Looking for thrift shops? Go to Cubao Expo 24


Partly, I’m fond of vintage or antique stuff pero dahil sa mga kagaya ng Halimaw sa Banga (hindi ko pa napapanood ‘yong Segunda Mano) ay duda akong tumangkilik.  Mas gusto ko na makapagtago ako ng luma o makatanggap ng bagay na alam ko kung kanino nanggaling. Basta ang ilan sa luma sa thrift shop con room ko (chus) ay typewriter na nabili raw bago pa ako ipinanganak, isang libro na pagmamay-ari ng isang namayapang abogado, at ang aking disc phonograph player.

Remnants

Remnants

Sa Remnants na isang thrift shop ay maraming makikitang old books, cameras at audio players like Walkman and cassette tape players.  Pero karamihan na nakita ko ay mga bote ng alak at iyon nga mga plaka. Iyong naunang nakita kong may cover ni Michael Jackson na nakatago sa ilalim ng mesa, akala ko plaka ng Dangerous, iyon pala ay LD  na sabi nung tindero. Tagal ko rin inisip kung ano iyong LD (Long Distance? Long Play> dapat LP ahhh Lengthy Disc) ayon naisip ko ring Laser Disc. Hahaha!

Medyo kailangan lang na maging maingat sa galaw dahil maraming gamit sa loob. Isa pa knowing na mga luma na ito kaya mas delicate ang skin. Hehehe. Hindi naman ako nangati pagkatapos  maghahalungkat at hindi rin ako binangungot masyado noong nauwi ko ‘yong mga napamili ko.

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

24 thoughts on “Looking for thrift shops? Go to Cubao Expo