Loom band making ang isa kinahiligan ng mga kabataan sa mga nakalipas na taon lamang (2014?). That’s my observation base na rin sa mga nakikita ko sa mga pamangkin ko. Nagustuhan ko ang craze na iyon kasi nasusubukan ang kanilang pagiging artistic, resourceful, at enterprising. It’s also inexpensive to buy loom band kit and learn different designs.
Newest favorite from Lego to Loom
Few months ago bago ko sila mapansin na into loom bands na ay ang sikat sa mga pamangkin ko ay Lego or kahit yung mga simpleng toy bricks or blocks. Nasasakyan ko naman ang trip nila kasi somehow ay dumaan din naman ako roon, pero medyo mas bet ko itong loom band making lalo na’t nakakagawa pa sila ng accessories.
Ang nakakatuwa pa rito ay hindi lamang babae, ang naeengganyo kundi pati lalaki rin. Isang patunay na rito ang pamangkin kong si Selwyn at kanyang pinsang lalaki. Dito rin ay napapakinabangan nang maganda ang kanilang panonood ng video tutorial sa Youtube kapag may gusto silang malaman na style. Oh yeah, iwas puro laro at more sa crafting or offline activities.
Family bonding and business
Magkasundo sa paggawa ng loom band bracelets sina Selwyn at Rica, dahil nagbibigayan sila ng ideas at materials. Ang hipag kong si Ate Susan ( mama ni Selwyn) ang madalas namimili ng kanilang mga loom band kit lalo na’t suki siya sa Divisoria.
Napagkakitaan na rin ni Rica at Selwyn ang kanilang paggawa ng loom band accessories dahil nag-aalok at nakakatanggap sila ng order sa kanilang mga kaklase. Iyan ay bukod pa sa mga order nila rito sa aming compound, ako man ay marami ng na-order sa kanila. Nahihirapan na nga ako kung anong color combination o klase ng abubot ang ipapapagawa ko.
Sa binyag at birthday ng magkapatid na sina Juan Fortun at Sophia Jane na akin ding mga pamangkin. Guess what? Ang kanilang napakyaw na souvenir item para sa mga dumalo ay ang gawang loom band bracelets nila Rica at Selwyn. Kumita na ang dalawang bata ay nakatipid pa at hindi na nahirapan ang magulang ng dalawang bida ng okasyon.
Why loom bands making is cool?
Medyo nagtagal din ang trend ng loom band at kahit saan ay nakikita ito. Kaya sa tingin ko ay pagalingan na lang sa paggawa ng naiibang creation mula sa materyal na ito na tinatawag ding Rainbow Loom o Rubber bracelets. Pero just in case, hindi ka pa aware or you’re still not convince – here are the reasons why loom band making is in?
colorful and easy to do for kids – Mahilig ako sa mga novelty items and accessories pero mahirap silang hanapin at gawin. With loom band making, ang tanging gamit ay maliliit na colorful rubbers na kayang pagkabi-kabitin gamit ang hook.
cheaper than other toys – actually, i don’t see this thing as toys kundi more of art project for kids kasi nga nakakagawa sila ng artistic creation from bracelets to pen holder to mobile phone bag at kung anu-ano pa. Pero higit sa lahat ay mas mura itong bilhin. Sa Divisoria ang isang matinong loom band kit na complete na sa items at color ay nasa Php300 lang. Pero sa commercial establishments ay nasa Php 700 to 1000 ang mga ito. Ang pinakamura naman na nakita namin na Rainbow Loom ay Php 15 per 50 gram kaya mahal na ‘yong Php 50 per 50 grams.
Fashion for all ages – Bata o matanda ay nakikitaan ko na nagsusuot ng loom bracelets. At I disagree sa magsasabing jologs or unfashionable ang pagsusuot nito especially sa casual clothing. I think depende sa design and color combination nagkakatalo kung babagay ito sa isang outfit. Kahit sa dress, polo, party at semi-formal ay puwede ito.
Mas gusto kong maka-receive nito from somebody kesa ako ang gagawa. Not that I don’t have the patience, i think it’s therapeutic in a way…i think na ang sweet lang if this will be given as a gift.
Ako rin mas gusto maka-receive lang. well aminado ako na yung tiaga ko sa ganito ay depende sa panahon. welcome sa hoshilandia!