Visiting Tagaytay, Trekking to Taal Volcano


Ang tagal ko na rin gustong makarating ng Tagaytay. Biruin mo nakapunta na ako ng Ilocos, Baler, Baguio,  Palawan at South  Korea pero never pa saTagaytay.  Pero at last it happened and with my whole family in an one fine weekend. Siguro may apat na oras din mula Quezon City hanggang rito kung saan matatanaw ang pamosong Taal Volcano.

Perfect for bonding

tagaytay taal volcano

pang Postcard ang Peg- Kuya Marlon and Je-Jec

Maraming parke sa Metro Manila pero siguro dahil palagi na lang doon at limited ang activities na maio-offer kaya mas naging kaiga-igaya ang pagbisita sa pasyalan gaya ng Tagaytay.  Dagdag pa rito ang malamig na simoy ng hangin kapalit ng marumi at mainit na polusyon.

Actually mahirap sa amin maging masyadong adventurous dahil sa may mga kasama kaming bata at matanda.  So ang first destination ay ang picnic grove na kung hindi ako nagkakamali ay nasa P50 per person ang entrance fee bukod pa sa parking lot and cottage fee.  Pero kung magtatagal at para sa bonding ng buong pamilya ay sulit naman yan. May iba’t ibang cottages sa paligid, may bubong o wala pero siyempre the best iyong nakaharap sa  the smallest volcano on earth – Bulkang Taal.

Pero mayroon din naman ibang mapagkakaabalahan ang mga mahilig sa adventure like yung zipline na nasa P200 per person and one way. Personally namamahalan ako, pero para sa  kasiyahan ng kabataang  Pinoy, gorah!  Mayroon din dito yung Cable Car na siyempre iba rin ang price.

Be Ready to Gastos all the way

Taal Volcano Tour feesBy the way, hindi naman sa pananakot pero para lang handa kayo pagdating doon. Hindi lamang entrance fee at pagsakay sa mga rides ang babayaran dito.  Nagbayad kami ng P2500-P3000 para sa boat riding going to Island ng Taal.  And akala ko naman  kasama na roon ang going to Taal Volcano hindi pa pala P450 per person ang horse back riding paakyat sa bulkan. Di na lang din ako naglakas loob, kahit gustong-gusto kong mag-trekking dahil hinapon na kami at madadamay ang mga bata.

Maliban sa gastos, maging handa rin sa hindi kaaya-ayang mukha ng isla na dadaungan ng inyong boat riding.  Hindi lamang ito masangsang dahil sa dumi ng mga kabayo medyo hindi rin pang-photography.  Well hindi namang maduming-dumi pero kung iko-compare ito sa Pundaquit Zambales at  kahit anong isla sa Honda Bay, Palawan.  HIndi naman sa kaartehan pero nakakapanghinayang din kasi dahil isa itong tourist destination.

Picture Perfect and dream to comeback

tagaytay ziplineKahit na  namahalan ako  at may ganung mga eksena, hindi naman ako magdadalawang-isip na bumalik sa Tagaytay. pakiwari ko isang side lang ang nakita at marami pang magandang dahilan para i-explore ang lugar.  Saka nakakabighani ang Taal Volcano, gayon din ang Sky Ranch, pagkain ng Bulalo at ang  paligid ng Tagaytay.  Sa pagkakataon na iyon ihahanda ko na talaga ang kamera, pera at ang aking mga paa. Gusto kong mag-trekking sa Taal Volcano kasi takot akong mangabayo para mas malapit ako sa nature at mas ma-appreciate pa ang ganda nito.

Patalastas

Mabuhay!

[hana-code-insert name=’Tagaytay Travel Book’ /]

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Visiting Tagaytay, Trekking to Taal Volcano