Aromatic and Pleasing Taste for Coffee Lovers


I’m like other coffee lovers, even instant lang, my day is complete  basta maka-sip ng a cup of coffee. Hindi na nga lang ito antidote for antok, but  to think clearly and creatively for me. Basta may something dito na after few minutes I feel like I’m okay, ready, and fine to work -Coffee Madness?

For years,  ang coffee ko ay instant lang at nalaman ko na ang brand  na swak sa  tyan ko na may maselang sistema. Once in a while, umiinom din naman ako  ng expensive coffee if you know what I mean.  This is not to tell I can afford but rather tini-take ko ang mga ‘yon bilang reward  at paraan para makipag-socialize.  Mas smooth makipag-usap at makipag-transact sa ibang  acquaintances,  friends and work related peeps ko ang mag-meet at mag-usap sa isang coffee shop.  Better than umiinom hanggang sa malasing ‘di ba?

Figaro Coffee

Ang gusto ko sa Figaro ay naroon sila sa mga location at time na kailangan  sila ng mga coffee drinkers.  Noong minsan na bumisita ako sa 4th floor ng GMA 7  naroon sila. Doon maraming nangangarag na production crew and editors, sakto para  mga gaya nilang puyat at gustong mag-relax.  Mayroon din sila sa loob ng The Enterprise Building, Makati (level 3 near tower 2) at hanggang sa Saturday ang operation nila.

Bukod din sa iba’t ibang klase ng coffee ay sari -sari rin ang kanilang cakes. Iyong ibinibigay at naka-display nila sa Blogapalooza  ay nakakatakam. Parang kahit busog ka na, kukuha ka pa rin. Dagdag ko na rin yung thought na gawang Pinoy ang company na ito ng 7 magkakaibigan na coffee lovers din noong 1993. Ayos!

 for more information please visit www. figarocoffee.com – they also offer franchising.

Brown Bag Coffee

Malinis, relaxing and enticing ang presentation ng booth ng Brown Bag sa Blogapalooza.  Hindi ako fan masyado ng black coffee pero  sakto ang tama nung ipinainom nila. Matapang kasi iyon na nakakagising ng diwa at yung lasa- hindi yung tipikal na kape na  natikman ko na at amoy pa lang kinikiliti ka na.  Hindi ko narinig masyado ang explanation ni Sir Enrico Curioso ( Chief Caffeine Junkie) pero parang supplier or partner sila ng isang sikat na coffee shop . Well, sa aroma,texture, quality and  ultimately sa lasa ay hindi na nakakapataka kung maging big time ang kanilang coffee.brownbag coffee solutions

Patalastas

Iyong nauwi kong bag from them ay no. 2  (Fresh Handcrafted coffee Premium Arabica Robusta) ang dinadahan-dahan naming ikape ngayon. Sabi ng ate ko para kaming mga senator at congresswoman sa kape namin. Sosyal sa presentation (hawak namin ang coffee maker) at panalo sa  lasa. Natatakot pa nga ako nung una i-try pero okay ito sa lasa at hindi  sumakit ang tyan ko.

Parang nabuhay tuloy ang yung ini-imagine ko dati na coffee shop.

for more details please visit www.brownbagcoffee.ph

Nice Day Coffee

nice day coffee“Good morning! Kape tayo?”  Linya ko na ‘to kapag may maiimbita ako na sumalo sa akin sa pagkakape or kahit na rin sa sarili ko (habang nakatingin sa salamin). Kailangan ko rin buyuin ang sarili ko maging energetic at productive ka for the whole day.

Isa sa discovery ko sa Blogapalooza ang Nice Day Coffee kasi apart sa lasa ang highlight pa ng coffee na ito ay ang posibleng effect nito for skin whitening, slimming,  and body cleansing. Matinding pangako ito para sa isang kape pero mukhang kaya naman nilang pangatawanan.  Paano? Mayroon silang 10 in 1 coffee (good for cleansing) na may Ganoderma ( anti-cancer), Grape Seed (for good blood circulation), Goji Berry (anti aging),  Cranberry (protector  of kidney), Sylimarin (liver), Spirulina (for immune system) at Coconut Sugar ( para raw iwas diabetes). Mayroon din sila 6 in 1 ( slim down) na may L-Carnatine,  at 5 in 1 coffee  nakaka-puti raw.

kaya naman swak na swak ang kapeng ito para sa mga coffee lovers na concern din sa kanyang beauty and wellness.

for more  details please visit www.nicedaycoffee.com



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Aromatic and Pleasing Taste for Coffee Lovers

  • Rogie

    Mabuhay tayong mga coffee lovers. ganon din sa kin, di na pampagising. pampabuhay ng utak na lang na tinatamad pero hindi inaantok.

    Gusto ko rin ang Figaro dahil bukod sa locally made, e masarap naman talaga. Yung Nice Day, di ko pa nattry pero halos lahat ng instant coffee natry ko na at nai-baon ko sa office. Brownbag coffee, di ako sure kung natry ko na. Wala akong masasabing fave na coffee basta lahat yan gusto ko rin.hehehe

    • Hitokirihoshi Post author

      masarap yung brownbag hindi ko pa lang na-search kung saan eksakto sila mabibili so check mo na lang din sa link sa itaas.

      yun din talaga ang nakaka-proud sa Figaro saka yun nga present sila when you need them.

      mabuhay kapwa coffee lover. hehehe