11 Tourist Spots to Visit In South Korea part 3


South Korea is for people who like ancient,  folk, nature and romantic views for me. Do you know where to go when you arrive in the Land of the Morning Calm?  Here are  my suggestions:

please also visit the Part 1,

Part II ,

Part IV    of my travel journal to South Korea, and

my 7 tips

National Folk Museum of Korea

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more movie reviews and showbiz stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Nasa kabilang ibayo lang ito ng National Palace Museum.  Ang pinakamadali para matuntun ay lumabas ka sa gilid ng bayaran ng entrance fee. Pag nakalabas ka na sa gate, kumaliwa ka at dire-diretso lang hanggang sa matuntunton mo ito nang hindi tumatawid o tumitingin man lang sa kanan (hehehe).

Hyojagak

Medyo mas na-appreciate ko ito kaysa Palace siguro dahil wala naman ‘yong mga epic people there. Isa pa damang –dama ko ‘yong pagka-folk ng mga istatwa,  dampa at ang museum nito.  Dito ko pa nga mas na-feel ang makulay na kasaysayan at kultura ng South Korea. At isa  pa, FREE ang entrance dito.

Patalastas

Dolhareubang- Pantaboy Evil Spirit

Seoul Global Cultural and Tourism Center

Mhona donning Traditional Korean Costume

Trip mo bang madama kahit sa pananamit lang si Jang Geum or Queen Seonduk?  Punta na sa Seoul Global Cultural and Tourism Center na matatagpuan sa 5th floor ng M Plaza sa Myeongdong Market. Para kang nag magarang cosplay complete with pag-a-assist ng pagsusuot at area kung saan puwede kang mag-pictorial. Isa pa sa factor dito why  hindi mo dapat malampasan ay FREE lang lahat dito at mababait pa ang mga nag-a-asikaso. Kailangan mo lang magpa-appointment muna dahil sa dami rin ng may trip na gusto mo.

Myeongdong Market/ Myeongdong Cathedral

Mhona all out in Myeongdong Market

Huwag ka ng lumayo , ang Myeongdong market ay isa ring tourist spot con market ng mga beauty products. Kung alam mo ang BB Cream o CC Cream o kaya naman gusto mong sundan ang kutis ng mga Korean celebrities dito ka na mag-ikot.

 Kung hindi ako nagkakamali isa rin ito sa shooting place ng Prince Hours, He’s Beautiful/ You Are Beautiful starring Jang Geun Seuk at Park Shin Hye, at hit movie na 200 Pounds Beauty starring Ju Jin Mo at Kin Ah-jung .

Huwag mo ring palalampasin na  makarating sa Myeongdong Cathedral na tanaw lang naman sa paligid. Hindi ito malayo pero para sa detalye kung saan ito madaling matunton tanong na lang sa mga naka-red na Tourist assistants na nagkalat lang sa paligid.

Sayang at hindi naming napasok ang cathedral dahil may ikinakasal nung time na iyon pero nagkaroon naman ako makapagdasal sa likod at magsindi ng ahemmm na kandila. 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

7 thoughts on “11 Tourist Spots to Visit In South Korea part 3