Movie Review: Kid Kulafu ( Manny Pacquioa) 1


Kid Kulafu is a film based on life story of Filipino boxing champ Manny Pacquaio. Compare to other early Pacman’s  flicks such as Pacquioa: The Movie starring Jericho  Rosales, Kid Kulafu centers on young Emmanuel’s life (played by Buboy Villar) before his international boxing fights. This latest movie is directed by Paul Soriano (yes, fiance of Toni Gonzaga) under  Ten17Productions and Star Cinema.

Kid Kulafu Retells  Rural Living and Living with Fear

Movie Ticket Kid Kulafu bSa modernong pamumuhay, ang lifestyle sa countryside ay nakakabatong pag-usapan unless may umaatikabong kaganapan. Sa buhay ni  Manny sa Bukidnon noon, moviegoers will see how folks live with fears and complexity of simplicity. Kung nanay mo pa si Mommy Dionisia ay panalo ang mga eksena.

Na-miss ko ang panonood ng Pinoy action films dahil sa part na iyon ng movie. Magaling si Alvin Anson bilang militar na tumutugis ng mga rebelde, na hindi mo alam kung magagalit ka sa pagkuha niya ng mais at  huling tilapia ( ay… spoiler na ba ito?) ng mga Pacquioa.  Pero seryoso, dama ko ang sakit, pait, hirap, at takot na mamuhay kung nasa gitna ka ng bakbakan.

Dagdag na rin dito ang mga nakakatuwang eksena gaya ng para-paraan ng mga probinsyano para makapanood ng pelikula gaya ng panonood ni Emmanuel ng movie ni Bruce Lee (Fists of Fury?) sa sinehan ni Jun Urbano. Hahaha, seryoso si Alessandra de Rossi ( impressively portrayed Dionisia) pero sapol ang mga linya n’ya nang malaman n’ya kung anong kalokohan ni Manny para makapag- Bruce Lee. In-imagine ko talaga kung paano sinabi yun ng totoong Mommy D before singing Wrecking Ball.

Rediscover Boxing, Pacman and Buboy Villar  

buboy villarNa- meet ko na si Buboy Villar noong Darna days n’ya at tila dininig ni  Paul (close daw kami?) yung pasakalye ko na lagi na lang sidekick ang roles ni Buboy gaya sa Amaya, Dyesebel at Adarna. Okay we can’t expect na maging teen idol ang 17-year-old star na ito, but he has talents na hindi lang pang sidekick.  Sa Kid Kulafu, you’ll see na pinaghusayan n’ya ang pag-aaral ng boxing. Hindi lamang suntok sa ere, sa sako o banat na linya sa kanyang mga kapwa artista.   Eh ‘di ba kailangan pa niyang i-meet ang kartada ni Manny na mahirap tapatan kahit acting lang.  He gives justice sa kanyang role sa salita, gawa at itsura.  Siguro mas may sikat kay Buboy, but the role is really for him at congrats kung sino mang casting director ng film.

Since ayos ang portrayal ni Buboy Villar,madaling masalamin ( bukod sa may hawig sila)  kung ano ang buhay ni Manny noong kanyang kabataan.  Iyong  dapat naglalaro siya sa arcade pero tumutulong siya sa pangongolekta ng Kulafu bottle ( isang uri ng syoktong). Iyong binu-bully siya sa school ni Igi Boy Flores, in his finest portrayal hehehe.  Iyong edad na habang nagbubulakbol ang iba, siya  naglakas-loob mag-train at mangahas mag-Maynila na God knows kung ano ang kapalaran ang naghihintay sa kanya. Being a boxer in the Philippines siguro ay hindi ganun kadali so that’s one big thing, pero bukod dun ay  boxing is a deadly sport. Ito ay klase ng palakasan na hindi puwedeng hindi ka puwedeng masaktan at posible mong ikamatay. You should watch yung nakakaantig na istorya nila ni Eugene Baruta  (played by Khalil Ramos) from usapang hamog  yung cinematic and meaningful talk nila sa bubungan at sa madaling araw.

Relieve the Classic Favorites/ Touch of Indie

Maliit pero pang-asar ang participation ni Cesar Montano ( played Manny’s Uncle na nag-introduce sa kanya sa boxing). Hindi kumukupas ang galing ni Cesar na nagdagdag ng katatawanan at highlght sa film. Katunayan, kasama mong  mababalikan  kasama siya ang famous past time noong 90s  gaya ng panonood sa Betamax at VHS. Wahh renta days! Ang kasikatan ni  Mike Tyson na nagbigay ng aral kay Uncle at kay Manny. Isa lang talaga ang hindi nawawala sa bisyo sa probinsya, ang pagsasabong.

Samantala, ang awkward moment sa Kid Kulafu ay ang mga dream sequence lalo na ‘yong may nagliliwanag sa paligid ni Manny doon sa kunwaring paraiso. Doon ka mapapaisip kung aksyon pa ba ito or fantasy? Mabuti na lang may nauna roon na dream sequence din na  naglalakad ang gusgusing si Manny at nakita s’ya ni Mommy D. I respect Direct Soriano’s artistry, the movie satisfy my penchant sa action scenes, sundot ng comedy at hagod ng drama. Pero  initially talaga  ang reaction ko ay parang hindi tugma o nakakawala ng momentum yung dream sequences sa sinundan at susundan na eksena.

IMHO, ideal yung sa ‘paradise’ concept but  too much ata hindi bagay sa tabas ng texture ng pelikula. Pero let this sink first sa iyong imagination at madali rin namang pag-ugnayan ang mga bagay-bagay. I mean kung bakit naisip iyon ni Direk Paul. Iyon nga lang pero as a moviegoer  di gaanong ma-appeal maganda lang iyong effect.

Sa cinematography – may touch ng pagka-indie at enhanced by mainstream quality. Mapapansin na medyo traditional ang ilang approach sa kuha lalo na sa opening sequence ( na parang naalala ko ang Thai film na Ong Bak). Medyo masakit sa mata pero parang nakatulong sa kaba, sa init at bigat ng mga eksena. Gusto ko pa rin yung usapang hamog sa part na ito at yung pagbagsak ni Pacquioa.

I recommend Kid Kulafu — it’s a Filipino Film na hindi plastic at puro ganda/ guapo ng artista lang ang drama kundi magpapakita ng totong kwento sa likod ng buhay boksingero. yo! Share lang… mula SM Fairview, nakaabot ako ng SM Mega Mall at Robinson’s Galleria makapanood lang nito 😉 Worth it ang pagod at bayad!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One thought on “Movie Review: Kid Kulafu ( Manny Pacquioa)