Visiting St. Pio Chapel in Libis


St. Pio Chapel. paper for petitionsBago ako makarating sa  Saint Pio Chapel  (Libis, Quezon City near Citybank and the back of Gasoline station) ay may ilang kwento na akong naririnig mula sa aking mga kaibigan. Mahimala daw dito at napaka-solemn.

Sa tagal ng panahon ay nito lamang taon ako nagkaroon ng time na personal nang ma-experience ang simbahan. Tama na solemn ang loob ng simbahan at nakakahiya na gumawa ng komosyon. Mayroon ng mga nakahandang babasahin dito para sa mga gustong magbasa ng dasal para kay Padre Pio.

Sa dalawang beses na pagpunta ko ay dalawang beses ko ring naabutan ang mga nagno-novena sa isang bahagi ng simbahan. SIguro nga ay ganoon na nga doon araw-araw kapag walang misa.

Rosaries and Candles

St. Pio Chapel. rosariesSa  labas at gilid ng kapilya ay makikita ang rosaryo ( rosaries) na nakasabit.For me, ang isang magandang bahagi compound ng Chapel ay iyong daan patungol sa sindihan ng kandila. Kung tutuusin ay napaka-normal lang naman yun pero naging napaka-espesyal dahil sa mga rosaries dito na hindi lamang nagsisilbing dekorasyon kundi paalala ng mga taong nanalangin sa lugar.

Pagkapasok gate na ito, mapapansin naman ang  silid ng mga pulang kandila (candles). Ito na siguro ang pinakamaayos at pinakamalinis na sindihan ng kandila na nakita.  May guide na rin para sa nagdarasal at wala namang box na nagsasabi kong magkano ang kandila.

Sa kabilang silid naman, makikita ang adoration chapel  ( kung hindi ak nagkakamali).  Hindi ko pa ito napapasok pero mula sa labas ay makikita naman ang linis, saktong liwanag  at lugar para sa mga nagdarasal. Konting lakad mula rito ay ang  open air area para sa mga nais sumulat ng petition or requests.

Gaya ng sa Monasterio de Santa Clara (Katipunan, Quezon City) ay nakakahalina at hndi nakakahiya  na sumulat ng mga kahilingan dito – may kinalaman man sa love life, trabaho,  pamilya, sakit, negosyo at iba pa.  By the way, sa St. Pio nagpupunta ang aking kaibigan at ang kanyang inang may cancer na bumubuti na ang lagay.

Bukod sa mga nabanggit ko ay may iba pang lugar sa compound ng simbahan na malawak at tahimik.

St. Pio Chapel. petition and requestsSt. Pio of Pietrelcina

Aaminin ko, hindi ko lubos na kilala si Padre Pio. Sa aking paglibot at pagbabasa, siya ay isang Italyanng Pare na isinilang noong 1887 at ang tunang n’yang pangalan ay Francesco Forgione. Siya ang first stigmatized priest sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, bunsod na rin ng paglitaw makahulugang sugat (Lord’s Passion) sa kanyang katawan. Hunyo 16, 2002 nang maideklara syang Santo ni Pope John Paul II.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *