahin ito!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “5 Simple Empowering Job Interview Tips

  • Zen

    Essential talaga pag may alam k tungkol sa company nila. Abay pag bigla ka tinanong at wala kang alam sa business nila, edi nganga na! hehe 😀

  • axl powerhouse

    sabi nila sa bawat paghakbang na gagawin mo dapat may tiwala ka sa sarili mo, 100 percent dapat yun syempre kagaya ng nasabi mo dapat alamin ang dapat alamin sa kompanyang papasukin mo. mahirap ang mapasubo sa isang bagay na di mo naman alam mo gamay di ba?

  • Ash

    Shocks, i remember my job hunting days. Now that I have a comfortable job, ang hirap mag decide na magresign dahil hahantong na naman ako sa ganitong experience even though may lakas ng loob nako ^_^. This post is very helpful for us players in a job hunting game 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Ash and welcome sa Hoshilandia!

      Thank you rin sa pag-appreciate sa aking post. Yes mahirap ang magka-work, mag-work, mawalan ng work at umalis ng work. Pero cycle lang din ang lahat hanggat hindi mo nahahanap kung saan ka ba talaga.

      ang important you know who you are and how to market yourself. di ba? hehehe

      Mabuhay!