Movie Review: Mga Anino ng Kahapon


Life is not easy for patients with schizophrenia and people around them. If you can relate, want to learn about it or can’t imagine – you better watch Mga Anino ng Kahapon (Shadows of the Past) top billed by Agot Isidro and TJ Trinidad.   Mga Anino  is a full length  independent film that’s part of New Wave Category of 2013 Metro Manila Film Festival . It is showing in Glorietta 4 (Makati) and SM Megamall (Mandaluyong) till December 24.

mga-anino-ng-kahapon-poster1 (1)Distinguishing the real and unreal

In real life you can  be an OFW ( Overseas Filipino Worker), nurse, former military man or working mom.   Maraming  concerns na hinaharap to make your life smooth sailing. Ganito rin umikot ang buhay ng mga pangunahing tauhan sa istorya gaya ni  Irene (Agot) na isang nurse, dating OFW at  wife ni Ed (TJ).   Bukod sa kanilang anak, kasama rin nila ang  nanay (Upeng Fernandez) at kapatid ni Ed na si Brian ( Carlo Cruz).  Si Ed ay dating sundalo na pinag-aral ni Irene para mag-nurse, at ang pumalit sa kanya na mangibang bansa para mag-provide sa kanilang pamilya.

The story is typical para sa mga mag-aasawa and OFW families.  So madadama mo yung laking convenience ng technology, normal rant sa trabaho at pagmamahalan sa kabila ng distansya.  First time kong mapanood si Agot na hindi pa-tweetums (Okidoki Dok)  at  may offbeat role ( huli ko s’yang napanood sa  ( Mga Mga Mumunting Lihim with Judy Ann Santos, Janice De Belen and Iza Calzado).  Pero she evolves into a good actress.   Naipadama n’ya ang pagiging  mapagmahal na asawa, maalagang ina, maasikasong  hipag/ manugang, at schizophrenic.

Naririnig ko na ang schizoprenia pero this is the first time, na visually , malaman ko ang definition nito. Hirap din  ngang paniwalaan na may ganito ang isang tao saka aminin natin,  kahit isang guhit  ay mayroon tayong kabaliwan sa katawan.  Dagdag pa ‘yung  bahagi na ng lifestyle ngayon ang mga bagay na ‘di totoo like virtual friends/ gaming, superstition and animation.

Effective acting: Agot, TJ & Carlo

Napanood ko na ng maraming beses si TJ at nakita ko na rin s’ya in person,  pero sa film ko na ito parang na-appreciate ang acting prowess niya at kaguapuhan niya.  Gusto ko ‘yong mga eksenang naiinis s’ya though tingin pa lang niya may acting na.  Doon kasi sa mga eksenang ‘yon, mas na-explore yung pag-level up ng acting niya.  

Kay Agot, gustong-gusto ko yung moment na first time siyang dinala sa clinic ni TJ para ikunsulta sa kanyang kaibigang doktor. Yung way na nagku-kuwento s’ya saka yung galaw ng mata n’ya- sari-sari na yung emotion. Nandoon yung pagpu-pursue sa kausap niya na paniwalaan s’ya, yung pag-aalala niya sa doctor, pagtataka at pagpi-play na inosente. Saka oo nga ang weird ng situation na nurse ka then ikaw ay pasyente though understandable din dahil stressful ang profession na ito.

Maliit lang din ang casting ng movie so madaling ma-notice yung effectivity ng supporting cast (including Irene and Ed’s son Carl Acosta, Jay Gonzaga & Ku Aquino).  Sa paglalapat ng mga unreal characters gusto ko na syempre yung pinakamatinding relapse ni Irene kasi naawa na ako sa anak n’ya at sa kanya.  Though gusto-gusto ko yung pagsakay sa kanya ni… para lang pagbigyan yung trip niya.  Sa kanya ata yung  comedy side ng istorya.

Patalastas

Sa direksyon (directed by Alvin Yapan)  at screenplay, banayad lang at sakto. Maayos na naiparating ang mensahe tungkol sa schizophrenia.

Note: Thanks Melai Entuna and VYAC Productions for inviting me sa Premier Night Screening ng Mga Anino sa Glorieta 4.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Movie Review: Mga Anino ng Kahapon