Ang latest kong nakitang sikat na child star ay si Ryzza Mae Dizon sa My Little Bossings‘ presscon na talagang in na in sa kanyang The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga. Pero nagkaroon ako ng chance na makita rin ng personal before ang mga young actors like BJ Forbes, Sam Bumatay, Miguel Tanfelix, Robert “Buboy” Villar, Ella Guevarra, Hopia, at Nash Aguas.
BJ Forbes
Now: Dahil noon ay babad ako sa TV kaya siguro bibihira yung “ha! factor” ko sa mga child star na nagdalaga at nagbinata na. Bihira na napa Ha! talaga ako noong napanood ko si BJ sa Gabriela na binata na. Mata na lang ata n’ya ang natatandaan ko.
Before: Na-meet ko s’ya sa Kapuso Foundation noong nag-donate ‘yong company (before) namin para sa nasalanta ng bagyo noong 2008. Hindi ko alam kung s’ya ang celebrity endorser ng foundation pero good thing na rin na bumaba s’ya para i-meet kami. Ang ganda ng kutis n’ya at talagang namumungay ang mga mata.
Sam Bumatay
Now: Actually hindi ko na alam kung nasaan si Sam pero obviously ay hindi na s’ya active sa showbiz or ‘di ko s’ya masyado napagkikita.
Before: Si Sam ay produkto ng first batch ng Starstruck kids kasama sina Miguell, Bea Binene, at Ella Guevarra. Alin man sa kanila ay hindi ako nakapagpa-picture pero nakausap ko sila kahit sandali lang. Oh taray! Si Sam ‘pag nakausap mo puwede mong sabihin na baka ito na ang next na Aiza Seguerra dahil bibo talaga s’ya.
Miguell Tanfelix
Ngayon: Muli ko s’yang napanood bilang binata sa palabas na Biritera bilang batang Dennis Trillo noong 2012. Oo, guapo sila pareho pero hindi ko makuha ang point na magkahawig sila para magpanggap siya na batang Dennis.
Before: Pareho ko sila nakita ni Sam noong nagpo-promote sila ng Mulawin. Noon pa lang kung face value lang naman ang pag-uusapan puwedeng magtagal ang karera ni Miguell. Pero dumaan din ata sya sa awkward stage so nagpahinga muna sya at nagbalik na noong teenager na like Bea.
Ella Guevarra
Now: Nakita ko sya sa Ani ng Dangal at ‘di ako sure kung s’ya o may sinusuprtahan siya na recipient ng award. Pero dalagang-dalaga na si Ella at matangkad. Bagay s’yang Bida Kontrabida kung ‘di man ay makilalang character actress like Katrina Halili.
Before: Na-meet ko sya kasama ng parents niya na very supportive sa kanyang karera.
Robert “Buboy” Villar
Now: Hindi nagbabago ang role ni Buboy – parati s’yang sidekick ng bida. Pero at least hindi siya nawawala sa eksena at karamihan ng nilalabasan niyang programa ay top rated gaya ng Darna, Amaya, Dyesebel, Adarna at marami pang iba.
Before: Nakita ko s’ya ng personal sa set ng Darna. Medyo mahiyain s’ya sa personal pero approachable at magalang. Saka bilang child star napu-prove na niya kaagad iyong talent niya. In fact, aside sa pag-arte at pagbida sa Panday Kids nag-start s’ya as singer noong sumali siya sa Little Big Star kasabayan si Makisig Morales.
Hopia o Katrina Legaspi
Ngayon: Hindi ko pa siya napapanood ulit pero may mga nakita akong picture niya na slim na siya.
Noon: Sana hindi nagbago ang kanyang pagiging bubbly at cute noong na-meet ko sila sa promotion nila noon for Dayo: Sa Mundo ng Elemantalia. Yung face kasi ni Katrina kahit mataba cute alam mong may paglalagyan pa rin kahit lumaki na sya. Hindi nga ba’t siya ang child version parati ni Kris Aquino mapa-soap opera na Hiram o Going Bulilit .
Nash Aguas
Now: Mukhang isa sa gino-groom ngayon na premier teen star si Nash na may pinagbibidahan na series (Luv U) with his fellow child stars before. Hindi nawala ang kanyang pagiging attractive at hopefully ganun din ang kanyang talent.
Before: Kasi may narinig ako na direktor or someone na veteran na naglinya : Hindi naman ‘yan (comparing sa newbie) katulad ng isang Nash Aguas na game ‘pag pinaarte mo sa kamera at professional. Partida child pa lang s’ya noon ganun kaagad ang reputasyon niya. Saka noong nagpa-picture ako sa kanila ni Hopia – hindi lang sila yung ready na magpa-picture talagang mararamdaman mo yung warm nila sa kanilang kausap.
Pingback: Analysis: Trends, Issues of Love Teams sa Pinoy Showbiz - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: Kid Kulafu ( Manny Pacquioa)
most child stars lost their career when they become teenagers. That’s sad thing especially for those who really have talents to share.